Korean star Kim Hyun Joong meets 74-year-old Filipina fan

Masaya ang Korean star na si Kim Hyun Joong na makaharap ang 74-year-old Filipina fan na si Patria Ragasa, ang nanalo ng autographed gray sports shorts na ipina-auction ng Korean star for charity.


On his second day in Manila, muling humarap ang Korean actor at singer na si Kim Hyun Joong sa press para sa kanyang endorsement ng The Face Shop.

Sa press conference na naganap kanina, August 26, sa Palm Grove Rockwell ay sinagot ng Boys Over Flowers at Playful Kiss star ang ilang katanungan tungkol sa kanyang grooming secrets.

Mahilig daw siyang gumamit ng moisturizer upang panatilihing makinis at malambot ang kanyang balat.

Pinapatunayan lang ni Hyun Joong na hindi lamang para sa mga babae ang paggamit ng beauty products kundi pati na rin sa mga lalake dahil nakatutulong daw ito upang mapanatiling bata at malusog ang balat.

74-YEAR-OLD FAN. Bukod sa beauty Q&A, naging bahagi rin ng programa ang pag-anunsyo ng The Face Shop Philippines sa winner ng kanilang charity auction na naganap noong August 18-21, 2011.

Ipina-auction ang isang autographed gray sports shorts na madalas gamitin ni Hyun Joong sa kanyang mga dance rehearsals.

Ang nanalo ay si Maria Rosario Ragasa, isang judge, na sumali sa promo para sa kanyang inang si Patria Ragasa na isang masugid na tagahanga ng dating lead signer ng K-Pop band na SS501.

Kuwento ng event host na si Grace Lee, ginawa na raw "Kim Hyun Joong shrine" ni Patria ang kuwarto ng kanyang anak dahil sa sobrang paghanga sa Korean star.

Makailang-ulit na daw nilang sinundan sa Korea si Hyun Joong para makapagpa-picture subalit hindi nila ito malapitan.

Kaya nang mabalitaan ang tungkol sa auction, sinabi raw ni Maria Rosario sa kanyang ina, "Mom, I will try my best to win this for you so you can take a photo with him."

Ito na raw ang pinaka-regalo niya sa ina na nagdaraos ngayong araw ng kanyang 74th birthday.

Pasasalamat na rin daw ito ni Maria Rosario sa ina na patuloy siyang inaalagaan lalo pa’t na-stroke siya kamakailan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Agad namang bumaba sa stage si Kim Hyun Joong upang lapitan ang mag-ina.

Inabot ni Patria ang ginawa niyang scrapbook para kay Kim Hyun Joong na agad namang sinuklian ng aktor ng isang mahigpit na yakap.

Maluha-luha ang mag-ina nang makaharap ang iniidolong Korean celebrity.

Hindi man naintindihan ng marami ang mga sinabi Hyun Joong sa mag-ina (dahil nagsasalita ito in Korean), kitang-kita naman sa mukha nito ang taos-pusong pagpapasalamat sa suporta ng kanyang fans hindi lamang sa kanyang mga programa at musika, kundi pati na rin sa kanyang mga charity projects.

Matapos ang maiksing pagtatagpo ng mag-inang Ragasa at ni Kim Hyun Joong ay inabot na ng Korean actor sa representative ng Abiertas House of Friendship, ang beneficiary ng auction, ang tsekeng nagkakahalaga ng Php100,000.

Bukod dito, ibinalita rin ni Grace Lee na mismong si Kim Hyun Joong ay personal din na nagbigay ng one million pesos na donasyon sa center na tumutulong sa emotional at spiritual healing ng mga unwed mothers sa bansa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN