Sam Pinto prefers to date men who are older, not younger than her: "Gusto ko, ako yung inaalagaan."

Twenty-one years old si Sam Pinto at seventeen naman si Elmo Magalona. Magkatambal ang dalawa sa pelikulang Tween Academy: Class of 2012.

"Siya, tween; ako, sexy-sexy, di ba?" ang sabi ni Sam tungkol kay Elmo.


First time na mahalikan ng isang bagets na katulad ni Elmo Magalona si Sam Pinto.

"Yeah, first time talaga," says Sam.

At sa tanong kung ano ang lasa ng lips ni Elmo...

"Hindi ko tinikman. Hindi ko masyadong tinikman," tumatawang sinabi ni Sam.

Hindi niya nalasahan?

"Hindi. Bakit ko lalasahan?" at muling tumawa si Sam nang nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa grand presscon ng pelikula ng GMA Films (in partnership with SM Development Corporation o SMDC), ang Tween Academy: Class of 2012 sa Grand Showroom ng SMDC sa Mall of Asia compound noong Huwebes, August 18.

Twenty-one years old si Sam at seventeen naman si Elmo. Four years lang ang agwat ng kanilang edad...

"Actually. Yun nga e, siguro, nagkakaiba lang dahil sa image namin. "Siya, tween; ako, sexy-sexy, di ba?"

Pero hindi type ni Sam na magkaroon ng relasyon sa isang lalaking mas bata sa kanya.

"Honestly? No," at muli itong tumawa.

"Gusto ko, ako yung inaalagaan. Ayoko nung ako ang nag-aalaga. So, I want yung older than me."

Kapag daw bagets ang karelasyon niya ay...

"Feeling ko, cougar na ako nun! Ha! Ha! Ha!"

Pero nag-date sila ng isa pang tween male star na si Alden Richards na kasama rin nila movie.

"Ay, oo! Feeling ko, ate lang niya ako, ganun," muling tumatawang sinabi ni Sam.

Among the tween boys, sino para sa kanya ang pinaka-may dating, yung tipong puwedeng maging boyfriend niya, if ever?

"Oh my gosh! Gusto ko si Elmo, because parang siya yung totoong tao, na may breeding and very talented also."

Yung ibang tweens, walang breeding?

"Hindi, wala akong sinabi na ganun, ha?"

Jologs ba yung iba?

"Wala rin akong sinabing jologs. Nakikita mo lang talaga sa aura niya [Elmo], na parang binata na siyang kumilos, ganun."

Nasa Tween Academy: Class Of 2012 (bukod kina Sam, Elmo at Alden) ang mga tween stars na sina Barbie Forteza, Joshua Dionisio, Bea Binene, Jake Vargas, Derrick Monasterio, Lexi Fernandez, Kristoffer Martin, Joyce Ching, Yassi Pressman, at Louise delos Reyes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nasa movie rin si Mark McMahon, ang bagong trainee na player ng team Azkals. Si Mark Reyes ang direktor ng pelikula.

Mamayang gabi, 7 p.mm ang premiere night ng Tween Academy: Class of 2012 sa Cinema 9 ng SM Megamall.

Loveless ngayon si Sam.

"Everyday, may trabaho ako. Kawawa naman yung lalake kung meron man."

Karamihan daw ay non-showbiz guys ang mga nanliligaw sa kanya.

Two years ago pa raw ang huli niyang relasyon, sa basketball player na si Simon Atkins.

Nilinaw niya na hindi sila nagkarelasyon ni Jake Cuenca.

Si Simon daw ang last niyang boyfriend bago siya nag-showbiz, pero hindi raw gaanong nagtagal ang relasyon nila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN