Paolo Ballesteros faces hurdle in his quest to see own daughter

"Para kasing ang sakit-sakit sa akin, na ako yung tatay, hindi ko naman itinakwil yung anak ko, hindi naman siguro ako nagkulang, na ako pa yung makikiusap na puwedeng hiramin namin yung anak ko?" says Paolo Ballesteros.


Sa "Juan For All, All For Juan" segment ng Eat Bulaga! noong Sabado, August 27, ay hindi nakasama nina Jose Manalo at Wally Bayola si Paolo Ballesteros.

Nagbiro ang dalawang comedians na may "challenge" si Paolo sa Baguio kaya absent ito sa show noong araw na yun.

Dalawang araw bago ang episode na yun ng Eat Bulaga!, noong August 25, ay nagtungo ang Showbiz Central sa Baguio City upang alamin kung ano ang "challenge" na ito ni Paolo.

Mula sa Department of Social Welfare and Development sa City Development Office, napag-alaman ng Showbiz Central na humingi ng tulong ni Paolo sa ahensiya para mabawi ang anak mula sa lola nito.

Matatandaang noong November 29, 2008, mismong araw ng kaarawan ni Paolo, isinilang ng girlfriend noon ng actor-TV host ang anak nila na si Keira Claire sa Chicago, Illinois. (CLICK HERE to read related story.)

February 2009, bagamat nagkahiwalay na sila, kasama ni Paolo ang ex-girlfriend na pinabinyagan ang bata dito sa Pilipinas. (CLICK HERE to read related story.)

Dahil nagtatrabaho sa Amerika, ipinaubaya muna ng ex-girlfriend ni Paolo ang anak sa lola nitong taga-Baguio City.

Simula noon, naging pribado si Paolo tungkol sa kanyang anak.

Natunton ng Showbiz Central si Paolo sa isang hotel sa Baguio City kung saan inamin nito ang plano nila ng ex-girlfriend.

Kuwento niya, "Kasi, nag-usap na kami ni Kaye, yung mommy ni Keira, na it’s about time na kuhanin na namin siya from her mom, sa lola.

"Nakikiusap kami dun sa lola na, yun nga, baka puwede na namin siyang kunin. Kasi plano na namin na magsama-sama kami.

"Actually, nahiram ko lang siya once.

"The whole time talaga na nagpupunta kami dito, pag dinadalaw namin siya, hirap na hirap talaga kaming hiramin siya.

"Parang sa loob namin, ’Sige, hiramin mo na yung anak mo,’ ganyan."

At this point ay umiyak na si Paolo habang ini-interview.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sila Mama, yung mga kapatid ko, sila pinipilit nila ako na hiramin ko si Keira sa lola.

"E, ako naman kasi, alam ko na hindi ipapahiram. So, parang inuunahan ko na lang sila na, ’Hindi, okay lang ’yan, ipapahiram din sa atin ’yan.’

"Naawa ako dun sa mga kapatid ko kasi pag pauwi na kami, talaga umiiyak na lang sila kasi nga hindi pinapahiram," patuloy na umiiyak na pahayag ni Paolo.

"Para kasing ang sakit-sakit sa akin, na ako yung tatay, hindi ko naman itinakwil yung anak ko, hindi naman siguro ako nagkulang, na ako pa yung makikiusap na puwedeng hiramin namin yung anak ko?"

Ipinagdaramdam lalo ni Paolo nang minsang hindi pagbuksan ang kanyang ate.

"Ang dala-dala lang naman nung kapatid ko, parang dalawang blouse at saka donut, pasalubong," sabi niya.

Kamakailan, umuwi pa galing Amerika ang kanyang ex-girlfriend para sa kanilang plano, pero ang lahat ay nauwi raw sa wala.

"Balak namin ni Kaye is sama-sama kaming magbe-birthday, kasabay, magkakasama sana kami.

"’First weekend of August, pupunta kami diyan,’ tapos hindi na siya nagre-reply.

"Two months ko siyang ine-email, tine-text, na ’Mommy, akyat kami diyan ng ano...’

"Nung araw na papunta na kami nito, ’Mommy, papunta na kami diyan,’ ganyan-ganyan, wala! Hindi kami pinapasok.

"Nadatnan namin naka-padlock na gate."

Ganun din daw ang eksena nang humingi na sila ng tulong sa kinauukulan.

"Tulad na nga kanina, pagpunta namin, may kasama na kaming mga pulis, e, ganun pa rin, naka-lock.

"Hindi naman kami puwedeng mag-force entry or what.

"Ayaw ibigay sa tatay, ayaw ibigay sa nanay yung anak namin.

"Nakikipag-usap naman kami nang maayos.

"Yung gusto kong malaman, ano ba pinaglalaban niya?"

Mula sa address na nakuha mula sa City Social Welfare and Development Office, tatlong beses na pinuntahan ng Showbiz Central ang tirahan ng lolang may hawak daw sa bata para mahingan ng panig sa isyu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ayon sa kasambahay at security guard na nakausap nila, wala raw ito at hindi nila alam kung kailan babalik.

Sa kabila ng lahat, may panawagan si Paolo sa lola nito.

"Kung iyon yung sabi niya, na sa korte daw kami maghaharap, as much as na gusto namin na huwag ng umabot sa ganun, wala kaming choice.

"Lahat gagawin namin para makuha namin yung anak namin.

"Ang pakiusap ko lang sana kay Mommy Cora, na sana lang huwag mong sugatan yung utak, yung damdamin ng anak ko.

"Kasi nararamdaman niya ito, e, kahit two years old pa lang siya.

"Kung mahal mo si Keira, hindi lang po kayo, si Kaye, yung nanay niya, ako, yung pamilya ko, lahat po tayo concerned sa bata."

At ang mensahe ni Paolo sa anak na si Keira:

"Tandaan mo lagi, kahit na ano’ng mangyari, mahal na mahal ka namin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN