Mark Bautista denies rumors he’s courting Solenn Heussaff

Desidido si Mark Bautista na hindi gawing priority ang kanyang love life dahil ini-enjoy pa niya ang kanyang pagiging single and available. Ang hilig niya ngayon ay ang bumiyaheng mag-isa sa iba’t ibang bansa.


Totoo kaya ang balita na isa si Mark Bautista sa mga bagong suitors ng sexy model-turned-actress-singer na si Solenn Heussaff?

Ayon sa mga usap-usapan ay naging close raw sila Mark at Solenn noong magkaroon sila ng isang production number sa Party Pilipinas. Since then, ay nagkaroon na raw ng constant communication ang dalawa at balita ngang nanliligaw si Mark kay Solenn.

Pero sa re-launching ng album ni Mark under Viva Records titled, Nagmamahal, last August 18 sa Viva Entertainment Office, nakangiting itinanggi ni Mark ang balitang ito.

Sinabi lang niya na close sila ni Solenn pero wala pa raw siyang lakas ng loob na manligaw dito.

Alam daw ni Mark na maraming nagkakagusto kay Solenn at alam niyang malaki ang lamang ng mga suitors nito kumpara sa kanya.

"Kahit sino namang lalake, hindi puwedeng hindi mapansin si Solenn. She is so sexy, very beautiful at napakabait na tao.

"At first, akala mo na isnabera siya because of how she looks. Pero deep inside, mabait siyang tao at yun ang nagustuhan ko sa kanya," ang sabi ni Mark.

Inamin na niya na malakas daw ang dating ng sex appeal ni Solenn.

"Solenn is very intimidating. I think a lot of guys will agree with me.

"Iba ang dating niya, e. Parang may mga standards siya when it comes to guys na manliligaw sa kanya.

"Yun ang unang impression ko sa kanya.

"But as I work with her sa Party Pilipinas, na-discover ko na she’s a simple girl pala. Nagkaroon lang siya ng image kaya parang malakas ang dating niya.

"Ako naman, I like a girl with character and Solenn happens to be one of those girls na ina-admire ko.

"Pero wala pa akong lakas ng loob to make ligaw. Parang hindi pa tama ang panahon.

"But who knows, di ba? Baka bigla na lang ako biyayaan ng tapang at maging totoo ang balitang nanliligaw ako kay Solenn!" tawa pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero desidido si Mark na hindi gawing priority ang kanyang lovelife dahil ini-enjoy pa niya ang kanyang pagiging single and available.

Ang hilig niya ngayon ay ang bumiyaheng mag-isa sa iba’t ibang bansa na noon pa niya gustong puntahan.

"Nagiging adventurous na ako ngayon. I tried traveling by myself at nakaka-excite.

"I discover so many things by myself at natututo ako sa pagiging adventurous ko.

"These are the things na gusto kong magawa bago ako pumasok sa ibang chapter ng buhay ko. Like ngayon, I am also into songwriting.

"I wrote the song ’Bakit’ at nakasama na siya sa album ko. Tapos ginawa pa siyang theme song ng GMA-7 Koreanovela na Gourmet.

"Marami pa akong songs na nasulat at unti-unti ko siyang ilalabas sa mga future albums ko.

"Hopefully, magkaroon ako ng isang all-original album at wala nang mga cover versions."

NOLI ME TANGERE. Busy rin si Mark sa kanyang stage musical na Noli Me Tangere during the weekends of August sa CCP with Cris Villonco at Gian Magdangal.

"Isa rin ’yan sa bagong ginagawa ko. I thought na hindi ko makakaya ang musical theater kasi nga aside from singing, may acting na kasama. It’s a combination of two things.

"Since I’ve been singing for eight years now and I’ve also done some acting sa movies and TV, why not try musical theater?

"Kaya natuwa ako na okey naman pala. Medyo kinabahan ako sa umpisa but I got used to it kaagad.

"Kaya every weekend of this month, hinahanda ko ang sarili ko for the stage.

"Presence of mind lang and confidence ang kailangan to make things happen.

"Siguro after Noli Me Tangere, ready ako to try more roles on stage," pagtatapos ni Mark.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN