Lexi Fernandez unaffected by Derrick Monasterio’s admiration for Bea Binene

"Hindi. Hindi po, kasi para sa akin, hindi ko buhay yun para pakialaman. Kung saan siya masaya, okay ako dun. Tsaka hindi naman po naaapektuhan yung trabaho namin," says Lexi Fernandez about screen partner Derrick Monasterio being linked to Bea Binene


Unti-unti ay nakakagawa na rin ng sariling pangalan sa showbiz ang anak ni Maritoni Fernandez na si Lexi Fernnadez.

Dahil anak siya ni Maritoni, na isang mahusay na kontrabida, in time ba ay gusto rin kaya ni Lexi na maging katulad ng mommy niya?

"Actually, dito po sa Iglot, hindi po ako kontrabida. Mabait po ako dito sa Iglot," simula ng dalaga nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Iglot kagabi, August 23.

So, ano ang gusto niya, magkaroon ng sweet image, o mag-shine sa kontrabida roles tulad ng mommy niya?

"Para sa akin, kahit ano talaga. Kasi nung Nita Negrita, sobrang minahal ko yung character ko. Salbahe po ako dun.

"Sobrang na-enjoy ko siya at na-challenge ako. Pero ita-try ko naman na maging mabait dito sa Iglot."

Sa Tween Academy: Class Of 2012, na palabas na ngayon sa mga sinehan, ano ang role niya?

"As Chloe yung role ko. Best friend siya ni Maximo, si Derrick [Monasterio] na sobrang bully ng school.

"Tapos siya, parang sumusunod kay Maximo. Ganyan, tapos lagi silang nag-aasaran.

"So actually, hindi siya mean, pero kasama siya sa mean girls, sa popular group.

"So, yung medyo to herself, siya, gusto niya sobrang galing niya sa studies niya. Gusto niya the best siya.

"More on that, kesa sa pangingialam sa iba."

So, mas natsa-challenge siya sa contravida roles?

"Hindi ko po masasabi," sagot ni Lexi.

"Dito, nae-enjoy ko din sa Iglot. Enjoy ko yung role ko. So, pure mabait talaga ang role ko."

Gumaganap bilang Danielle si Lexi sa Iglot, na mapapanood na sa Lunes, August 29, sa primetime block ng GMA-7.

"Kahit ano po talaga, kung ano ang ibigay sa akin na trabaho, okay po sa akin. Kahit mabait, o salbahe," sabi niya.

BYE, DERRICK? Kahit sila ni Derrick ang masasabing magkapareha sa Tween Academy movie, nali-link ang kanyang ka-partner ngayon kay Bea Binene. Open din si Derrick sa pagsasabing among the tween stars ay si Bea talaga ang gusto niyang ligawan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang reaksiyon ni Lexi rito?

Hindi ba siya naiinis?

"Hindi, kasi..."

Natsismis pa nga na may gap sila ni Bea?

"Tsismis lang talaga yun. Kami ni Bea, we’re okay. Kami ni Derrick we’re okay.

"Tsaka si Derrick, yung loveteam namin [sa Tween Academy movie], hindi siya yung tipong may eksenang sweet kami.

"Parang nag-aasaran kami, alam mo yung parang ganun po.

"So, hanggang sa totoong buhay, ganun kami, nag-aasaran kami.

"Best friends talaga kami. Close talaga kami sa isa’t isa.

"So, masaya ako na parang nakukuwento niya sa akin yung mga nangyayari sa kanya. Yung mga napi-feel niya, so okay lang sa akin."

At first, hindi ba niya sinita si Derrick na, ’Hoy, tayo ang magka-loveteam, tapos sa iba ka nali-link!’

"Hindi. Hindi po, kasi para sa akin, hindi ko buhay yun para pakialaman.

"Kung saan siya masaya, okay ako dun. Tsaka hindi naman po naaapektuhan yung trabaho namin.

"Iyon ang pinakaimportante dun. Dapat po hindi maapektuhan yung trabaho namin.

"So, sobrang okay kami, yung trabaho namin, [we’re] doing good.

"Magkasama ulit kami sa The Road. Another movie, so okay kami."

Triangle daw sila sa The Road nina Derrick at Barbie Forteza.

Kung binigyan ni Derrick ng Lacoste bag si Bea, may mga ibinigay rin naman si Derrick kay Lexi.

"Oo, nagbibigay naman siya. Ano, nakabigay na siya sa akin ng necklace tsaka teddy bear, nung Christmas.

"Pag talagang may okasyon, nag-e-effort naman siya."

NOT FOR REAL. Naniniwala ba si Lexi na kahit hindi sila may relasyon ni Derrick in real life ay magki-click pa rin ang loveteam nila?

"Opo. Dahil para sa akin, trabaho-trabaho po ’yan, e. Hindi dapat masyado pinipersonal.

"Tsaka iyon nga yung maganda sa amin ni Derrick, talagang bonded kami as friends, at easy to work with each other."

At hindi naman nakatali si Lexi kay Derrick sa loveteam nila dahil sa Iglot, si Hiro Magalona ang kapareha niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, mero’n akong iba na ka-loveteam, dito sa Iglot, si Hiro Magalona.

"Kami na po yung magka-loveteam. Kasi hindi po ako siguro pini-pair permanently with someone.

"Gusto yata nila [GMA-7 management] kaya kong pumareha sa iba. Parang ganun, so ’yon.

"Tsaka okay naman po ako dun, basta happy ako na may trabaho ako."

So, ang Tween Academy movie ba ang pagtatapos ng loveteam nila ni Derrick at simula ng tandem nila ni Hiro dahil sa Iglot?

"Ay, hindi po! Kasi ang alam ko, sa Tween Hearts, sa series, kami talaga ni Derrick.

"Sa Tween Academy nga, kami talaga yung magka-partner.

"Basta ako po, kahit na anong role, at kahit na sinong kapareha, okay lang po sa akin," pahayag pa ni Lexi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN