Alden Richards blends well with the Kapuso tweens; denies date with Sam Pinto is for promo

"When I was with them, kinapa ko lang po talaga yung mga ugali nila. Talagang tiningnan ko what makes them happy, what makes them angry. Pinag-aralan ko silang mabuti so that I can blend in. And so far, grabe, ngayon, parang 10 years ko na silang kakilala, yung bonding namin," says Alden Richards about the tween stars of GMA-7.


Aminado si Alden Richards na noong una niyang makasama ang tween stars ng GMA-7 ay naging "very awkward" ang feeling niya.

Hindi naman kasi talaga kasama si Alden sa original group ng tween stars, na kinabibilangan nina Joshua Dionisio, Barbie Forteza, Jhake Vargas, Bea Binene, Kristoffer Martin, Joyce Ching, Derrick Monasterio, Lexi Fernandez, at Louise delos Reyes.

Magkakasama na ang grupo sa weekly youth-oriented show na Tween Hearts, pero sa pelikulang Tween Academy: Class of 2012 ay isinama sa cast si Alden para maging kapareha ni Louise.

"When I first met all of them during the pictorial for this movie, it was really awkward," sabi ni Alden sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"At the same time, hindi ko alam kung ano yung first move. Kasi I don’t know all of them, of course.

"Tapos, one wrong move and then... First impressions last, e. Naniniwala po ako do’n."

Pero habang tumatagal ay nakapag-blend in na rin daw siya sa grupo.

"When I was with them, kinapa ko lang po talaga yung mga ugali nila.

"Talagang tiningnan ko what makes them happy, what makes them angry.

"So, pinag-aralan ko silang mabuti so that I can blend in.

"And so far, grabe, ngayon, parang 10 years ko na silang kakilala, yung bonding namin," saad niya.

Sino ang pinaka-close niya sa grupo?

"Derrick and Kristoffer, kasi kaming tatlo lagi ang magkakasama. Tapos sa girls, Joyce and Lexi," sagot niya.

Si Alden din ang isa sa pinakatamanda sa grupo.

"Actually, I’m 18. Kaedad ko si Jhake. Pero ang dating talaga, parang ako yung kuya-kuya nila.

"Kasi if they have problems, they share some of their problems with me and I give them advice since ako nga yung nakakatanda.

"Parang somehow medyo yung natahak ko, natatahak pa lang nila, e.

"So, in that way, I really give them advice since hindi pa sila mature somehow. Hindi pa nila maintindihan kung ano ang mga nangyari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang in that way, do’n kami naging close lahat. Then sa kulitan, magkakasundo kami.

"Parang hindi po ako nahirapan lumevel sa thinking ng age nila... Bumata po talaga, parang bumalik ako ng high school!" medyo natatawa niyang sabi.

LOUISE DELOS REYES. Inamin naman noon ni Alden na may pagtingin siya kay Louise delos Reyes at binalak niya itong ligawan. Pero hindi na niya itinuloy ang kanyang balak dahil sa pagpasok sa eksena ng kapwa nila Kapuso star na si Enzo Pineda.

"I have nothing against them. So, whatever makes them happy, I just let them be.

"Kasi for me, ang lovelife po talaga, it’s not yet important at this stage of my career," sabi ni Alden.

Ibig bang sabihin nito ay tuluyan na siyang nag-give up?

"Yeah... I shouldn’t say give up, I stepped away," sagot niya.

"Kasi I don’t want to [create a] conflict na, e. Kumbaga, pag pumasok pa po ako sa relasyon, sa nagiging tinginan nila sa isa’t isa, parang there’s more conflict, more tension, more issues...

"E, ayoko po, gusto ko tahimik lang."

Hindi ba masakit na parang ang pinili ni Louise ay si Enzo over him?

"No. Kasi I’m sure naman yung desisyon ni Louise, pinag-isipan talaga niya. So I just support her," sabi ni Alden.

Pero nanligaw ba siya talaga kay Louise?

"Hindi po, e. Hindi ko nasimulan actually.

"I’m really waiting for her to be 18, kasi yun talaga ang advice ng family.

"Talagang sa legal age mo lang siya... puwede kang umakyat ng ligaw, to court her."

Wala ba siyang nagugustuhang ibang babae ngayon?

"Wala... Marami magsasabi na pag sinabi kong career ang pipiliin ko, sasabihin nila showbiz.

"Pero talagang that’s what matters now, e, career. Yung where I am going, that’s what important, and my family."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DATE WITH SAM. Last August 4 ay natupad na ang dream date ni Alden sa isa pa niyang co-star sa Tween Academy na si Sam Pinto. Nagkaroon sila ng dinner cruise sa Manila Bay area. (CLICK HERE to read related story.)

Nagsimula ang lahat nang imbitahan ni Alden si Sam to have dinner with him on national TV nang minsang mag-guest ang young actor sa Showbiz Central. (CLICK HERE to read related story.)

Pero marami ang nagsasabi na ang date na ito nina Alden at Sam ay parte lang daw ng promo ng kanilang pinagsasamahang pelikula.

Itinanggi naman ito ng Kapuso heartthrob.

"Hindi po siya promo... What happened po talaga on the date was of my free will. Ginusto ko po ’yon," sabi niya.

Pero bakit may media coverage pa ang kanilang dinner cruise? Bukod sa TV crews ng GMA-7 ay nag-imbita rin ng iba pang media, kasama na ang PEP.

"Kasi I felt somehow I owe it to Showbiz Central, parang kasi sila yung naging medium para ma-ask ko si Sam ng date.

"Pero siguro I think Sam agrees naman with me na talagang hindi na lang namin pinansin ’yong kinover siya ng press.

"Kasi parang talagang we enjoyed each other’s company na lang po.

"Yun po, saka happy naman po yung result in the end."

Inamin din ni Alden na "sponsored" ang date nilang yun ni Sam.

Pero noong una raw ay talagang nag-canvass siya ng mga establishment na puwedeng maging venue ng date nila. Pero may isang company raw na nag-i-specialize sa romantic dates at nag-offer na mag-sponsor ng kanilang date.

"Parang they sponsored the date na nga. So, thankful po talaga ako sa kanila kasi they didn’t ask for payment," sabi ni Alden.

Nag-progress na ba ang date nilang yun ni Sam?

"Hindi pa po siya nasusundan," sagot niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

100 MOST BEAUTIFUL STARS. Nagpapasalamat naman si Alden sa pagkakasama niya sa YES! 100 Most Beautiful Stars this year.

"Thankful po ako sa YES! Magazine na in just a short time, talagang parang nakitaan din nila ako ng... yung ’it’ na tinatawag to include me in that magazine.

"To think na ako baguhan lang , sinama na agad dun sa 100 Most Beautiful. [I’m] really blessed and really thankful.

"Kasi parang ang hirap makapasok po do’n sa list, kasi yung background, yung requirements kailangan... your personality, your talent, your projection ...

"So, masaya po ako na napasama po ako kasi kahit bago ako nare-recognize na ako ng tao, yung what Alden Richards has to offer."

JOHN LLOYD CRUZ. Incidentally, ang cover ng YES! 100 Most Beautiful Stars 2011 at siya ring "Most Beautiful Star" this year ay si John Lloyd Cruz.

Marami ang nagsasabi na malaki ang pagkakahawig ni Alden kay John Lloyd.

Natutuwa naman ang Kapuso young actor sa pagkukumpara sa kanya sa Kapamilya star.

"Ano po, very... Siyempre po nag-iisa lang po ang John Lloyd sa Pilipinas. Talagang award-winning actor, box-office king...

"Super idol ko din po ’yan, e. Sa acting, yung mga movies niya, talagang somehow yung pattern ng acting, how he delivers his lines, talagang I watch it.

"Kasi yung style ni John Lloyd is what gets viewers nung movies or shows.

"Sobrang galing po, super idol."

Dagdag pa niya, "And then, sobrang thankful ako kasi naiku-compare po ako sa John Lloyd Cruz.

Ang isa pa raw hinahangaan ni Alden ay ang Drama King na si Christopher de Leon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN