Patrick Garcia begins paperwork to give his family name to son with Jennylyn Mercado; returns to acting after two years

"Feeling ko nga, parang baguhan na naman ako. Matagal din kasi akong hindi nakaarte, e. But when we started taping, nasanay ulit ako. Na-miss ko rin ang umarte talaga," says Patrick Garcia about his comeback project with GMA-7, Iglot.


Nagbabalik si Patrick Garcia mula sa matagal niyang pagbakasyon mula sa paglabas sa mga television series via GMA-7’s latest telefantasya, Iglot.

Ang huling serye na ginawa ni Patrick ay ang Full House with Richard Gutiererz and Heart Evangelista noong 2009, at pagkatapos no’n ay hindi muna siya tumanggap ng panibagong show.

Inamin ni Patrick sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na marami siyang tinanggihang offers mula sa GMA-7 dahil marami siyang mga inaasikaso noon.

Ngayon ay ready na siya to work again at ipinagdasal nga raw niya na sana ay marunong pa siyang umarte.

"Yun nga ang kinakatakot ko, e. Baka hindi na ako marunong umarte dahil sa tagal kong hindi tumanggap ng trabaho!" natatawang sabi niya sa presscon ng Iglot kagabi, August 23.

"Before kasi, I was supposed to do a series with Jennylyn [Mercado, his ex-girlfriend]. Pero that time ay kaka-patch up lang ng differences namin.

"Gusto ko rin na magkaroon muna kami ng space ni Jen before we start working again. Baka kasi sabihin nila for publicity lang ang lahat.

"Now, I can freely work with Jen kasi maayos na maayos na kami. We’re good friends now and everything is okay with both our families.

"Pero may ibang show si Jen [Futbolilits] and I’m with another. But we will be working again soon."

Dumaan daw ulit si Patrick sa isang acting workshop para masanay siya ulit sa pag-arte.

"Before we started taping for Iglot, we had an acting workshop under kay Ms. Beverly Vergel na naging malaking tulong sa akin. Na-refresh ulit ako sa mga acting exercises.

"Kaya when we started taping for Iglot, okey na ako at hindi na ako naiilang umarte sa harap ng kamera.

"Feeling ko nga, parang baguhan na naman ako. Matagal din kasi akong hindi nakaarte, e.

"But when we started taping, nasanay ulit ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Na-miss ko rin ang umarte talaga," saad niya.

REUNION OF FORMER KAPAMILYA STARS. Para ngang reunion ang Iglot ng mga nakasama ni Patrick sa bakuran ng ABS-CBN noon.

Bukod kasi sa kanya ay kasama rin sa cast sina Claudine Barretto, Jolina Magdangal, at Marvin Agustin. Pati na sina Pauleen Luna at Luis Alandy.

"Sa story conference pa lang, parang malaking reunion na," sabi ni Patrick.

"I miss working with Jolina and Marvin. Mga teenagers pa kami when we did Gimik.

"Tapos si Claudine, she was my ate in the movie Madrasta and we did the series Mula Sa Puso.

"Sa Ang TV noon, kami-kami nila Jolens and Claudine, mga bata pa.

"So, it’s an opportunity to work with them again.

"This time, hindi na kami mga bata, mga mature actors na kaming lahat na may kanya-kanya nang mga pamilya; except for Jolina who I heard will be getting married na.

"Kami nila Claudine and Marvin, may mga anak na kaming lahat.... We talk about our kids a lot.

"Nakakatawa nga, kasi before we would talk about mostly kids’ stuff. Kung ano ang usong damit, sino ang nililigawan ng sino...

"Ngayon, it’s all about our family. How time flies at inabot na namin ang ganitong stage ng buhay namin."

ALEX JAZZ. Speaking of family, kasalukuyan nang inaayos ni Patrick ang pagiging "Garcia" ng anak nila ni Jennylyn Mercado na si Alex Jazz, or AJ.

Mercado kasi ang ginamit na apelyido ni AJ noong ipanganak ito. Pero ngayon ay okey lang daw kay Jennylyn na gawin nang Garcia ang family name nito sa birth certificate.

Natutuwa si Patrick dahil galing na mismo kay Jennylyn ang suggestion na ’yon para raw maging ganap nang Garcia ang kanilang anak.

"I like to thank Jen first of all because sa kanya na nanggaling ’yon," ngiti ni Patrick.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko hiningi ’yon or we never talked about it.

"One day, sinabi na lang niya sa akin na it’s okay na maging Garcia na ang family name ni AJ.

"Siyempre, sino naman ang tatanggi, di ba? Gusto ko rin na mangyari ’yon para ma-legitimize na ang lahat for our son.

"Right now, we are working on it. Medyo maraming paperwork, pero gusto ko rin siyang maayos kaagad.

"Sabi naman ni Jen, she will help me sa anumang kailangan ko para maayos na ang papers for AJ.

"Kami naman ni Jen, we want the best for our son at sinisimulan na namin ang lahat sa pagbigay ng family name ko sa kanya.

"We love our son and we will do everything para maging masaya siya," sabi ni Patrick.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN