Ervic Vijandre and Aifha Medina go their separate ways; Ervic now dating Rich Asuncion, Aifah in a relationship with non-showbiz guy

Aifha Medina admits having a boyfriend now while Ervic Vijandre is yet to reveal status of relation ship with Rich Asuncion.


February this year nang napabalitang may relasyon sina Ervic Vijandre at dating SexBomb dancer na si Aifha Medina. May mga litrato pang nagpatunay na magkasamang nagbakasyon ang dalawa sa Hong Kong.

And after a couple of months, nag-break diumano sina Ervic at Aifha .

Last Monday, nagkasama ang dalawa sa taping ng Win Mo Kapuso, at doon ay na-interview sila nang sabay ng StarTalk TX.

Kumusta na silang dalawa?

"Okay naman po, ako. Okay ako, okay ka?" sabi ni Aifha sabay-baling kay Ervic.

"Okay. Okay na okay!" ang tumatawang sagot ni Ervic.

"Meron pa bang something [feelings] sa kanila?" ang tanong muli ng StarTalk TX sa dalawa.

"Something, ano po, care sa kaibigan," sinabi ni Aifha.

"Oo naman po. Siyempre, siyempre," pagsang-ayon naman ni Ervic.

"Nagkikita po kami minsan. Nagkakasalubong po," sagot ni Ervic kung nagkikita ba sila ni Aifha.

Sabi naman ni Aifha, "Sa malls po. Ganun po, sa Greenbelt po. Madalas po, kasama niya yung girlfriend niya."

"Wala pa akong girlfriend," mabilis namang pagre-react ni Ervic.

Magkaibigan na lamang daw sina Ervic at Aifha ngayon, hindi na sila magkarelasyon.

"Hindi po, may boyfriend po ’yan," sabi ni Ervic na inamin naman ni Aifah.

May non-showbiz boyfriend ngayon si , samantalang hanggang ngayon ay hindi pa rin umaamin si Ervic sa tunay na estado ng relasyon nila ni Rich Asuncion.

"Opo, lumalabas naman po kami. Single po kaming parehas," sabi ni Ervic.

"Nagde-date po kami. Medyo pinag-iingatan po naming lahat. Parang step-by-step, slowly but surely."

Pero totoo nga bang ipinakilala na ni Ervic si Rich sa kanyang pamilya?

Sabi ni Ervic, "A, kasi merong ano sa amin, may liga ng basketball, so sinama ko siya para manood.

"E, siyempre ang mga teammates ko mga pinsan ko. Tapos ang mga nanood parents ko, tita ko, so na-introduce ko siya.

"Gusto din nila si Rich. Boto sila kay Rich. Sabi nila kung magge-girlfriend daw ako sana si Rich daw, o gaya ni Rich."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman kaya ang reaksyon ni Ervic nang aminin ni Rich sa live interview nito sa Showbiz Central na gusto niya rin ang binata?

"Ano, e, medyo shy akong pag-usapan yung mga ganun, e.

"So basta alam niya na gusto ko siya, sabi niya, gusto niya ako, e, di [okay].

"Napatalon nga po ako nung narinig ko yun, e!" ang tumatawang sabi ni Ervic.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN