Gabby Eigenmann likes Jake Ejercito for sister Andi Eigenmann

Gabby Eigenmann gives his all-out support to the pregnancy of his sister Andi Eignemann. As well, he’s happy with how her relationship with Jake Ejercito is going. In a brotherly message Gabby says to Jake, "We’re here also [for you]. Just continue loving my sister, and we won’t have a problem."


Masayang-masaya si Gabby Eigenmann na magtatagal pa ang GMA-7 primetime show na Munting Heredera.

Kagabi, August 23, dumalo siya sa thanksgiving mass ng naturang show sa 17th floor ng GMA Network Center sa Timog Ave., Quezon City.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Gabby.

ANDI’S PREGNANCY. Kinumusta namin ang kanyang kapatid na si Andi Eigenmann, na nasa ika-anim na buwan na ng kanyang pagbubuntis.

"Okey naman," bulalas niya.

"She’s waiting for her baby. It will be sometime November.

"Okey naman siya, excited," sabi niya.

Hangga’t maaari raw ay madalas nilang dalawin si Andi sa bahay nito.

Very healthy naman daw ngayon at halatang-halata na ang baby bump ng nakababatang kapatid.

"She didn’t grow as much as we expect," sabi ni Gabby.

"Pero, although prominent na yung tiyan niya, makikita mo na happy naman siya, jolly naman siya, hindi naman siya irritable."

Dagdag pa niya, wala naman daw cravings si Andi, maliban lang sa mahilig ito sa sweets.

"She likes sweets," nakangiting sabi ni Gabby.

"Pero nako-conscious pa din siya, feeling niya pag kumain siya lumalaki lalo siya.

"Sabi ko, ’It’s not just for you lang, e, dalawa na kayong kumakain.’ So, yun sweets, sweets lang."

Bukod sa suporta, hindi rin daw nagkukulang sa pagbibigay ng payo si Gabby sa kanyang kapatid.

Aniya, "Siyempre, first pregnancy niya and she feels like she’s still a baby, she just turned 21.

"So, neverending advice ang binibigay ko, like you know, always watch what you eat, ’wag siya ma-conscious, ’wag siya mag-worry kasi nandito naman kami."

GOING BACK TO SHOWBIZ. Hindi naman daw nangangamba si Gabby tungkol sa career na iniwan pansamantala ng kanyang kapatid.

Pinayuhan pa nga raw niya si Andi na intindihin muna nito ang kanyang pagbubuntis.

"With regards to her career, sabi ko, ’Hintayin mo muna lumabas baby mo then you think about your career.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Some can be okay, why can’t she? Tutal may mga young moms naman tayo ngayon na kahit papaano may regular work pa din naman.

"Maybe different, but since yun naman ang pinagmulan ng pagpasok namin sa showbiz, e, to have work, this is our job."

Pero higit daw na ikinatutuwa ni Gabby ay ang unti-unting pag-recover ni Andi sa mga issue na kinaharap nito mula nang siya’y mabuntis.

"Kasi nga, sabi ko nga, we’re always behind her, e," pahayag niya.

"Kung siya lang ’to mag-isa nag-solve ng problema niya, I’m sure mahihirapan siya.

"But we treated the whole situation, na there’s still bigger or heavier problems na dadaanan pa niya, this is just one."

JAKE EJERCITO. Ilang buwan na lamang ay manganganak na si Andi. Gayunman, sinabi ni Gabby na hindi pa rin daw sila kinakausap ng sinasabing ama ng bata na si Albie Casiño.

Hindi naman daw kaso sa kanilang pamilya iyon, mahalaga daw ngayon ay masaya ang kapatid niyang si Andi.

Ilang buwan kasi matapos ang breakup nina Albie at Andi, lumutang ang pangalan ni Jake Ejercito, anak ni dating Pangulong Joseph Estrada, na sinasabing nobyo ni Andi sa ngayon.

Kumusta naman sina Andi at Jake?

"Okey naman," sabi ni Gabby.

"As far as I know, they’re still together.

"Natuwa naman kami kasi ilan lang sa mundong ito ang ganung klaseng lalaki.

"Who would love and protect and stand up for whatever he feels, and I’m happy that he feels that way towards my sister."

Kuwento ni Gabby, una raw silang nagkita ni Jake sa birthday mismo ni Andi.

Bago pa man daw sila nagkita personal ay kilala na raw niya si Jake dahil sa mga kuwento ng kanyang kapatid.

"[Na] there’s this guy, si Jake, mabait and kung ano man kinukuwento niya sa akin, I get overwhelmed because Jake is so sweet to my sister.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mabait, mabait, kaya wala akong masabi sa kanya."

Bagamat hindi pa nakasama si Jake sa family gatherings nila, malapit na raw ito sa kanilang pamilya.

"Yeah, there was a time nag-dinner sila with my dad [Mark Gil]. Never pa naman namin siya nakasama na buong pamilya nandoon siya, e.

"Pero he’s always welcome, he’s always welcome. I mean, he’s always welcome ano man ang magiging gathering sa amin.

"Sana one of these days makasama din siya."

Ibig sabihin ba’y boto siya kay Jake?

"Yes!" nakangiting sagot ni Gabby.

"Yes, mas edukado, mas alam niya kung ano yung ginagawa niya.

"I’m sure naman alam niya yung pinapasukan niya, e."

At bilang kuya ni Andi, may simpleng mensahe si Gabby para kay Jake:

"We’re here also [for you]. Just continue loving my sister, and we won’t have a problem."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN