Former child star Eliza Pineda feels she’s ready to have a loveteam; wants to work with Diego Loyzaga and Sam Concepcion

Eliza Pineda on having a loveteam: "Sa tingin ko po, puwede na. Kahit sino po ang ibigay sa akin. Mas sila naman po ang nakakaalam kung sino ang bagay sa akin. Pero gusto ko rin pong makatrabaho sina Diego Loyzaga at Sam Concepcion."


Itinuturing ng Kapamilya teen star na si Eliza Pineda na best gift sa birthday niya (August 24) ang pagkakasama niya sa pelikulang Thelma, produced by Time Horizon Pictures at idi-distribute ng Star Cinema.

Ang Thelma ay directed by Paul Soriano at ipalalabas na sa mga sinehan nationwide sa September 7.

"Sa tingin ko nga po birthday gift ni God ang Thelma sa akin para mapansin po siguro ulit ako sa showbiz.

"Para makita ng mga tao na hindi na ako bata ngayon," sabi ni Eliza nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Thelma kahapon, August 24, sa 9501 restaurant ng ABS-CBN.

Mukhang dalaga na ngang tingnan ang 16 years old na ngayon na si Eliza.

Komento pa nga ng bida ng Thelma na si Maja Salvador, "Mas sexy pa sa akin ngayon!"

AWKWARD STAGE. Ang huling regular show ni Eliza sa ABS-CBN ay ang Kung Fu Kids noong 12 years old pa siya.

Bago ito ay nakilala siya bilang bida ng Maria Flordeluna. Pero dahil nga sa awkward age niya ay dumalang ang assignments niya.

Sabi ni Eliza, "Siyempre po, na-frustrate din ako dahil sobrang mahal ko po yung trabaho ko.

"Gustung-gusto ko po kasi talagang mag-artista.

"Kaya nung naging bida po ako, akala ko po sunud-sunod na.

"’Kala ko yun na yung simula. Siyempre po, nung nag-stop, nalungkot po ako."

Ipinaliwanag naman daw sa kanya ng Star Magic, ang nagma-manage sa kanyang career, na mahirap siyang hanapan ng project dahil nga nasa stage siya na alanganing bata, at alanganing dalaga.

Naiintindihan naman daw niya ang kanyang sitwasyon at hindi ito naging mahirap sa kanya dahil full support naman ang pamilya niya sa kanya.

"Mabuti na lang po nandiyan sina Mommy at Daddy para mag-explain sa akin.

"Naiintindihan ko naman po at wala po akong sama ng loob sa Star Magic at sa ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sinasabi nga nila na awkward stage nga raw kaya hinihintay nila na ma-develop pa ako at lumaki.

"Marami naman pong child stars talaga ang dumadaan sa ganung stage. Kaya ko naman pong maghintay."

COMEBACK. Mabuti na nga lang daw at dumating ang offer sa kanya para gumanap bilang si Hanna na kapatid sa pelikula ni Maja.

Bukod kina Eliza at Maja, kasama rin sa cast ng Thelma sina Tetchie Agbayani, John Arcilla, Sue Prado, Jason Abalos, Elma Muros, Manel Sevidal, at RJ Salvador.

Ano ang feeling na nakasama siya sa pelikulang Thelma na nagsisilbi ring big comeback niya sa showbiz?

"Siyempre masaya po. Masarap yung feeling na nakabalik nga po.

"Kasi matagal na rin po akong hindi nagkaka-regular project. May guestings pa rin naman po ako, like sa MMK [Maalaala Mo Kaya].

"Pero eto pong Thelma yung pinakamatagal kong nagawa since nung last ko pa pong regular show na Kung Fu Kids. Bata pa po ako nun, e."

Nagpapasalamat nga si Eliza kay Paul Soriano dahil handpicked siya ng direktor para gumanap sanasabing role.

"Thankful po ako kay Direk na ako yung napili niya para gumanap na kapatid ni Ate Maja. Sobrang proud po ako sa movie naming ito.

"Sana nga po masundan pa. Yun po ang gusto kong mangyari na pagkatapos nilang mapanood ito ay mabigyan po ako ng projects," asam niya.

LOVE INTEREST? Ngayong 16 na siya, puwede na rin ba siyang mag-loveteam?

"Sa tingin ko po puwede na," sagot ni Eliza.

Kung mabibigyan siya ng chance na mamili ng kanyang ka-loveteam, sino sa mga Kapamilya teen actors ang gusto niyang makatambal?

"Kahit sino po ang ibigay sa akin. Mas sila naman po ang nakakaalam kung sino ang bagay sa akin.

"Pero gusto ko rin pong makatrabaho sina Diego Loyzaga at Sam Concepcion.

"Marami pa pong teen stars kaya nga mahirap pong pumili. Kaya bahala na po ang ABS kung sino ang puwede sa akin," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CHILDHOOD CRUSH. May communication pa ba sila ng dati niyang ka-loveteam sa ABS-CBN na si Joshua Dionisio, na isa na sa mga sikat na tween stars ng GMA-7 ngayon?

"Hindi na po kami nagkikita, e," sabi niya.

"Matagal na rin po yung last time na nagkita kami. Wala na rin po kaming communication."

Nagkaroon ba ng special relationship sa pagitan nila noon?

"Hindi po naging kami. Parang crush ko lang siya, ganun. Humanga lang po ako sa kanya kasi magaling siyang umarte.

"Pero bata pa po kami noon, e. Ano naman po ang alam ko sa ligawan at pag-ibig noon?

"Ngayon po, ayoko munang isipin yung mga ganyang bagay."

Ano ang masasabi niya na sikat na si Joshua sa GMA-7 at may bago na itong ka-loveteam sa katauhan ni Barbie Forteza?

"Masaya ako for Joshua dahil he deserves it kung anuman yung success niya ngayon.

"Bagay naman sila ni Barbie kaya happy ako na nagkaroon siya ng ibang ka-loveteam at naging successful ang loveteam nila," sabi ni Eliza.

KATHRYN & JULIA’S TURN. Kasabayan din ni Eliza ang teen stars na sina Kathryn Bernardo at Julia Montes sa Goin’ Bulilit noong bata pa sila.

Hindi ba siya nai-insecure sa dalawa dahil sa tinatamasang kasikatan ng mga ito ngayon?

"Hindi naman po. Kasi parang nagkaroon na rin ako ng break noon sa Maria Flordeluna.

"Nauna lang po ako, tapos sila naman ngayon.

"Happy po ako para sa kanila. Sana po magkaroon ng chance na magkatrabaho po ulit kami."

Sana raw ay huwag naman siyang intrigahin kina Kathryn at Julia dahil magkakaibigan naman sila.

"Friends naman po kami kaya sana huwag na kaming gawan ng isyu.

"Nagkita nga po kami kanina sa hallway ng ABS, kasi nag-guest po sila sa Kris TV para sa bago nilang show na Growing Up.

"Happy po kami na nagkita-kita ulit kami," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wish niya ba na sana ay nakasama siya sa Growing Up?

"Sana nga po. Pero siguro po darating din yung tamang project para sa akin."

THE GRADUATE. Kung meron man daw magandang nangyari nang dumalang ang projects niya ay nakatapos siya ng pag-aaral.

Naka-graduate nga siya this year sa high school sa pamamagitan ng alternative learning studies na ino-offer ng Department of Education para sa mga artistang gustong mag-aral.

Nagkaroon din daw siya ng oras para sa kanyang voice lessons.

"Nung nagkaroon po ng voice lessons ang Star Magic, nag-join po ako. Nagkikita rin po kami ni Kathryn doon."

Balak din ba niyang mag-college?

"Opo. This year po mag-e-enroll na ako sa college.

"Ang gusto ko pong kuning course ay Communication Arts either sa La Salle, o kaya UP kung kakayanin ko po."

Paano na ang pag-aaral niya kung magkaroon na ulit siya ng projects pagkatapos ng Thelma?

"Susubukan ko pong pagsabayin. Pero kung magiging busy po ako sa career ko, puwede naman po akong mag-take ng break sa school.

"Pero pipilitin ko pong makatapos ng pag-aaral dahil nag-promise din po ako sa parents ko," sabi ni Eliza.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN