Rosanna Roces drops carnapping case against bodyguard; reconciles with son Onyok

In her live interview with Paparazzi yesterday, actress Rosanna Roces announced that she will withdraw the carnapping case she filed against her former bodyguard.


Halos walang makeup si Rosanna Roces nang humarap sa live interview niya sa Paparazzi ng TV5 kahapon, August 28. Malayo sa dati niyang hitsura na pusturada o elegante ang kasuotan at ayos ng buhok.

Naka-T-shirt lang si Osang (palayaw ng aktres) na natatakpan ng kanyang maong jacket. Naka-knee length din siyang shorts at naka-rubber slippers.

Kagagaling lang daw ni Osang sa Camp Crame para sa kasong isinampa nito sa kanyang dating bodyguard na siya rin niyang driver.

Hindi na raw nito nakuha pang umuwi ng bahay para makapagpalit ng damit. Dumiretso na ito sa studio para sa exclusive interview nito sa show.

THE BODYGUARD. Ang development ng kasong carnapping na isinampa niya laban sa kanyang dating bodyguard ang unang tanong kay Osang.

"As of yesterday, noong in-interview ako, tuloy," simulang kuwento niya.

"Kagabi, sa hindi inaasahang pangyayari, nag-iisa ako sa bahay at nagri-ready para sa taping, tumawag sa akin yung nine-year-old na anak no’ng [pulis]... na napalapit na din sa akin, na hiniling...

"Nag-iisa nga raw, yung ama niya ay kanyang ama’t ina na rin. Single parent din siyang gaya ko.

"Hiniling na kung puwede na lambutan ko ang puso ko at magpatawad. So, ayun, as of 1:30 kanina [Sunday afternoon] na iuurong ko ang kaso.

"But with the kundisyon na ibalik niya yung hiniram niyang P85,000, plus yung mga gamit ko na inilikas no’ng bagyong Falcon from Provident.

"At nag-sorry na rin yung tao. Yun na rin ang una kong hinihingi na ginawa naman.

"Yung motor, nasa Crame na.

"So, dapat kahapon ko pa nai-release."

CARNAPPING. Carnapping ang kasong isinampa ni Osang sa kanyang bodyguard at driver na rin na umutang sa kanya ng P85,000.

"Ito po yung pinang-enrol niya sa anak niya. Pagka may mga kailangang...

"Kasi marami nang... nakasangla na yung ATM niya. Tapos pag AWOL siya, so maraming... Hindi naman po gano’n kalaki ang suweldo ng isang pulis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dahil nga hindi ako puwedeng mag-bodyguard ng pulis, dapat sundalo. Ni-risk niya yung pagka-pulis niya."

Bakit nga ba kailangan niyang mag-bodyguard?

"Unang-una po, wala akong lisensiya, ayoko ng kahit anong ’baka’, alam mo na, baka makasuhan na naman ako.

"Hindi ko na keri! Yung mga illegal na... kaso.

"Hindi na ako nagba-baril mula no’ng ipinanganak si Budoy," pagtukoy pa ni Osang sa apo niya sa anak na si Grace at kay Jolo Revilla.

Ang isa pang kaso ng kanyang bodyguard na illegal possession of firearms ang ipinapanawagan ni Osang sa show sa mga tiga-Camp Crame na huwag munang dalhin ang bodyguard niya sa Bicutan at hintayin muna siya.

"Tutal naibalik naman na ang motor at nag-sorry naman na yung tao. Kasi yung pamilya, naging close na po sa akin.

"Pero lilinawin ko lang po na never... there was never an intimacy or an intimate moments of us together."


NOT IN A RELATIONSHIP. Ayon kay Osang, mula nang kumalas siya sa pakikipagrelasyon sa pinakahuli niyang boyfriend na isang abugado, hindi na siya pumasok sa panibagong relasyon.

"Wala na po. Kasi, di ba, na-ectopic ako? Nakakadala.

"At saka alam naman ninyo ako pag umiibig, tsismosa rin malalaman rin naman ng lahat."

Itinanggi ni Osang ang tsismis na boyfriend niya ang nasabing bodyguard.

"Kung naging dyowa, bakit mo naman ikakahiya yung pag-ibig?

"Ako pa? Malandi ko!" natatawa niyang sabi.

Dagdag pa niya, "Alam mo kung bakit hindi ko siya puwedeng maging syota? Tito siya ni Grace [panganay niyang anak].

"There’s blood relative pala ito ng tatay ni Grace. Basta, malapit na kamag-anak.

"Kaya yung hitsura ng tao, kung titingnan ninyo, yung balikat niya, parehong-pareho no’ng kay Grace. Kaya rin malapit sa akin," paliwanag niya.

Pero bakit marami raw ang nakakita sa kanya sa Tondo na nakaangkas pa sa motor no’ng lalake?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi... Akin yun, e. Kasi nga nabangga."

MORE CLARIFICATION. Hindi naging malinaw ang paglalahad ni Osang ng kanyang statement kaugnay sa kasong isinampa niya laban sa dating bodyguard-driver sa live interview niya.

Sa panayam naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng ibang press matapos ang live guesting niya, nilinaw ni Osang ang pinagmulan ng kanyang demanda.

"Carnapping yung pinayl kong charge," bungad niya.

"Kasi [August] 19 no’ng makuha yung motor, so I was requesting him to bring it back.

"Pero binigyan ko ng ilang araw, pero hindi pa rin niya sinosoli. But instead, may mga threats pa, may mga blackmails pa.

"Kaya noong 19, no’ng i-announce ko sa set, nandoon na yun, nangyari na."

WITHDRAWING THE CASE. Ipinaliwanag ni Osang kung bakit nagdesisyon siyang iurong na ang demanda laban sa kanyang bodyguard-driver.

"Kasi nanay rin ako. Actually, inilagay ko nga sa cell phone yung iniwan sa akin ng kapatid ko na hindi lahat ng inihihingi ng tawad, papatawarin. Yun, isa.

"Tapos, bago ka maawa at magmahal sa ibang tao, sarili mo muna dahil siya ang tunay mong kaibigan.

"Pero bigla kong naalala yung sinabi niya na lagi mong bibigyan ng daan ang pag-ibig o lovelife.

"Pero pag may teleseryeng ganito, hindi puwede ang may lovelife. Maapektuhan talaga ang trabaho."

ONYOK. Isa rin daw sa nagpalambot ng puso ni Osang sa bodyguard niyang idemanda ay ang reconciliation nila ng kanyang anak na lalake, si Daniel "Onyok" Adriano.

"Kasi ayoko no’ng ginawa niya sa media. Hindi ko nagustuhan," patuloy ng aktres.

Ang tinutukoy ni Osang ay ang pagdi-dirty finger ng anak sa media nang masangkot ito sa vehicular accident noong July.

Sabi niya, "So, napangaralan ko yung bata. Medyo dinamdam, lumayo sa akin.

"No’ng birthday niya, nagkabalikan kami.

"Humingi rin ako ng tawad sa anak ko bago ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko, ’I’m sorry, anak. I’m sorry for not being there when you needed me. Parang with all the blessings na nakukuha ko ngayon, hindi ako makukumpleto kung isa sa atin hindi okey.’

"Si Grace, okey na. Tiga-Nueva Ecija ang mapapangasawa, manganganak na.

"E, kung ang Onyok ko, hindi okey, paano ang pamilya ko?

"Di ba, marami kang blessing, pero ang pamilya mo hindi kumpleto?

"Bunso ko yun e. Wala na ang lahat huwag lang ang mga anak ko."

PRIVATE SECURITY. Ibinalita ni Osang na may private security na siya uli.

"Binigyan ako ng Channel 5," masaya niyang pagbabalita.

"Saka sasakyan, ng service. Lahat naman kami. Lahat naman kami may van.

"Lahat pinapagaan nila, para pagdating doon, trabaho na lang. At least, magaan."

Kasama si Rosanna sa cast ng min-serye ni Nora Aunor sa TV5 na Sa Ngalan ng Ina.

Bakit nga ba kailangan pa ni Osang ng security o bodyguard?

"Talaga meron na noon pa kay Tito [Molina, una niyang asawa]. Mula noon pa, meron na talaga.

"Bukod sa crowd control, meron na kaming sarili na na-deploy sa amin.

"Kasi PMA ang asawa ko dati. So, yung mga sundalo kahit isa, may close-in.

"Kasi bawal sa amin ang masaktan or masugatan or mapaano. Kasi importante sa amin makauwi ka ng buhay.

"Kasi kung kami magmamaneho na puyat kami, may tsansa kaming mabangga, madisgrasya.

"Marami nang mga artista ang nagkaganyan. So, maiwas kami sa gano’n.

"Siyempre, ang career, kailangan ng mga apo."

Kasunod nito ang pagpapabalita ni Osang na mag-aapat na raw ang kanyang apo dahil due na ang anak niyang si Grace sa ikatlo nitong anak.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN