Angelica Jones denies allegations of former employees; implicates Illac Diaz in these allegations

Laguna board member Angelica Jones made a live guest appearance on Showbiz Central yesterday, August 28, to answer the allegations of her two former employees.


Nag-iiyak si Laguna Board Member Angelica Jones sa GMA-7 studio, pagkatapos ng live guesting niya sa Showbiz Central kahapon, August 28.

Pakiramdam kasi niya ay hindi siya nabigyan ng pagkakataon na sagutin ang mga bintang ng mga dating tauhan niya—ang personal driver na si Pastor Belen, Jr. at personal assistant na si Nikkinita Aquino ng San Pablo City.

Gusto ni Angelica at ng kanyang ina na si Beth Alarva na pagsalitain din sa Showbiz Central ang barangay councilor ng San Gabriel, San Pablo City dahil ito raw ang makapagpapatunay na walang katotohanan ang mga reklamo nina Pastor at Nikkinita laban sa kanya.

Si Pia Guanio ang host ng Showbiz Central na nag-interbyu kay Angelica. Straightforward ang mga tanong ni Pia at hindi ito nagustuhan ni Angelica at ng ina nito.

UNPAID SALARY. Ang hindi raw niya pagbabayad ng suweldo sa mga dating tauhan ang unang itinanong ni Pia kay Angelica.

Ipinagdiinan ng controversial board member ng Laguna na pumayag si Nikkinita sa P150 salary per day bilang personal assistant niya.

Aniya, "Yes. Siya ay sumang-ayon. One hundred fifty pesos ang suweldo niya dahil hindi siya every day na pumapasok.

"May record sila. May treasurer ako.

"Ako ang nagbibigay sa kanya ng grocery. Ako ang nagbibigay ng pambili ng gatas ng anak niya. Over-bale siya sa akin.

"Bago ako umalis papunta sa Cagayan, nag-iwan ako ng P5,000, kaharap niya si PJ [Pastor Belen Jr.], kaharap si Nikki, in front of my mom.

"Sabi ko sa kanila, ’Eto, paghati-hatian ninyo. Gusto ko pagbalik ko, August 13, ay kailangan ko ng timecard.’

"Kailangan ko ng timecard kung magkano na ang bale ng mga tauhan ko and then, nag-iwan ako kay Mommy ko ng P15,000 bago ako umalis.

"Kausap ni Mama si Konsehal dahil habang ako ay nasa Cagayan, pumunta itong dalawa [Nikki and Pastor] sa barangay, wala pang August 15. Wala pang August 14...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nandito po ang witness ko, si Konsehal. Siya ang magpapatunay."

Sabi naman ni Pia, "There’s a lot of questions to what you have just said. Unang-una, naibigay ba sa kanila yung P5,000 na naibigay kay Mommy?"

"Yes, naibigay... May pirma sila," sagot ni Angelica.

Pia: "Si PJ, siya ba ay nasuwelduhan mo simula noong siya ay tinanggap mo bilang personal driver mo?"

Sabi ng actress-politician, "Yes, si PJ, extra-driver ko. Ilang linggo pa lang siyang nagtrabaho sa akin.

"Nag-apply sa akin dahil wala nga raw pambili ng gatas ng anak niya. Ako naman, ang mahirap sa akin, naawa agad ako.

"Nagtiwala agad ako and then, pina-bale ko siya. Na kay Hazel ang record ng mga bale ni PJ.

"And then, gusto kong sabihin sa inyong lahat, noong may meeting ako before, may isang lalake na malaki ang katawan, maitim na malaki ang mukha, may dalang baril.

"So, doon pa lang, sinet-up na niya ako..."

Pinutol ni Pia ang sinasabi ni Angelica.

Ani Pia, "Okay, one issue at a time, Angelica. Simula noong itong dalawang ito ay nasa employment mo, magkano na ang pera na naibigay mo sa kanila?"

Angelica: "Ang naibigay ko sa aking Mama, P12,000."

Pia: "No... just tell me, how much money have you given Nikki since she was in your employment? Yung total?"

Sagot ni Angelica, "Sa totoo lang, may treasurer ako... Hindi ako nakakaalam because sa dami ng trabaho ng board member...

"May treasurer kami, may secretary na tinitingnan nila ang timecard. Tinitingnan nila ang record kung magkano ang over-bale.

"And besides, gusto kong linawin, Pia, ang board member ng Laguna, lahat ng board member, nagrereklamo because three months, hindi pa nakakasuweldo ang mga staff.

"Pero sa bait ko, ako ang nagpa-bale sa staff ko habang hindi pa sila sumusuweldo sa government.

"Because sa government, dadaan sa treasurer, dadaan sa COA..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinutol na naman ni Pia ang pagsasalita ni Angelica at sinabing, "I really wanna stick to the issue right now. Ang problema, hindi ka sigurado kung naibigay ang mga pera na ibibigay sa kanila. Meron ka bang record na tinanggap ni Nikki ang suweldo mula sa ’yo?"

Sagot naman ni Angelica, "Meron silang natanggap na pera na may pirma sila."

Tanong ni Pia, "Simula nang siya [Pastor] ay maging driver mo noong umpisa noong Agosto, nasuwelduhan mo siya? Meron bang katibayan na tinanggap nila ang pera?"

Angelica: "Merong katibayan... May pirma sila at may pirma din ng ober-bale sa akin.

"Gusto ko rin sabihin na merong sulat ang kapitbahay namin na nangutang daw si PJ ng P1,000..."

ALLEGED THREAT. Putol ulit ni Pia, "Okey, wala na tayo doon kasi we are only concerned about what’s going on in your life. Angelica, totoo ba na pinagbantaan mo rin si PJ kung kaya’t siya ay nagpa-blotter sa police station?"

"Hindi totoo," tanggi ni Angelica.

"Alam n’yo kung bakit? I-check ninyo sa Sangguniang Panlalawigan.

"Last Wednesday, alas-dose, nandoon ako sa office ko, kasama ko ang officers ko ng kooperatiba.

"Ako po ay chairwoman ng kooperatiba and livelihood ng Laguna. Nag-oath po sa akin ang mga officer that time. Lunchtime at nagpirmahan pa at nag-picture taking kami.

"After ng oathtaking namin ng kooperatiba, umakyat ako sa session ng alas-dos ng hapon. Ang kasama ko ay si Vice Governor Cesar Perez at lahat ng board members.

"Paanong mangyayari na nagkaroon ako ng pagbabanta? Sa totoo lang, dapat ako ang magdemanda."

Pia: "Are you surprised that they are doing this to you?"

Angelica: "Sobrang surprised ako. Naaawa ako kay PJ."

Pia: "Kailan yung huling pagkakataon na nagkita kayo ni PJ at ni Nikki?"

Angelica: "Hindi ko na matandaan dahil ako ay galing ng Cagayan. Hindi ko na sila nakita uli."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pia: "So, nagpunta ka sa Cagayan,wala na silang dalawa?"

Paliwanag ni Angelica: "Pagkagaling ko ng Cagayan, may committee hearing ako for the MOA Shelter ng bottle school.

"Kasama ni Nikki at ni PJ si Illac Diaz sa San Pablo City, kung saan nakunan sila ng picture and video.

"Dahil si Illac ay idinemanda ko ng grave oral defamation. Nagkaroon siya ng warrant of arrest, nag-bail siya para hindi makulong.

"Nagpainterbyu siya sa Startalk na sabi niya na-dismiss na ang kaso.

"Nagalit ang korte dahil walang katotohanan ang inilabas ng Startalk na-dismiss na ang kaso."

ILLAC DIAZ. Pia: "Paglilinaw lamang, ano ang kinalaman ni Illac kay Nikki at kay PJ?"

Sagot ni Angelica, "Hindi ko alam kung bakit kailangan silang magkasama. Maybe because, naniniwala ang korte sa akin.

"Tumaas ang korte. Nagkaroon siya ng warrant of arrest. Hindi niya [Illac] matanggap ’yon.

"Naaawa ako kay PJ, kay Nikki, nagiging biktima sila. Kapit sa patalim.

"Ginagamit sila ng mga detractors ko para masira ang political career ko. Because, nanalo akong outstanding board member ng Laguna.

"Binigyan ako ng most inspired public service image model 2011 at nanalo akong regional president of the National Movement of Legislators.

"Hindi nila matanggap na isang tulad ko na pinagtatawanan nila, nilalait, marami akong nagagawa."

Tanong ni Pia, "Do you think Illac Diaz has something to do with Nikki and PJ speaking against you, right now?"

"Yes," sagot ni Angelica. "May taong nasa likuran ni PJ at ni Nikki para sirain ako."

Pia: "Last question, Angel, ano ang gusto mong sabihin kina Nikki at PJ sa ngayon? Mga taong sinabi mo na tinulungan mo dati pero ngayon ay bumaligtad?

Ani Angelica, "Nikki, PJ, magdasal kayo. Mamatay man ako sa kinatatayuan ko ngayon, mamatay man ang magulang ko, wala akong sinasabing ganoon.

"Board member ako ng Laguna, pinaghirapan ko pangalan ko. Nanalo ako nang walang pera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tinulungan ko kayo. Nangungutang ako para maibigay sa inyo.

"Dahil lang sa pera, nagpasira kayo sa pera para sirain ng detractors ang political career ko?

"Hindi ako galit sa inyo. Naaawa ako sa inyo dahil kumapit kayo sa patalim.

"Nae-exploit kayo! Kailangan ninyong mag-aral.

"Kailangan ninyong mag-isip nang huwag kayong magpagamit para sirain ang isang tulad ko na tumutulong sa Laguna, lalo na sa bayan ng San Pablo."

DEATH THREAT. Pia: "Are you going to press charges against Nikki and PJ?"

Sabi ng actress-politician, "Plano ko sana silang idemanda ng perjury o libel. Pero sa akin, umiiral pa rin ang awa."

Sa puntong ito ay umiyak na si Angelica.

Aniya, "Gusto kong sabihin, Pia, sa mga detractors ko, sa mga naiinggit... bakit ayaw ninyo akong tigilan?

"Kay Illac, sa bottle school, hindi niya matanggap na nagkaroon ng project? Hindi niya matanggap na naging successful ang kooperatiba.

"Hindi niya matanggap na ang nilalait na Angelica Jones ay board member na gusto niyang sirain?

"Kung gusto niya talagang maglingkod sa tao, huwag kayong mainggit. Huwag kayong manira ng kapwa n’yo.

"Huwag na huwag ninyong pagtatawanan ang buhay ko dahil muntik nang mapatay ang nanay ko dahil akala nila ako ang nasa bahay.

"May witness akong maid at nagpa-blotter ako sa barangay ng San Gabriel kung saan ako’y muntik nang mapatay. Tatlong beses akong na-set up.

"I swear to God! Hindi ako para magsinungaling para sabihan na naggagawa ako.

"Ako ay may death threat, ako pa yung... Ako yung tumutulong sa Laguna.

"Ako, yung ginagawa ko ang lahat para sa tao. Hindi ko ito iniisip para sa sarili ko..."

Putol ulit ni Pia, "Angel, thank you very much. We wish you well and we hope you take extra care if indeed you’re getting death threats. Angel, pagtibayin mo pa ang loob mo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero may pahabol pa si Angelica: "Yeah, may sasabihin ako, last... Hindi lang si Illac ang nasa likuran nina Nikki at PJ.

"May hawak ako na video at papeles kung saan... sino ang kasabwat nina Nikki at PJ. Yun ang idedemanda ko..."

Bukas ang PEP kung may nais ipahayag ang mga taong nabanggit ni Angelica sa isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN