Solenn Heussaff stages her first-ever concert

"I can’t believe it!" This was the reaction of model-actress and now singer, Solenn Heussaff after she staged her first-ever concert last night, August 19, at Teatrino in Greenhills, San Juan.


Successful ang first solo concert ng "multi-slashie" na si Solenn Heussaff, na tinawag na Solenn On Stage.

Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na masaksihan ang first night ng two-day concert ni Solenn na naganap August 19 sa Teatrino, Greenhills, San Juan.

THE ACTS. Sa umpisa pa lang ay mataas na ang energy level ng mga tao. Ito ay matapos mag-perform ng tatlong awitin ang model-actor-singer na si Geoff Taylor.

Di naman nagtagal, lumabas na din ang star ng gabing iyon, si Solenn Heussaff. Naging opening number niya ang awiting "Fever."

Bukod dito, inawit din niya ang ilan pang tracks mula sa kanyang self-titled album, tulad ng "Torn," "All I want to Do," at "Love Song Lyrics."

Maya-maya pa’y pinakilala na ni Solenn ang kanyang makakasamang umawit ng gabing iyon— ang kapatid niyang si Erwan Heussaff.

Si Erwan ay ang boyfriend ng model-host na si Anne Curtis, na naroon din noong gabing iyon upang suportahan ang kanyang nobyo at kapatid nito.

Matapos ang duet nilang magkapatid, sinabi ni Solenn na ang next song ay ang kanyang "sexy song" for the night—ang kantang "Our First Time" ni Bruno Mars.

Nang kanyang simulan naman kantahin ang "Fire," ang carrier single ng kanyang album, lumabas ang singer-songwriter na si Ogie Alcasid.

Hindi nagpahuli si Ogie sa pagka-sexy ni Solenn dahil tinapatan nito ang "sexy" dance moves ng model-singer onstage.

Matapos ang kanilang duet, sinabi ni Ogie, "Just like Solenn, we are both a mixture of two [bloodlines]. She’s half-Filipino and half-French. I’m half-Filipino and half-Filipina!"

Inawit ni Ogie ang ilan sa kanyang popular na kanta tulad ng "Kailangan Kita" at "Bakit Ngayon ka Lang."

After ng solo performance ni Ogie, muling umakyat sa stage si Solenn. Inawit nila ang "Chemistry." Ang kantang ito’y composed by Solenn with the help of former Rivermaya lead vocalist na si Rico Blanco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inilarawan ni Solenn ang naturang awitin: "This song is about two people who meet on a dance floor and want to have some fun... [But] people are too judgemental, they go ’Nah, ah, ah! Wag diyan!’"

Nagkaroon ng second duet ang magkapatid na Erwan at Solenn. Dito’y kinilig ang mga manonood dahil kapansin-pansin ang pagtitig ni Erwan sa nobyang si Anne Curtis habang umaawit ng isang love song.

Muli pa’y ilang mga solo song numbers ang ginawa ni Solenn. Inawit niya ang kantang "Kiss," "I love Rock’n’ Roll," "Satisfaction," at "Fire."

Natapos ang gabi with a duet with her brother Erwan; kinanta nila ang "Come Together" ng Beatles.

OVERWHELMING. Nakapanayam ng PEP at ilan pang entertainment press si Solenn sa backstage pagkatapos ng show.

Dito’y sinabi niyang hindi siya makapaniwala sa kinalabasan ng naturang concert.

Kinabahan pa nga daw siya dahil three days bago ang concert ay nagka sore throat siya.

"I can’t believe it!" bulalas niya.

"Nagkaroon ako ng sore throat for three days.

"Super, for three days akong like, I cannot talk, I don’t have voice, then I need to sleep early."

Bagaman masaya siya sa kinalabasan ng kanyang concert, aminado siyang madami pa siyang dapat i-improve performing on stage.

Aniya, "I need to learn a lot, I need to learn how to interact with the public. This is the first night of my concert and sana next week okey na ako.

"Kasi parang si Ogie, when he went on stage talagang comedian siya, he knows how to get the public’s attention.

"I need to learn a lot pa, pero this is good for my first one."

ALL-OUT SUPPORT. Masayang-masaya din daw si Solenn sa suporta ng kanyang pamilya at mga kaibigan.

Aniya, "Yeah, they’re so supportive! Then si Anne [Curtis] din came, she’s supposed to make a TVC but they packed up early.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, I’m sure super-kilig siya kay Erwan, tilian lahat ng babae."

Bago magsimula ang concert, nakapanayam din ng PEP ang ama ni Solenn na si Louis Heussaff.

Hindi maitago ng daddy ni Solenn ang pagka-proud nito.

Pag-amin pa niya, na-"amaze" daw talaga siya sa success ng kanyang anak.

Aniya, "Well, she’s a [natural], I mean she did it in a very cool way. You know, she amazes me, she knows what she wants.

"When she decides to do something, she’s into it, and I’m sure she will do her best."

Nakwento ni Solenn noon na bumili ng madaming ticket sa concert ang kanyang daddy, na pinatotohanan naman ng kanyang ama.

"You know I brought my staff here," pag-amin niya.

"So, when I learned there were few tickets remaining, I bought them, so these are all my angels," wika niya, habang tinuturo ang kanyang staff.

Nang tanungin kung may surprise number ba sila ni Solenn, natawa ang kanyang ama at nagbiro, "If I sing, it will rain even more tomorrow!"

Pero dagdag nito, "My son has a better voice than me, so Erwan will be singing with her; he has a very nice voice.

"They get it from my mother; my mother is a very good singer.

"So, it jumped one generation."

SPECIAL SOMEONE. Tinanong din namin ang daddy ni Solenn kung may inimbitahan ba ang kanyang anak ng "special someone" para manood ng naturang concert.

"She has a lot of friends around here!" nangingiting sagot niya.

"Someone special, honestly I don’t know. Maybe, maybe not.

"If ever he’s here I’m not in on it. I think she’s very quiet [about it]."

Kaya naman matapos ang concert, tinanong din ng ilan kay Solenn kung nandoon nga ba ang naikwento niyang ka-date niyang non-showbiz guy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napangiti ang dalaga at sinabing, "No he’s not here, sa next night. [So] watch out!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN