Diego Loyzaga denies rumored rift with dad Cesar Montano; explains why he moved out of his father’s house

"Alam mo, kung mapaparinig lang namin kung paano yung conversation namin every day, how we talk to each other, dun lang sila maniniwala na okay talaga kami. Pero hindi naman yun puwede. Kahit naman ano ang mangyari, may masasabi pa rin ang iba na hindi kami okay. Bahala na sila, basta kami we’re okay," says Diego Loyzaga about his dad Cesar Montano.


Aminado si Diego Loyzaga na nakatulong nang malaki ang pagkakaroon niya ng mga magulang na artista—sina Cesar Montano at Teresa Loyzaga.

Pero tila ito rin ang naging rason kung bakit kahit kasisimula pa lang niya sa showbiz ay paborito na siyang pukulin ng mga intriga.

Nandiyan ang di mamatay-matay na balita na may alitan daw sila ng kanyang ama kung kaya’t umalis siya sa poder nito, at kasalukuyang nakatira sa bahay ng kanyang tiyahing si Bing Loyzaga.

May kuwento rin na ang ina raw ni Diego ang pursigido talagang pag-artistahin siya, na tinututulan naman daw ng kanyang ama kung kaya’t nag-away raw ang kanyang mga magulang.

Ilan lamang ito sa mga intriga na isa-isang sinagot ni Diego nang ma-interview siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kagabi, August 23, sa presscon ng upcoming teen-oriented show ng ABS-CBN na Growing Up.

JOINING SHOWBIZ. Unang sinagot ni Diego ang tungkol sa hindi raw pabor ang amang si Cesar Montano sa pagpasok niya sa showbiz.

"Para lang pinalaki ng ibang tao ang issues namin, e. Sa totoo lang, ang liit-liit na bagay na pinalaki na dinagdagan pa.

"Pumayag naman siya nang mag-showbiz ako and, actually, very supportive siya.

"Hindi naman sa ayaw niya akong pumasok sa showbiz, ang gusto niya kasi mag-workshop daw muna ako bago mag-Mara Clara.

"Wala na naman kaming magagawa, tapos na yun, lumipas na yun at natuto ako sa ginawa ko sa Mara Clara, in a progressive way, it made me better."

Dagdag pa ng newbie actor, "My dad bought me a car at talagang nagpapasalamat ako na hindi na ako nahihirapang pumunta sa set.

"Salamat, Dad, I love you."

Pinabulaanan din ni Diego ang balitang nagpabili siya ng condo unit sa kanyang ama.

"Nagkaroon din ng condo issue... never akong nanghingi ng condo sa tatay ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos may kabastusan pa na nasama, pero hindi yun totoo.

"At the end of the day, my dad and I know the truth.

"I’m still his son, he’s my dad," sabi ni Diego.

RUMORED RIFT WITH HIS DAD. Pinalinaw rin ng PEP kay Diego ang intrigang pinalalabas lang daw niyang okay silang mag-ama, pero ang totoo raw ay mayroon talaga silang problema.

Aniya, "Alam mo, kung mapaparinig lang namin kung paano yung conversation namin every day, how we talk to each other, dun lang sila maniniwala na okay talaga kami. Pero hindi naman yun puwede.

"Kahit naman ano ang mangyari, may masasabi pa rin ang iba na hindi kami okay.

"Bahala na sila, basta kami we’re okay."

Nilinaw rin ni Diego ang isyu na nagkaproblema sila ng kanyang ama kung kaya’t sa bahay ng kanyang Tita Bing siya umuuwi ngayon.

"Lahat naman ng tao nagkakaroon ng misunderstanding, pero hindi naman yung tampuhan talaga," sabi niya.

"Yun kasing pinsan ko, anak ni Tita Bing, pareho kami ng school, dun ako tumira sa kanila.

"Si Tita Bing ang nagsabi na tumira na lang ako sa kanila kasi ang layo ng school ko sa bahay nila Daddy. My dad lives in Quezon City [Commonwealth].

"Minsan busy ang lahat, busy lahat ng mga Montano, busy yung mga drivers, lahat ng sasakyan minsan nagagamit.

"Si Tita Sunshine [Cruz, his stepmon] ko, yung mga sisters ko, minsan may mga lakad sila.

"Given na yun, at naintindihan ko.

"Si Tita Bing assures me na may titirhan ako sa kanila, may sasakyan sila.

"Malapit ang school ko sa kanila. I study in Greenhills, taga-New Manila sila Tita Bing."

Ayon kay Diego, maganda rin ang relasyon niya sa stepmom na si Sunshine Cruz.

"Yes, we’re okay, we’re very close," sambit niya.

"Nakaka-miss nga sila, nami-miss ko na yung mga kapatid ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sobrang sabay ang school at work, so ang hirap pumunta sa kanila.

"Bihira kaming magkita kaya nami-miss ko sila."

Dagdag pa ni Diego, "She’s a great stepmom. Mabait si Tita Sunshine."

DIEGO’S PARENTS. Tinanong din namin ang young actor kung maayos ba ang relasyon ng kanyang magulang. May mga lumabas din kasing balita na hindi maayos ang relasyon ng mga ito.

"Yung relationship ng mommy at daddy ko, divorced naman sila, you cannot really see them like a married couple. But for the sake of me, they are really very cooperative.

"Talagang nagpapasalamat ako sa mommy at daddy ko. Even my mom is in Australia and my dad is here [in the Philippines], they really make a time to talk to each other for me, for my sake.

"Naawa nga ako sa nanay at tatay ko, napi-feel ko na gusto nilang maging okay, pero pilit nang pilit ang mga tao na may problema sila.

"They’re both very happy at sana matapos na ang mga intriga.

"Wala namang nangyayaring hindi maganda, parang yung ibang tao lang ang gumagawa ng mga intriga," saad ni Diego.

Ipinagtanggol din ni Diego ang ina sa isyu na ito raw ang may kagustuhang pumasok siya sa show business.

"I just want to make it clear na hindi ang nanay ko ang pumilit para pumasok ako sa show business, desisyon ko yun," sabi niya.

Inamin naman ni Diego na ang mommy niya ang nagsabi sa kanyang umalis muna sa poder ng kanyang ama at sa Tita Bing niya na lang siya tumuloy.

Kuwento niya, "Bumalik ng bansa ang nanay ko during that time at nakita niya na nahihirapan ako sa transport ko every day.

"Papunta sa bahay, minsan nagta-taxi ako, nag-e-MRT ako. I just walk from Annapolis to MRT station.

"Tapos I ride a jeep to Commonwealth and from Ever Gotesco, I walk to my dad’s house.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"That’s my daily routine. My mom saw that, she didn’t like it.

"Hindi naman niya minamasama ang daddy ko dahil dun.

"Naiintindihan naman niya na busy ang daddy ko, madaals ginagamit ang mga kotse sa bahay.

"So, dun siya nag-suggest, pinag-usapan naman namin bakit hindi na lang kila Tita Bing ako tumira.

"Malapit na sa school ko, malapit pa sa ABS."

GROWING UP. After Mara Clara, Diego is now part of Growing Up, isang bagong teen show ng Kapamilya network na magsisimula na sa September 4.

Ayon kay Diego, "Talagang nagpapasalamat ako kay God, sa staff ng ABS, sa lahat ng tumulong para maging part ako ng show na ito.

"Grabe talaga, pagpasok ko sa showbiz, I’d been a part of Mara Clara, then now Growing Up.

"Sobrang galing ng mga artista dito sa ABS, I learned so much from them.

"In Growing Up, iba talaga ang nararansan ko these days dahil binigyan ako ng opportunity na makasama sa show na ito.

"Iba na talaga ang mundo ko."

Masasabi ba niyang advantage sa part niya to have celebrity parents, like Cesar and Teresa?

"Aaminin ko, sa pagpasok sa ABS, yes, nakatulong.

"Pero pagdating sa acting, hindi, talagang nag-work ako nang husto.

"Hindi naman pagpasok sa showbiz, ang galing mo agad, hindi.

"Talagang naranasan ko na makita ng mga tao na hindi ako ganun kagaling umakting.

"Na-experience kong sabihan ako ng I need improvements, kailangang mag-workshop, at ginawa ko yun.

"Nag-workshop ako buong summer every day at kahit papaano masasabi kong may nakita naman akong positive results.

"Lahat ng tao, kinu-coach ako.

"Nahihirapan lang talaga akong mag-Tagalog, pero unti-unti gumagaling.

"Ako, hindi ko masasabi na ’Uy, gumaling na akong umakting!’

"Kayo ang magsasabi nun, yung audience ng Growing Up, ng ABS-CBN, sila ang magsasabi nun."

MOVIE WITH HiS DAD. Masaya namang ibinalita ni Diego sa PEP na bukod sa Growing Up ay gagawa rin siya ng pelikula with his dad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ibabalik namin ang action movie," sabi niya.

"It’s under CM Films and Viva. The title is Hitman, magkakasama kami ng iba’t ibang artista, sila Aljur [Abrenica].

"Dun sa movie na yun, hindi ko pa masasabi ang character ko, pero wala kaming relasyon ng dad ko.

"Sa shooting na yun, walang special treatment ang dad ko, pinagsasabihan niya ako pag paulit-ulit akong nagkakamali.

"He’s the director and my co-actor."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN