Jay Perillo says Kris Bernal is the only "perfect girl" in his eyes

"Siguro ano lang, ang masasabi ko lang sa part na ’yan at this point, sa mata ko, wala nang perfect na babae, si Kris lang!" answers singer Jay Perillo when asked how much he loves Kris Bernal.


Asahang magiging visible na uli ngayon si Jay Perillo dahil sa paglabas ng kanyang latest self-titled album sa Viva Records.

Nakapaloob sa kanyang album ang dalawa niyang compositions na pinamagatang "Nakatanim" at "When I Saw You."

Ang mga awiting "Nakatanim" at "When I Saw You" ay dedicated ni Jay sa kanyang rumored girlfriend na si Kris Bernal.

Sabi pa nga ng young singer, nakatanim daw sa puso niya si Kris.

SONG FOR KRIS. Ikinuwento ni Jay sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung paano niya nabuo ang awiting "When I Saw You."

"Kasi binisita niya ako," sabi ni Jay, na ang tinutukoy nito ay si Kris.

"Binisita niya ako sa taping ko. Kaso, nabitin ako sa oras. May taping din siya that time."

Ayon din kay Jay, late last year lang nangyari ang pagbisita sa kanya ni Kris.

"Nabitin ako sa oras kaya ayun, nagsulat ako ng kanta. Eto nga yung ’When I Saw You’ ang kinalabasan."

No’ng mga panahong naisulat niya ang kanta, hindi pa raw niya nililigawan ang Kapuso young actress.

"No’ng time na yun, hindi pa. Ano pa lang no’n, kinikilala pa namin ang isa’t isa. Tropa-tropa muna [kami].

"And then, itong later part na lang ako naglakas-loob na ligawan siya. Na sabihin sa kanyang manliligaw ako.

"Mga eight months ago lang," banggit ni Jay.

Mariin ang pagtanggi ni Jay na wala pang romantic relationship na namamagitan sa kanila ni Kris.

"Wala pa. Wala pa," sunud-sunod niyang tanggi.

"Yun nga, e. Kasi sabi ko nga, wala namang ano... aaminin ko, kung may aaminin ako.

"Pero hangga’t wala pa akong aaminin, ang pangit naman sigurong mag-assume na kami na."

Base sa mga naglalabasang balita tungkol sa kanila, sinasabi ngang mayroon na silang relasyon.

Pero ayon kay Jay, "Siguro kasi, ibigay na natin yung, kapag nakakita [ang mga tao] ng lalake at babae na single na magkasama [iisipin sila na].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman kami magka-holding hands. Nakaalalay lang siguro ako sa kanya na ganito.

"Wala pa namang opisyal na kami na. Siguro nakikita nila na kapag naglalakad kami, inaakbayan ko siya.

"Hindi naman malayo yun dahil close naman talaga kami ni Kris. Bago pa ako nanligaw sa kanya, talagang close na kami.

"So, para sa akin, normal naman ang gano’n," na ang ibig niyang sabihin ay maging malapit physically kay Kris.

ORDER FROM MANAGEMENT? May mga bali-balitang isa sa rason kung bakit kahit halata namang magkasintahan na sila ni Kris, hindi nila ito maamin dahil diumano’y pinagsabihan sila ng GMA-7 na huwag aamin sa press ng tunay nilang relasyon.

May teleseryeng umeere kasi ngayon si Kris, ang Time of My Life, at may plano pa raw ang network na ipareha pa sa iba’t ibang leading men ang young actress.

Sabi naman ni Jay, "Um, sa akin po, hindi ko alam kung ano yung sa part nila.

"Ang sa akin po, ang take ko sa ganitong sitwasyon, kung ayaw nila siguro dapat nakausap na nila kami, di ba? ’Hindi puwedeng ganito. Hindi puwedeng ganyan’.

"So far, lumalabas pa rin kami ni Kris. At nakikita kami ng mga taong magkasama na hindi naman namin itinatago.

"Yung last na pag-uusap namin ni Kris, wala naman siyang nasabing gano’n.

"Nagkuwentuhan lang kami no’ng lumabas yung Time of My Life, sabi niya, ’Magkakaroon ako ng bagong show.’ ’Ayos, congrats!’ sabi ko.

"Wala naman siyang nabanggit na, ’Pero sabi ni Ganito kailangang ganito muna tayo.’ Wala namang gano’n," pagpapatunay niya.

Handa naman daw si Jay sa maaaring maging hakbang ng GMA-7 kung sakali mang pagsabihan si Kris tungkol sa kanilang dalawa.

"Hindi ko itatago, na pag gano’n ang nangyari, siguro naman masasaktan ako.

"Pero at the same time, kailangan kong intindihin yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Unang-una, nakilala ko si Kris na eto ang trabaho niya at kung ano si Kris na nakilala ko.

"Ang tamang responsibilidad ko lang ay tanggapin lahat ng yun nang bung-buo," sabi niya.

Ibig sabihin, payag siyang itago ang relasyon nila?

"Opo. Kung magkakaroon at kailangang itago, susunod ako.

"Pero kung talagang mayro’n na kami, officially, ako mismo ang magsasabi sa inyo, ’Kami na ni Kris,’" pangako ni Jay.

Gaya nga ng sinabi ni Jay, dumidepende lang siya sa kung ano ang magiging hatol ni Kris sa kanyang panliligaw.

"Ayokong mag-assume, kasi sabi nga nila, ang umasa’y masasaktan.

"Kahit lumalabas kami, hindi mo masabi, e. Maraming puwedeng mangyari.

"So ngayon, ini-enjoy ko lang yung company pag magkasama kami.

"Sobra kasi [kaming] nagdya-jibe yung ugali. Halos lahat, e.

"So, ini-enjoy ko lang muna yun.

"Hintayin ko na lang muna siya kung kailan niya sabihin na, ’Sige, okey na.’

"Pero hangga’t wala pa, hindi ko naman siya [mamadaliin]. There’s no rush," nakangiti niyang sabi.

BLAME IT ON JAY? Alam naman ni Jay na sa kanya isinisisi ang pagbagsak ng katawan ni Kris.

"In fairness naman sa kanya, ang lakas niyang kumain ngayon. Para nga siyang kargador sa lakas niyang kumain!" pahayag ni Jay,

Kasunod nito ang pagtatanggol niya kay Kris na hindi ito bulimic.

"Tulad niyan, no’ng minsang dalawin ko siya sa taping niya [ng Time of My Life], naubos [ang pagkain]!

"Mahilig siya sa lengua, crispy pata... Yun ang mga gusto niya.

"Feeling ko kasi, yung puyat, tapos rehearsals niya. Yun po," paliwanag niya.

Hindi nga raw maintindihan ni Jay kung bakit siya ang naituturo sa pagpayat ni Kris.

Ayaw naman niyang aminin, head over heels kasi sa kanya ang young actress.

"Hindi ko alam kung ano ang isinagot sa inyo ni Kris tungkol sa pagpayat niyang ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako kasi, no’ng time na nag-gain siya no’ng Koreana, ang daming nagsabi sa kanyang ’Ang taba-taba mo!’

"Pumasok lahat sa utak niya [ang mga puna]. Nag-diet nang todo si Kris.

"Siyempre, wala naman akong magagawa no’n, e. Respeto lang, ’Sige, mag-diet ka.’

"Ngayon namang kumakain siya nang todo, hirap na hirap naman siyang magpataba," kuwento ni Jay.

Natawa si Jay sa speculations na isinusuka rin daw ni Kris ang mga kinakain niya kaya hindi ito tumataba.

"Hindi naman. Kasama ko naman siya. Wala naman siyang sakit.

"Noong nakaraan, nagkaubo siya, pero yung serious, wala. Hindi," sabi niya.

Gaano niya ba kamahal si Kris?

"Mahirap. Masyadong malawak yung tanong, e," umiiwas niyang tugon.

Pero siya kasi ang nakakaramdam kung gaano niya kamahal si Kris.

"Oo naman.

Siguro ano lang, ang masasabi ko lang sa part na ’yan, at this point, sa mata ko, wala nang perfect na babae, si Kris lang!" tahasan niyang sabi.

Ano bang meron si Kris?

"Ayun nga, ugali niya. Hindi siya showbiz talaga. Siguro naman po familiar naman kayo.

"Alam n’yo kung anong klaseng personality meron si Kris, di ba? Bubbly. Tawa lang siya, di ba?" sabi niya.

Hindi naman itinatanggi ni Jay na ang huling babaeng niligawan niya sa showbiz ay si Erich Gonzales no’ng nasa ABS-CBN pa siya. Pero hindi iyon nagtuluy-tuloy dahil naging abala na raw ang young actress sa kanyang career.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN