Barbie Forteza not bothered that Jhake Vargas gets top billing over her in Tween Academy: Class of 2012

May mga nagtataka kung bakit sa billing ng pelikulang Tween Academy: Class Of 2012, mas nauna ang pangalan ni Jhake Vargas kaysa kay Barbie Forteza. Ayon sa marami ay bigger star si Barbie kaysa kay Jhake.

"Para sa akin okay lang kahit sinong mauna, wala po talagang problema sa akin iyon," Barbie says.


Tinanong ng PEP.ph ang tween actress na si Barbie Forteza kung ano ang masasabi niya sa billing ng Tween Academy: Class Of 2012.

May mga nagtataka kasi kung bakit mas nauna pa ang pangalan ni Jhake Vargas kaysa sa kanya, although ayon sa marami ay bigger star si Barbie kaysa kay Jhake.

"Ngayon ko nga lang po narinig yung mga billing, parang ewan ko, wala namang isyu sa akin yun. Basta nandiyan yung pangalan ko, masaya ako, basta kasama ako sa billing, okay lang," sagot ni Barbie nang nakausap namin siya sa grand presscon ng pelikula ng GMA Films (in partnership with SM Development Corporation o SMDC) sa Grand Showroom ng SMDC sa Mall of Asia compound noong Huwebes, August 18.

"Para sa akin okay lang kahit sinong mauna, wala po talagang problema sa akin iyon," dagdag pang sinabi ni Barbie.

Tumitindi na ang tensyon sa nalalapit na showing ng pelikula sa Miyerkules, August 24.

"Na-e-excite ako na ninenebriyos! Na-e-excite kasi sa bawat time na nakikita ko yung teaser ng movie namin sa TV sa bahay, ’Wow, ang ganda, ang sarap paonoorin nito sa sine!’

"Nakaka-excite!

"Nakakanerbiyos kasi hindi ko alam kung kakagatin ng fans katulad ng pag-suporta ng fans sa TV series na Tween Hearts.

"I’m hoping na sana ganun din ang suporta nila sa movie."

Ang Tween Academy: Class Of 2012 ay pinagbibidahan ng mga tween stars: bukod kina Barbie at Jhake ay nina Joshua Dionisio, Bea Binene, Derrick Monasterio, Lexi Fernandez, Kristoffer Martin, Joyce Ching, Elmo Magalona, Yassi Pressman, at sina Louise delos Reyes at Alden Richards.

Nasa movie rin si Mark McMahon, ang bagong trainee na player ng team Azkals.

Mamayang gabi, 7 p.m. ang premiere night ng Tween Academy: Class Of 2012 sa Cinema 9 ng SM Megamall.

Ang pelikula ay sa direksyon ni Mark Reyes.

NEXT PROJECT. Ano na ang next project ni Barbie sa TV bukod sa Tween Hearts series?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi pa po ano, parang nagmi-meeting-meeting pa."

Kung siya ang tatanungin, ano ang gusto niyang next project—solo, o sila ulit ni Joshua, o ibang leading man naman?

"Sa totoo lang po kahit ano, kahit ano talaga. Basta okay lang sa akin kahit may ka-partner o wala o ibang ka-partner, okay lang sa akin. Basta gusto ko lang may show," at tumawa ang tween actress.

"Iyon, yun lang. Masaya naman ako kahit ano’ng mangyari, e."

Fourteen na si Barbie; mas may freedom na ba siya from her parents?

"Opo, kaya lang hindi po ako puwedeng mag-mall na mag-isa or pumunta kung saan. Kailangang kasama sila, pero bukod dun okay lang. Mas gusto ko naman na kasama ko sila palagi."

FRUITS OF HER LABOR. Ano ang mga nabili ni Barbie bilang investments from her showbiz earnings?

"Yung sasakyan, yung Adventure po. Pero nagbabalak po akong bumili ng mas malaki kasi sobrang dami ng gamit ko, hindi na po kasya."

May condo unit na rin si Barbie.

"Opo. Yung rent-to-own namin, yun po."

Kumusta na ang sitwasyon nila ni Joshua Dionisio?

"Okay po, masaya po kami."

Hindi pa siya puwedeng ligawan?

"Hindi naman sa hindi puwede, kaya lang ayoko po talaga, bata pa naman ako kaya ayoko pang isipin.

"At laging sinasabi nila mama, nung mga tita ko, ’Minsan ka lang maging bata, sulitin mo na, i-enjoy mo, tsaka na yang boyfriend-boyfriend.

"’Gusto mo maglaro-laro ka muna, mag-mall mall ka lang,’ ganun. Basta huwag mo munang seryosohin yang mga love-love na yan.’"

IDOLS. Sa showbiz, sino among our local actresses ang gusto niyang sundan ang mga yapak?

"Kung sa kasikatan po, ang gusto ko po, si Ate Marian [Rivera] po. Kung sa pag-arte, si Miss Sharon Cuneta po. Sharonian po nanay ko, e."

Kapag ganap na siyang dalaga, sa kaseksihan, sino ang gusto niyang tularan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sam Pinto!"

Hindi ba sila naiinis o nate-threaten na mga tween girls kay Sam ? Kasama nila sa movie si Sam at crush ito ng halos lahat ng tween boys.

"Tanggap naman po namin yun," tumatawang sinabi ni Barbie.

Pinagkakaguluhan ng tween boys si Sam.

"Oo nga po, e! Pag nagbubulungan na sila, alam namin na tungkol kay Sam yun."

Inamin ni Joshua na una pa siyang nagka-crush kay Sam kaysa kay Alden.

"Oo sinasabi naman niya sa akin, pero pabiro lang."

Ano ang na-feel niya?

"Wala okay lang. E payag naman siyang crush ko si Dennis, kaya okay lang din sa akin yun," at tumawang muli si Barbie.

CRUSHES. Bukod kay Dennis Trillo ay crush rin ni Barbie sina John Lloyd Cruz at Daniel Matsunaga.

"Pero unang-una talaga si kuya Dennis."

Nagkakilala na raw sila ni Dennis pero hindi pa sila nagkakasama sa trabaho."

Balak mag-voice lessons ni Barbie.

"Gusto ko po sana kasi parang gusto kong gawin lahat, sana."

Kailan niya plano gawin ito?

"Kapag po may time."

May cameo role si Barbie (at Joshua) sa Ang Panday 2, at kasama rin siya sa upcoming horror movie na The Road.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN