Rachelle Ann Go talks candidly about how she recovered from breakup with John Prats

"Hindi ka na dapat mag-dwell sa past. Let it go. Move on. Ang ikli ng buhay, bakit mo palulungkutin yung sarili mo? Hindi ko nga ini-expect na magiging mabilis, e," says Rachelle Ann Go about how fast and easily she recovered from her breakup with John Prats.


Nilinaw ni Rachelle Ann Go na coincidence lang na ang title ng kanyang bagong album ay Unbreakable. Wala raw kinalaman dito ang recent breakup nila ni John Prats.

Hindi lang Unbreakable ang title ng album kundi title din ito ng carrier single ni Rachelle.

Napansin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa album launch ni Rachelle sa Viva office kahapon, August 18, na parang sumasalamin sa personal life niya ang titulo ng album.

Na parang sinasabing hindi siya puwedeng "wasakin" nang hiwalayan siya ni John.

Pero ayon sa young singer, "Noong ni-record ko yung song, matagal na ito.

"May isa kasi akong song sa album na ’Unbreakable’ na parang alternative. Ang gandang pakinggan.

"Sabi nga ni Tita Baby [Gil, Viva Records executive], ’Maganda ’yan, parang okey naman.’

"In fairness, parang sumakto talaga siya sa situation ko.

"Pero nagkataon lang talaga, hindi sinadya."

Ipinaliwanag ni Rachelle na kaya natagalan ang pagri-release ng bago niyang album ay dahil pumili pa sila ng mga magagandang awitin.

RACHELLE GOES SEXY. Kapansin-pansin ang cover photo ng album ni Rachelle, kung saan labas na ang cleavage niya. Bagay na ginagawan ng isyu na pagrerebelde diumano niya sa ex-boyfriend niya ang pagpapa-sexy niya ngayon.

"Sexy ba? Nagpapanggap lang ako!" biro naman ng singer.

"Sabi ko nga, parang ang lalim yata ng cut no’ng gown? Sabi naman nila, hindi naman.

"Sexy ba talaga? Parang hindi naman...

"Pero sakto lang naman ’yan, hanggang ganyan lang.

"Like sa Party P [Party Pilipinas], mga ganun-ganun lang ang kaya ko, not too much.

"Nadyadyahe lang ako pag nakikita ko yung sarili ko sa ganyan.

"Pero salamat na rin at napansin ninyo na sexy ako," nangingiti niyang sabi.

Puwede na ba siyang makipagsabayan ng paseksihan kay Bianca Manalo, na nali-link ngayon kay John.

"May ganun? Ganun talaga? Ano ba ’yan? Tapos na!" natatawang bulalas ni Rachelle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MOVING ON. "Oo naman," sagot ni Rachelle sa tanong ng PEP kung okey na siya sa nangyari sa kanila ni John.

Kailan siya naging okey?

"Hindi ko alam... Basta, bigla na lang.

"Alam mo yun, na bigla ka na lang magigising isang araw na wala ka nang bigat na nararamdaman, magaan na."

Matagal ba yung healing process?

"Hindi ko inaasahan na magiging mabilis," sabi ni Rachelle.

"Alam mo yun, surrender everything and accept. Yun lang, let go.

"Hindi ko alam kung gaano katagal, basta saglit lang.

"Saka wala naman kaming isang taon. Sandali lang kami."

Ang tinutukoy ni Rachelle ay ang itinagal ng relasyon nila ni John.

"Alam n’yo yun? Hindi ka na dapat mag-dwell sa past.

"Let it go. Move on.

"Ang ikli ng buhay, bakit mo palulungkutin yung sarili mo?

"Hindi ko nga ini-expect na magiging mabilis, e.

"Sobra talagang nakatulong ang prayers and in-accept ko lang saka i-surrender mo lahat kay God, magiging okey ka."

THE PAST RELATIONSHIP. Sino bang nakipag-break kanino?

"Alam n’yo na. Siya [John], di ba?" natatawang sagot ni Rachelle.

"Hindi pa kasi kami nag-uusap, e. Mahaba kasing istorya ’yan, nagkalabuan na."

Sino bang humingi ng space?

Kasi sa pagkakaalam ng marami, cool-off lang muna sila. Pero noong nasa Singapore si Rachelle, kinumpirma ni Toni Gonzaga sa The Buzz na "break" na sila ni John. (CLICK HERE to read related story.)

"Oo, gano’n nga. Pag-uusapan ba talaga natin ’yan?" alinlangang sabi ni Rachelle.

Sinabi namin kay Rachelle na magandang pag-usapan na ito ngayon para magkaroon na ng closure, bagay na inayunan na rin niya.

"I mean, siya [John] naman ang nag-umpisa sa publiko na gano’n," saad niya.

Ibig sabihin, hindi pa sila break nang pumutok ang balitang hiwalay na sila?

"Hindi pa kami nag-uusap nang maayos.

"Medyo ano lang kami noon... may tampuhan sa isang relationship. Yun!" paliwanag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman itinanggi ni Rachelle na oras para sa isa’t isa ang rason ng problema sa kanilang relasyon ni John.

Wala ring maiturong matibay na rason si Rachelle kung bakit nauwi sa hiwalayan ang relasyon nila ng aktor.

"Lumaki lang po siguro nang lumaki. Ang dami nang mga issues.

"Hindi rin naman nanggaling kay John, e, parang sa ibang tao.

"Ako naman, okey. Alam naman ninyo ako, dedma lang ako," sabi niya.

Gumawa ba ng paraan si John na kausapin siya noong kasagsagan ng isyu sa hiwalayan nila?

"Hindi, e," sagot ni Rachelle.

"Siguro after a week na no’ng kaguluhan na... nag-ano siya na kung puwede kaming mag-ayos.

"E, ayoko na. Kumbaga, tapos na.

"After na rin yun no’ng aminin sa publiko."

SEVEN MONTHS. Sa palagay ba ni Rachelle ay may pagkakamali rin siya kaya umabot lang sa almost seven months ang relasyon nila ni John?

"Siyempre, sa lahat naman, hindi perpekto. Meron rin naman. Siyempre, busy," sagot niya.

Naisip din ba ni Rachelle na hindi niya deserved na sa ibang tao pa lalabas na break na sila ni John?

"Ahm, I don’t know. Nasabi ko siyempre, hindi.

"Ayaw kong masaktan. Sino ba naman ang gustong masaktan?

"Kahit siya, ayaw din niya. E, wala talaga.

"Ganun ang tadhana mo, yun yung may kailangan kang matutunan," paliwanag niya.

Hindi raw nakita ni Rachelle ang scenario na aabot sa ganito ang dating maayos na samahan nila ni John.

"Sino ba naman ang makakapagsabi? Hindi mo naman malalaman yung future mo.

"Alam mo siyempre, i-expect mo siyempre na may problema.

"Ako kasi, hindi ko ini-entertain yung thoughts na baka ganito, yung worries, or yung doubts.

"Tinatanggal ko yun. Kasi hindi naman makakatulong."

Kung si John ang humingi ng break, ibig bang sabihin na may pagkakamali siya o pagkukulang sa relasyon nila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo, kasi yung time... time, I guess. Tanungin natin siya."

Paano na yung mga plano nila na pakakasal sila sa naiisip nilang takdang panahon?

"Wala, ganun talaga. Kapag natapos ang isang bagay, ending na siya!" natatawang sabi ni Rachelle.

Paano naman ang magandang samahan na nabuo niya sa pamilya ni John?

"Once in a while kami ni Cam [Camille Prats, John’s sister], once in a while kamustahan."

May panghihinayang ba?

"Panghihinayang... siyempre, yung in-invest mong emotion with his family.

"Yung naging close kami. Napamahal na rin sa akin yung family.

"Pero wala, ganun talaga," pagkikibit-balikat niya.

NO MORE HURT. Yung pangalan ba ni John sa telepono niya at contacts, binura na ba niya?

"Ay, hindi naman.

"Hindi naman ako bitter. Hindi naman masama ang loob ko sa kanya.

"Saka kahit nakikita ko yung name niya sa phone ko, wala na. Wala na.

"Sobrang ano na ako, e, tanggap ko na," sigurado niyang sabi.

Yung mga naibigay ba sa kanya ni John ay itinago niya o balak niya isauli?

"Yung mga maliliit na bagay? Ginagamit ko pa naman," sabi niya.

Wala bang mamahaling bagay na ibinigay sa kanya si John?

Di tulad ng mga ex-boyfriend niyang sina Christian Bautista, na nagregalo sa kanya ng diamond necklace, at si Gab Valenciano, na nagbigay naman ng isang mamahaling laptop?

"Hindi naman ako... I mean, memories. Alam mo yun, na para lang gusto mo siyang makalimutan, itatapon mo na?

"Ang bitter ko naman nun.

"Yung ibinigay niyang shoes, ginagamit ko pa rin. Mahilig ako sa mga shoes."

Ayon pa sa kanya, hindi raw expensive branded shoes ang ibinigay sa kanya ni John.

"Hindi naman ako mahilig sa mga mamahaling ano, e."

FAILED RELATIONSHIPS. Tatlong relasyon na ni Rachelle ang hindi nagiging successful—kina Christian, Gab, at John.

"Oo, at hindi ako proud!" diin niya. "

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Alam mo yung... nakakalungkot. Hindi siya nakaka-proud kasi failed relationship ’yan.

"Parang ang dami kong pagkakamali na inakala kong maayos, pero hindi.

"Kaya ang natutunan ko, bago ako pumasok sa relationship, kailangan kilalanin mong mabuti ang isang tao.

"Hindi naman sa nadala. May natutunan ako.

"Kasi marami ang nagtatanong kung ’na-trauma ka ba?’

"Bakit ako matu-trauma? Hindi, e.

"Parang may natutunan ako."

Dagdag pa ni Rachelle, hindi pa siya handang magmahal muli.

Gaano kasakit sa kanya na pagkatapos ng dalawang lalaking siya ang nakipag-break, ang sumunod niyang boyfriend naman ang nakipagkalas sa kanya?

"Lahat siguro kapag ikaw yung brineyk, siyempre ang feeling, masakit.

"Pero parang may dahilan. Siguro ayaw ni God na kami, e.

"Kaya may mga rason na pumapagitna sa amin kaya hindi nag-work yung relationship," saad niya.

Natawa naman si Rachelle sa tanong kung noong nagkahiwalay sila ni John ay nakita niya ang magagandang traits nina Christian at Gab na pinanghinayangan niya.

"Meron namang good traits si John. Pero hindi ako nag-compare.

"Pero in fairness kay Christian, nandiyan ’yan palagi.

"Yung friendship, hindi nawala. Nandiyan ’yan palagi.

"Parang hindi naman ako dumating sa point na kinumpara ko sila.

"Saka na-appreciate ko naman yung ugali no’ng mga tao.

"Pero hindi naman ako dumating sa ’buti na lang ganito.’ Walang gano’n."

Sa tatlo niyang nakarelasyon, may pagkakahawig ba ang mga rason kung bakit hindi ito naging matagumpay?

Kay Christian ay halos tatlong taon ang itinagal ng relasyon nila. Kay Gab ay halos one year. At si John nga ay seven months.

"Nung una kasi, kay Christian, not the right time. Hindi pa talaga.

"Saka ang bata pa namin, immaturity rin...

"Yung kay Gab, siguro hindi kami nagdya-jibe sa ugali.

"Yung kay John, hindi ko alam, bigla na lang, e... tanungin natin siya."

Wala talagang third party?

"Sa pagkakaalam ko nung time na yun, wala naman akong nahuli na nakita ko sa mata ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Marami akong naririnig, pero ayoko namang... Di ba?"

Kasama ba dun si Bianca Manalo?

"Lagi akong tinatanong, e, ng press. Kaya nga siya na-involve kasi, di ba, yung mga tao...

"Pero ako, never kong sinabi na involved siya at siya ang dahilan kasi hindi ko naman alam.

"Ang dami na kasing issue. Ang dami nang na-involve na hindi naman dapat."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN