Lauren Young not in a hurry to have a follow-up soap after Mula Sa Puso

"Hindi ko rin naman sila masisisi kasi the original naman talaga will always be the best. Kaya nga binase siya roon kasi maganda yung una. At kung sa tingin ng ibang tao na hindi namin yun natapatan, hindi ko naman mapi-please lahat ng tao," says Lauren Young about comments that they liked the original version of Mula Sa Puso better than the updated version which she starred in.


Kasama si Lauren Young sa indie film na Zombadings 1: Patayin sa Shokot si Remington. Gumaganap siya rito bilang si Hanna Montano, ang leading lady ng bida ritong si Martin Escudero bilang si Remington.

Kuwento ni Lauren sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Sa simula very stubborn ako sa movie. While the movie goes along, naramdaman ko na mayroon pala siyang [Remington] soft spot sa puso ko.

"Tapos parang in the process, si Remington, yun nga, nagiging bakla siya. Tapos parang hindi ko yun nakikita dahil mahal na mahal ko siya."

Nangyari na ba yun sa kanya na sa totoong buhay ay na-in love siya sa akala niya ay tunay na lalaki, yun pala ay bading?

"Ay, hindi po. Never pa po!" natatawang sagot ni Lauren.

Paano kung mangyari sa kanya yun?

"Wala naman akong magagawa kung mangyayari yun. Iintindihin ko pa rin siya. Kung yun ang gusto niya, go lang."

Hindi siya magagalit?

"Hindi," sagot ni Lauren.

"What if ako, mayroon akong boyfriend tapos na-realize ko naman pala na hindi lalaki yung gusto ko? Siyempre, kung saan ka masaya, dun ka.

"Pero ako, hindi naman ako tomboy!" natawa siyang muli.

NOT IN A HURRY. Huling napanood si Lauren sa serye ng ABS-CBN na Mula Sa Puso na pinagbidahan niya. Ano ang susunod niyang serye sa Kapamilya network?

"Wala pa po. Pahinga muna after nung Mula Sa Puso.

"Patient naman po ako, hindi naman ako nagmamadali.

"Pero happy naman po ako dahil after ng show na yun, eto po, may movie naman ako," saad niya.

Sa ibang nakapanood ng Mula Sa Puso, sinasabi nila na mas maganda pa rin daw yung original version, na pinagbidahan ni Claudine Barreto at kapareha sina Diether Ocampo at ng namayapang aktor na si Rico Yan.

Aware naman daw si Lauren tungkol dito.

"Naririnig ko naman po yun," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung hindi nagustuhan ng iba yung sa amin, sorry kung hindi ko sila na-please.

"Pero may mga ibang tao naman na nagustuhan naman nila yung sa amin.

"Hindi ko rin naman sila masisisi kasi the original naman talaga will always be the best. Kaya nga binase siya roon kasi maganda yung una.

"At kung sa tingin ng ibang tao na hindi namin yun natapatan, hindi ko naman mapi-please lahat ng tao.

"Ang sa akin lang, I did my best. And a lot of people appreciate it naman."

ENRIQUE & JM. Sina Enrique Gil at JM de Guzman ang naging leading men ni Lauren sa Mula Sa Puso. Paano kung sa susunod niyang serye ay isa kina Enrique at JM ang ibigay na kapareha niya ulit, okey lang ba yun sa kanya?

"Okey lang po," sagot ni Lauren.

"Open naman po ako na maging ka-partner ulit sila kasi magagaling naman po sila.

"At very professional po sila. So, masarap silang katrabaho. So, why not?"

Ano ang nami-miss niya kina Enrique at JM?

"Yung kulitan namin," sabi ng young actress.

"Kasi parang naging kapatid ko na sila, lalo na si Enrique. Kasi si Enrique, mas malapit kami ng age range.

"’Tsaka for five months halos araw-araw ko silang kasama. Sa halos lahat ng eksena ko sa Mula sa Puso, kasama ko sila.

"So, paano ko silang hindi magiging close?"

Pero ang dream leading man daw talaga ni Lauren ay si John Lloyd Cruz.

Aminado rin ang dalaga na crush niya ang aktor.

"Nagkasama na kami sa One More Chance. Pero extra lang ako doon.

"Sana magkaroon ng chance na maging partner kami," kinikilig na sabi niya.

NO TO SEXY. Seventen pa lang ngayon si Lauren. Sa November pa siya mag-e-eighteen.

Pag eighteen na siya at may offer sa kanya para mag-pose ng sexy sa isang men’s magazine like FHM, tatanggapin ba niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Now, ayoko po. Gusto kong mag-focus sa drama. Gusto kong maging drama actress. Okey na ako doon," saad niya.

Kaya niya ba ayaw ay dahil hindi siya confident sa kanyang katawan?

"Confident naman ako. Kaya lang, hindi ako confident na i-share yun sa buong Pilipinas," katwiran ni Lauren.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN