Hayden Kho says his wedding with Dra. Vicki Belo will be held away from the public eye

Engaged couple Hayden Kho and Vicki Belo are inseparable as the two prepare for their upcoming wedding. When pressed for details such as venue and theme, Vicki passes the question to Hayden who seems to be very hands-on with the preparations. He keeps mum but says that the wedding will be "very private."


Halos hindi mapaghiwalay sina Hayden Kho at Dra. Vicki Belo kagabi, August 18, sa Us Girls August awards na ginanap sa Amber Lounge sa The Fort.

Isa si Hayden sa pinarangalan bilang Most Fashionable Male, kasama sina Gerald Anderson at Sam Milby.

"Thank you to all those who voted; it was really unexpected. It is an honor," pasasalamat ni Hayden sa lahat ng sumuporta sa kanya para mapanalunan ang award.

"I’m so happy na-recognize naman kasi ang galing niya talagang magbihis," sambit naman ni Dra. Belo, na tuwang-tuwa sa pagkapanalo ng award ng kanyang fiancé.

Ayon naman kay Hayden, si Dra. Belo ang kanyang style inspiration.

"Ang ayos-ayos ni Vicks. So, nakakahiya naman kung maging lousy, di ba?

"I think she’s one of the most fashionable women," ani Hayden tungkol sa sikat na dermatologist na madalas makitang naka-postura.

WEDDING PLANS. Hindi naman naiwasang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang media na naroon kung kumusta na ang paghahanda nila para sa kanilang upcoming wedding.

"Nagtitingin-tingin na," agad na sagot ni Dra. Belo.

"I already made an appointment with Monique Lhuillier so I can start choosing gowns. Matagal pa naman yun, e."

Si Monique Lhuillier ay isang US-based Cebuana designer na nakilala sa kanyang classy at very feminine style.

Ilan sa mga naging "Monique brides" ay sina Britney Spears, magkapatid na Jessica at Ashlee Simpson, Reese Witherspoon, at maging ang Pinoy pride na si Lea Salonga at ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez.

Madalas ding makitang inira-rampa ng Hollywood celebrities tulad nina Drew Barrymore, Scarlet Johansson, Teri Hatcher, at iba pa ang mga gawa ni Lhuillier.

Wala pa namang ibinigay na detalye ang dalawa tungkol sa motif ng kasal at kung sino ang mga invited guests.

Tinanong din ng PEP kung saan magaganap ang kasal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tanungin n’yo siya," sabi ni Dra. Belo sabay turo kay Hayden.

"Secret," nakangiti namang sagot ni Hayden.

Within Metro Manila lang ba ang venue ng kasal at reception?

"No, it won’t be here. Definitely not here," pagkukumpirma ni Hayden.

Does he mean out of town or out of the country?

"Out of the eyes of the public," ang maiksi at makahulugan niyang pagtatapos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN