Donna Cruz on making a showbiz comeback: "Basta hindi maaapektuhan yung panahon ko para sa mga anak at asawa ko, sa pamilya ko."

Donna Cruz, one of the most popular young stars in the ’90s, made a guest appearance in Party Pilipinas last August 14, where she peformed her hit song "Rain."


Last August 14 ay nagkaroon ng special guest appearance ang dating singer-actress na si Donna Cruz sa musical-variety show ng GMA-7 na Party Pilipinas.

Kasama niyang nag-perform sa isang musical number ang mainstays ng programa na sina Ogie Alcasid, Jaya, Jolina Magdangal, Janno Gibbs, Mark Bautista, Gian Magdangal, at Jennylyn Mercado.

Ayon kay Donna, na-miss niyang kumanta sa harap ng maraming tao.

"Masaya! Na-miss ko ito, na-miss ko yung pagkanta.

"So, natutuwa ako na yung Party Pilipinas binigyan ako ng chance na makakanta ulit," sabi ni Donna sa taped interview sa kanya ng StarTalk TX last Saturday, August 20.

Hudyat ba ito na magka-comeback na siya?

"Depende!" sagot niya.

"Basta hindi maaapektuhan yung panahon ko para sa mga anak at asawa ko, sa pamilya ko.

"Mahirap kasi minsan kailangang mag-stay ng matagal dito, e, hindi ko naman magagawa yun, di ba?

"Kasi yung mga kids, sobrang attached sa akin, mami-miss ko!" ang tumatawang sinabi ni Donna.

Ngayon ay naka-base na sa Cebu si Donna kasama ang kanyang mister na si Dr. Yong Larrazabal, isang ophthalmologist, at tatlo nilang anak.

Hindi ba magsu-showbiz ang mga anak niya? May hilig ba ang mga ito sa pag-aartista?

"Oo, meron din. Mahilig din silang kumanta.

"Pero iba-iba kasi sila, e. Like yung isa, showbiz talaga, yung youngest ko.

"Yung pangalawa, sobrang mahiyain, pero ang galing kumanta!

"Yung pangatlo, okay din naman din.

"Ang importante sa aming mag-asawa na makatapos muna sila ng pag-aaral sana, di ba?" sabi ni Donna.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN