Imelda Papin happy to share 30 years of experience in talent search

Imelda Papin says choosing just three protégés from so many talented contestants was the hardest thing she had to do as mentor in the GMA-7 talent search.

"Almost 150 [auditions] yata. Tatlo lamang [ang pipiliin]. Pero ang hindi ko pinasa, yung talagang sintunado, because you know, gusto kong bigyan ng hope silang lahat," Imelda says. "Basta tama ang phrasing, tama ang song choice nila at maayos ang pagkakakanta, lahat iyon


Nakausap namin si Ms. Imelda Papin at ang una naming itinanong sa kanya ay kung ano ang biggest challenge sa pagiging mentor niya sa Protégé, ang bago at pinaka-star-studded na singing competition ng Kapuso network?

First time niyang maging mentor.

"First time in the sense na ngayon lamang nagkaroon ng ganitong klaseng show sa ating bansa na ang mga mentors ay mga artists, at tsaka first time din na merong talent search na may mga mentors.

"Kasi before when I had my Pasikatan sa Trese, yung Star Search, wala akong mentors.

"So ngayon ay naiiba ito at challenge para sa akin dahil maise-share ko yung experience ko for 30 years sa showbiz," panimulang pahayag ng Jukebox Queen sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa grand launch ng Protégé last Thursday night sa Studio 7 ng GMA Network Center.

Ang pinakamalaking pagsubok na dinaanan ni Imelda sa show...

"Ang mahirap na na-experience ko kung paano pumili ng dadalhin dito. Lahat kami [mentors], tatlo lamang ang pinipili."

Ilan lahat ang pinagpilian niya sa Bicol kung saan na-assign si Imelda?

"Almost 150 yata. Tatlo lamang [ang pipillin]. Pero ang hindi ko pinasa, yung talagang sintunado, because you know, gusto kong bigyan ng hope silang lahat.

"Basta tama ang phrasing, tama ang song choice nila at maayos ang pagkanta, lahat iyon ipinasa ko. And then siyempre, tatlo lamang ang pipliin para dalhin dito sa Manila, so napakahirap pero ang pinili ko, yung hindi pinaka-magaling na magaling!

"Because sabi ko nga, there should be a challenge on my part also, na kung paano ko sila turuan."

Ang pinili ni Imelda ay isang 16-year old teenager na babae, isang batang lalaki, at isang grupo ng mga bulag na binubuo ng apat na lalaki at isang babae.

"So touching, nakakaiyak pag napapakinggan mo sila."

Hindi niya ginawang basehan ng pagpili ang makahanap ng isang mala-Imelda Papin ang talento.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi, hindi, pero meron akong nakita, yung napili kong babae may potensyal, kumbaga, in the sense na [parang Imelda Papin] mag-perform.

"Magaling siya, magaling siya, magaling, kahit for her age, marunong na siya. Mai-improve yung song niya, mai-improve yung kanyang pagdadamit, pero yung ano niya, the way she handles herself, is already there, konting-konti na lang."

JUKEBOX QUEENS. Noong araw ay magkaribal sila sa popularidad ni Claire dela Fuente, at ngayon, for the first time ay magkasama sila sa isang TV show bilang parehong mentors sa Protégé.

Ano ang feeling?

"Well, okay lang, okay lang sa akin naman e, wala naman akong kalaban actually even before. Sila lang naman, ang nagpalaban sa amin.

"Kasi because of the Jukebox Queen [title], kung sino. E siyempre... it so happened na ako naman ang nakatanggap ng trophy and ganun, nagkaroon nga ng controversies, ng issues."

Pero ngayon na magkasama sila ni Claire sa Protégé...

"Nakakatuwa! Dahil magandang sign ito sa amin na we’re mature enough to, you know, to face realities, na dapat magkaisa, you know, magtulungan."

Magkalaban sila bilang mentors sa ...

"Sa tingin ko, yung mga ano lang, siguro family or mga kababayan ng mga protégés namin [ang maglalaban-laban].

"Pero kami friends naman kami."

Bukod kina Imelda at Claire, mentors rin sa Protégé (na ipapalabas na sa September 4) sina Jaya, Janno Gibbs, Jay-R, Rachelle Ann Go, Joey Generoso, Aiza Seguerra, Gloc-9, at Rey Valera.

Ang mga judges ng ay sina Bert de Leon, Joey de Leon at Louie Ocampo. Mga hosts naman sina Ogie Alcasid (Journey Host), Jennylyn Mercado (Reality Host) at Dingdong Dantes (Gala Presentor).

ON NORA AUNOR. Bicolana si Imelda, Bicolana rin ang Superstar na si Nora Aunor.

"Well, nakakatuwa! Nakakatuwa na si Nora... ninang din ni Maffi yan, yung anak ko... si Mare ay nakabalik na and I welcome her.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi nung last kami nag-usap, sa Amerika, nasa Amerika pa siya, through telephone lang [kami nag-usap].

"Siguro mga three years ago, two or three years ago, nag-usap kaming dalawa."

Hindi pa raw sila nagkikita since umuwi sa Pilipinas si Ate Guy.

"Gusto kong makita siya kapag ano, and probably puwede kaming maggawa ng show together. Di ba?"

Maganda nga kung magsasama sa isang concert ang Superstar at ang Juke Box Queen.

"Nung buhay pa si Ate Luds (the late Queen of Intrigues na si Inday Badiday), yung kanyang program na True Confessions, sinasabi lagi, ’Pag merong Nora Aunor sa movies, merong Imelda Papin sa recording!’

"That is always, ah yung kasama doon sa opening ni Ate Luds."

POLITICS. Sinubukan dati ni Imelda na pasukin ang pulitika.

May plano pa ba siya ulit sa elections sa 2013?

"I don’t know yet, kasi after nito, balik na naman ako sa Amerika, sa States, kasi di ba, based ako [dun] halos? Talaga lang I chose to come home dahil nga dito sa offer ng GMA sa Protégé.

"Kaya I grabbed the opportunity kasi na-miss ko na rin ang television and you know, gusto ko ring makatulong din.

"I wanna share yung natutunan ko."

Kailan ang alis niya patungong U.S.?

"Actually naka-book ako December 19th. Babalik ako ulit [sa Pilipinas], siguro by January. Kung hopefully, if itong Protégé ay tuluy tuloy and baka you know..."

Baka magkaroon ng season 2?

"Di ba, ang ganda nun!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN