Another employee files complaint against Angelica Jones and her mother

Isang pang empleyado ni Laguna Board Member Angelica Jones ang nagsumite ng written complaint kay Laguna Governor ER Ejercito kaugnay ng reklamo nitong hindi diumano nagpapasahod sa kanya.


Lumapit at humingi rin ng tulong kay Laguna Governor ER Ejercito si Nikkinita P. Aquino, ang personal assistant ni Laguna Board Member Angelica Jones na hindi diumano nito pinasasahod.

Tulad ng former personal driver ni Angelica na si Pastor Belen Jr., hiniling ni Governor Ejercito kay Nikkinita na mag-submit ito sa kanyang opisina ng written complaint.

Nangako ang gobernador ng Laguna na aaksyunan ang reklamo ng mga dating tauhan ni Angelica, isang bagay na hindi nagustuhan ng kampo nito dahil nadadamay sa isyu si Governor Ejercito.

Ikinuwento ni Nikkinita sa kanyang two-page letter kay Gov. Ejercito ang mga pang-aabuso na diumano’y naranasan niya sa mga kamay ni Angelica at ng nanay nito na si "Madame Evita Alarva" a.k.a. Beth Jones.

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Nikkinita, sinabi nito na kagustuhan ng ina ni Angelica na tawagin siyang "Madame Evita."


LETTER OF COMPLAINT: Narito ang liham ni Nikkinita kay Gov. Ejercito:

"Ako po ay si Nikkinita Aquino, nakatira sa San Pablo City, ay nagrereklamo kay Bb. Angelica Jones-Alarva dahil sa hirap na naranasan ko sa kanya. Ako po ay personal assistant niya.

"Hindi ko na po matiis ang pang-aabuso niya sa amin na mga tauhan niya. Hindi ko na po kasi alam kung sino ang susundin ko sa kanilang dalawa, yung ina o anak?

"Kasi po, dalawa po ang aking boss. Ginawa po nila akong katulong sa bahay nila.

"Lagi pong ipinapagawa niya sa akin ay maglinis ng CR nila at magpunas ng sahig at lagi po akong nakakatikim ng masakit na salita sa kanila. Lagi po nilang sinasabi na mababa ang aking pinag-aralan [third year high school student].

"Tapos po, pati personal na gamit ko ay ipinanakaw po ni Madam Evita Jones, yung SIM card ko. Dahil sa sobrang inggit po nila dahil ka-text ko ang security ni Senator Allan Peter Cayetano. Baka raw po tinatraydor ko sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi po kami pinapakain sa tamang oras. Ok lang po na hindi ako pakainin, basta maibigay po yung aking suweldo na dalawang buwan.

"Akala ko po mabait si Angelica Jones. Hindi po pala. Mataray po siya.

"Magaling lang po siyang humarap sa ibang tao. Pag sa tauhan, hayop kame sa kanya."

"Tapos po, nalaman ko na P340.00 ang [suweldo] ng PA, eh P150.00 lang po ang suweldo ko per day.

"Gusto ko po makuha yung aking overtime pay kasi po, nauwi po lagi kami ay maaga na. Hilig pa ni Bokal na mambintang.

"Hindi ko po sinisiraan si Bokal dahil tama po lamang ang aking sinasabi. Ako po ang lagi niyang kasama at ’yon po ang nakikita ko sa kanya.

"Sana po, matulungan n’yo po ako dahil may isa po akong anak na ako na lang po ang nagsusuporta.

"Sa pamasahe na lang po ay talo na ako kasi po, P500.00 na po sa pamasahe ang nagagastos ko. Hiram ko pa po ’yon, higit pang-gatas na lang po ng anak ko.

"Konting pera na lang po ang hinahabol ko sa kanya, hindi pa po nila maibigay.

"Pinaghirapan ko po ’yon. Hindi ko po ’yon pinanglimusan sa kanila.

"Governor, sana po, matulungan n’yo po ako."

Muli, bukas ang PEP kung may nais ipahayag si Angelica at ang kanyang ina na si Beth kaugnay ng mga pahayag ni Nikkinita.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN