Yssa Alvarez tries her luck in showbiz; talks about the temporary separation of parents Bong Alvarez and Almira Muhlach

Kinumpirma ni Yssa Alvarez ang balita noon na umalis daw ng bahay si Almira Muhlach kasama ang kanyang mga anak dahil daw sa pananakit sa kanila ng asawa nitong si Bong Alvarez.

"Yeah, for a time. We left because they are not okey. Pero, it was okey naman na afterwards, " Yssa says.


Another Muhlach has joined showbiz. Ito’y walang iba kundi ang 14-year-old na si Yssa Alvarez.

Si Yssa ang panganay sa tatlong anak nila Almira Muhlach at Bong Alvarez.

Kaiba sa kanyang mommy na nasa linya ng pag-arte, pinasok ni Yssa ang mundo ng musika.

Isa siya sa mga ipinakilalang new artists ng Viva Talent Agency. Acoustic ang tema ng mga kanta sa kanyang debut album.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng ibang entertainment press si Yssa noong August 18 sa presscon na naganap sa Viva Office sa Tektite Bldg., Ortigas, Pasig City.

Dito’y nabanggit niya na ang kanyang lolo na si Cheng Muhlach ang naghikayat sa kanya na mag-audition sa Viva.

Kwento niya, "Dinala po ako actually ng lolo ko dito kay Boss Vic [del Rosario], nag-audition po ako, then after a few days nag-sign po ako ng contract."

Thirteen years old daw siya nang pumirma ng kontrata under Viva, kaya naman medyo nahirapan siyang kumbinsihin ang kanyang magulang na payagan siyang pumasok sa showbiz.

"Siyempre nahirapan po ako!" bulalas niya.

"Kasi they really didn’t want me to go into show business, e, kasi studies ko nga po maaapektuhan.

"Pero, I told them na I’m not gonna compromise [my studies.]

"So, they allowed me [when I said] I’m gonna be in school."

MIGRATING TO AUSTRALIA. Lumabas ang mga balita noon na nagbalak daw na mag-migrate ang pamilya ni Yssa sa Australia, ngunit hindi ito natuloy.

Isa sa mga sinasabing dahilan ay ang kasong isinampa ng reporter na si Gretchen Malalad laban sa kanyang amang si Bong Alavarez noong 2007.

Ayon kay Gretchen, sinaktan daw siya ng dating basketbolista matapos niyang subukan hingin ang panig nito tungkol sa ibinibintang sa kanyang pananakit ng isang taxi driver. (CLICK HERE for related article)

Pero pinabulaanan ito ng panganay na anak ni Bong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala po," pagtanggi ni Yssa.

"We wanted to move to Australia because there [are] a lot of job opportunities for both my parents."

Isa pang dahilan raw at hindi natuloy ang pagpunta nila sa Australia ay ang pagpirma niya ng recording contract.

Wika niya, "Ayon nga po, kasi nag-sign po ako sa Viva.

"I signed po [sa Viva], thirteen years old pa lang ako. Yun dapat yung time na magma-migrate kami sa Australia.

"So, it’s gonna be a hassle for me if I’ll travel back and forth."

PARENTS’ TEMPORARY SEPARATION. Sa pagkakataong ito, kinumpirma ni Yssa ang naging balita noon na naghiwalay ang kanyang mga magulang.

Noong 2007, napabalitang umalis ng bahay si Almira kasama ang kanyang mga anak, dahil daw sa pananakit sa kanila ng asawa nitong si Bong. (CLICK HERE for related article)

"Yeah, for a time," pag-amin niya.

"We left because they [were] not okey.

"Pero, it was okey naman na afterwards."

Ngunit nilinaw niya, maayos na daw ang pagsasama ng kaniyang mga magulang ngayon. Katunayan, abala sila sa kaniya-kaniya nilang propesyon.

"[Si daddy], ano po siya, e, tumutulong sa mga construction.

"Siya po yung kumo-contact sa mga pagawaan ng gym, sports gyms, arenas, parang kunware umo-order sila ng aircon... sports consultant, something like that."

Samantala, ang mommy naman niya, "aside from makeup artist siya, she’s acting in Bagets as mommy of Meg [Imperial]."

Kahit pa man dumaan sa mahirap na sitwasyon ang pamilya nila noon, masaya daw si Yssa na maayos na ang lahat ngayon.

Tingin din daw niya, normal lang na magkaroon ng hindi pagkaka-unawaan sa pagitan ng mag-asawa o magkarelasyon.

Aniya, "I think that’s normal because when my mom hears chismis about them they don’t let us watch TV.

"So, I’m not aware of what the people are saying but I know what the issue is, parang ganun, I’m not super familiar with it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, ayaw ng mommy ko na makita namin yung sinsasabi ng mga tao about my dad and my mom.

"[So], sa tingin ko it’s normal naman, like mag-away, di ba, sa husband and wife — even if I’m not in a relationship."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN