Joshua Dionisio has no complaints about billing in Tween Academy: Class of 2012 as he has a small role in the movie

"Wala naman po kaming problema sa billing. Kung ako po ang tatanungin mas okay kung Elmo [Magalona], Barbie [Forteza], Bea Binene] muna kasi more on sa kanila talaga yung movie," says Joshua Dionisio when asked to react on the billing in Tween Academy: Class of 2012.


Elmo Magalona • Joshua Dionisio • Jhake Vargas • Barbie Forteza • Bea Binene • Louise delos Reyes • Alden Richards • Joyce Ching • Derrick Monasterio • Lexi Fernandez • Kristoffer Martin • Yassi Pressman

Ito ang billing ng mga tween stars sa pelikulang Tween Academy: Class Of 2012 na ipapalabas na sa mga sinehan sa August 24.

Nang hingan namin ng comment si Joshua tungkol sa billing nila sa movie na ipinagtataka ng ilan, wala naman daw silang problema o reklamo tungkol dito.

May mga nagsasabi kasi na dapat ay nauna ang pangalan ni Barbie (or nina Barbie at Joshua) kaysa kay Jhake.

"Wala naman po kaming problema sa billing. Kung ako po ang tatanungin mas okay kung Elmo, Barbie, Bea muna kasi more on sa kanila talaga yung movie," unang reaksyon ni Joshua sa tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa grand presscon ng pelikula ng GMA Films (in partnership with SM Development Corporation o SMDC), ang Tween Academy: Class Of 2012 sa Grand Showroom ng SMDC sa Mall of Asia compound noong Huwebes, August 18.

Pero ayon rin kay Joshua...

"Hindi naman po sa billing nasusukat yung ano, hindi siya dun naano.

"Hindi naman po kasi, hindi naman po ganun kalaki yung role ko dito."

So mas tamang Barbie, Elmo, Bea, ayon na rin sa obserbasyon ng marami?

"Elmo, Barbie, Bea," pagsegunda ni Joshua.

"Hindi naman po ako nagulat sa billing kasi hindi ko po talaga napapansin.

"Wala po, okay lang hindi ko po napapansin yung billing talaga, wala po sa amin yun, e.

"Kasi naman po okay lang kahit saan diyan ang pangalan ko. Kasi para po sa akin, mas okay na nandiyan kasi hindi naman ganun kalaki ang role ko pero nasa unahan pa rin ako.

"Okay lang kung medyo napunta sa gitna or huli, wala naman akong reklamo sa billing."

May nagbiro kay Joshua during our interview, na hindi tuloy magkatabi ang pangalan nila ni Barbie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kailangan po bang laging magkatabi ang magka-loveteam?" inosenteng tanong ni Joshua.

"Ganun po ba yun? So pag big star nasa unahan po?"

Inulit ni Joshua na para sa kanya, mas okay kung Elmo/Barbie/ Bea ang billing.

"Kasi sa kanila po nakapokus ang istorya."

Ayon pa rin kay Joshua...

"Talagang... siguro sina boss [GMA Films executives] lang po ang talagang makakasagot niyan.

"Pag napanood ninyo po talaga, napakaliit talaga ng istorya namin ni Jhake."

Nag-react naman si Joshua sa sinabi namin sa kanya na crush ni Kristoffer si Barbie

Sumimangot ito bago sinabing...

"Hindi po ako naniniwala! Kahit naman po siguro... ewan ko kung bakit ayaw niyang aminin kung sino talaga gusto niya."


Sino ba ang crush talaga ni Kristoffer?

"Si Joyce," mabilis na sagot ni Joshua.

Si Joyce ang kapareha ni Kristoffer sa movie.

Kaya hindi daw siya talaga naniniwala na crush ni Kristoffer si Barbie.

If ever totoo, magseselos siya?

"Hindi naman po."

Gaano katotoong nababawasan na raw ang closeness nila ni Barbie?

"Hindi po. Bakit po?"

May iba na raw kasi siyang nililigawan?

"Ako po? Wala po."

So hindi totoong gustung-gusto na raw niyang magka-GF...

"Ay hindi po! Wala naman po akong sinabing gustung-gusto ko nang magka-girlfriend.

"Mas parang ayoko pa nga ngayong magka-girlfriend."

Type ba niya si Sam Pinto?

"Crush ko lang po si Ate Sam."

Wala raw siyang nililigawan at hindi totoong naiinip siya dahil ayaw pang magpaligaw ni Barbie.

"Ah, hindi naman po ako naghihintay na may ligawan, hindi naman talaga ako naghahanap ng maliligawan.

"Hindi naman po ako ganung ka-atat magka-girlfriend," pahayag ng 16-year old tween actor.

"Kasi naiisip ko lang parang napakarami ko pa namang dapat gawin sa pag-aartista ko kesa manligaw ngayon."

Kung magkaka-girlfriend siya, gusto niya ba ay si Barbie na?

"Okay lang po, walang problema, di ba, parang sino ba ang aayaw kay Barbie? Si Kristoffer nga crush niya si Barbie."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

E sabi niya (Joshua) hindi totoo yun?

"E sabi po niya, wala akong magagawa, pero para sa akin, hindi totoo."

Taga-ABS-CBN si Joshua dati at ngayon nga ay taga-GMA na ito.

"Ah ako naman po kasi ang dahilan ko kaya lumipat ako, hindi naman dahil ayoko na sa ABS. In good terms, nung lumipat po ako in good terms po ako talaga sa lahat ng... sa manager ko, sa Talent Center [ng ABS], wala pong problema. Finished contract.

"Actually sabi parang awkward age ko daw po yun e, so hindi nila ako mabigyan ng project kasi awkward daw po yung ano ko."

Bumuti naman ang career niya sa GMA kahit na nasa awkward age siya.

"Kaya nga thankful ako sa GMA kasi kahit nasa awkward age ako, nabigyan nila ako ng projects and nagulat kami na talagang binili ng tao yung awkward age namin."

Premiere ng pelikulang Tween Academy: Class Of 2012 ngayong Sabado, 7 p.m. sa Cinema 9 ng SM Megamall.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN