Jeffrey Santos does not believe rumors that brother-in-law Ryan Agoncillo is womanizing

"Si Ryan kasi at si Bunso, parang mag-best friends, e. They treat each other na sandalan. Kung hindi kaya ng isa, sasaluhin ng isa. Kung hindi maintindihan nung isa, ieesplika nung isa. From a man’s standpoint, from a woman’s standpoint, pantay, e. Walang lamangan, walang sapawan, suportahan lang," says Jeffrey Santos (main photo) about sister Judy Ann Santos and brother-in-law Ryan Agoncillo (inset).


Ilang linggo nang nababalita ang diumano’y pinagdadaanang problema ng mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.

Nabalita pa ngang nambababae pa raw si Ryan, bagay na pinagtawanan lang ni Juday dahil matibay ang paniniwala niyang faithful sa kanya ang mister niya. (CLICK HERE to read related story.)

Itinanggi na rin ito ni Ryan na nagsasabing wala siyang gagawing kahit ano na ikasisira ng maganda nilang pagsasama ni Juday.

Kaugnay ng balitang ito, kinapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang nakatatandang kapatid ni Juday na si Jeffrey Santos.

Nakausap ng PEP si Jeffrey sa red-carpet premiere ng bago nitong indie film na Marcie—isang gay-lesbian romantic-drama na pinagbibidahan ni Raine Javier sa direksyon ni Gerardo Calagui—noong Sabado, August 27, sa UP Film Institute. Isang chief of police ang papel ni Jeffrey sa nasabing movie.

Kalmado at pangiti-ngiti pa si Jeffrey na nagkukuwento kung ano ang naoobserbahan niya sa tuwing makikita niya sina Juday at Ryan.

"Siyempre, sa mag-asawa, may mga diskusyon lang. Pag gano’n, hindi kami nakikialam.

"Actually, pinapanood ko pa nga sila minsan when they start to debate, silang dalawa lang. Sarap manood!

"Wala. Hintayin mo lang kung sino ang mananalo. Gano’n lang naman yun. Hintayin mo lang kung sino ang manalo.

"Pag medyo kalmado na ang lahat... Although hindi naman talaga kumukulo to a point na it would top all over... hindi naman gano’n.

"[When] things settle down, saka ka lang magbigay ng eye-view na, ’Alam mo, sometimes you have to see it from his point of view.’

"O kung kay Bunso [Juday] man o kung kay Ryan naman, ’from her point of view,’" lahad ni Jeffrey.

Sa pagkakatanda ni Jeffrey, base na rin sa mga naoobserbahan niya kina Ryan at Juday, wala pa raw matinding diskusyon ang mga ito na humantong sa matinding away.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"The major ones, wala. Wala sa harapan namin.

"Normally, silang dalawa lang palagi kung meron man.

"Kasi wala naman akong nakikita. So, hindi ko confirmed mismo.

"Now the little things, mga petty ones, ayan, makikita mo yung reaksiyon ng isa.

"Tatahimik yung isa, pakiramdaman nila, tapos maya-maya settled na.

"Those little things, yun nakikita namin. Pero hindi nagtatagal, e.

"Pag napapansin ni Bunso na siya ang mali, siya lalapit.

"Pag napansin ni Ryan na siya mali, siya lalapit, hihimas, mamasahe, hahalik, lalambing... okey na."

RYAN’S RUMORED WOMANIZING. Narinig na raw ni Jeffrey ang tsismis tungkol sa pambabae ni Ryan, pero hindi ito mapaniwalaan ng character actor.

"Ewan ko lang, ha. Pero I doubt it kung may time pang mambabae si Rye [palayaw ni Ryan].

"Kasi between his schedules sa Eat Bulaga! and yung tapings niya sa Talentado... at yung ibang commercial endorsements nila ni Bunso [Juday].

"I would really want to know where he could find time for it.

"Kasi every Saturday, Sunday, nandoon kami sa kanila. We cook, we drink, we have fun, they go out of town, sinusundo kami.

"I’d really want to know where he’ll find time. Unless ang araw ay more than 24 hours, baka sakaling makapagnakaw siya ng oras...

"I doubt it."

MORE THAN A MARRIED COUPLE. Base sa nakikita ni Jeffrey na samahan nina Juday at Ryan, hindi lang daw mag-asawa ang turingan ng dalawa.

"Si Ryan kasi at si Bunso, parang mag-best friends, e," sabi niya.

"They treat each other na sandalan.

"Kung hindi kaya ng isa, sasaluhin ng isa. Kung hindi maintindihan nung isa, ieesplika nung isa.

"From a man’s standpoint, from a woman’s standpoint, pantay, e.

"Walang lamangan, walang sapawan, suportahan lang."

Hindi raw apektado si Jeffrey sa mga tsismis sa pagsasama nina Ryan at Juday.

"Hay naku, kelan namang hindi?" na ang ibig niyang sabihin ay kung kailan tinantanan ng isyu ang dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Di ba? Sino ba ang nagsama na hindi naintriga ng ganyan?

"Ang ano lang naman ’yan, end product lang naman, what will happen next? Magpapaapekto ba sila o hindi?

"Yun lang naman palagi. Sino ba naman ang nagsama in our world na hindi naintriga?

"Pumapasok ka pa lang nga sa showbiz, naiintriga ka na. It’s just how you handle it.

"Lalo na kay Bunso, lalo na kay Ryan.

"For the longest time, wala naman talagang maiintriga kay Bunso. Walang maiintriga kay Ryan.

"So, ang titirahin yung pagsasama, yung union.

"It’s up to them how to handle it."

Patuloy ni Jeffrey, "Well, these are the challenges na kailangan nilang harapin.

"And I’m excited for them dahil I’m very, very sure na hindi sila gagawa ng maling desisyon.

"They have kids who love them, respect them, and look up to them.

"I doubt it kung magkakaroon sila ng desisyon na babali sa moral values na itinuro naman ng mga magulang namin."

ADVICE FROM KUYA. Bilang nakaranas na rin ng mga experiences sa buhay pag-ibig niya si Jeffrey, pinapayuhan daw niya sina Ryan at Juday.

"Never stop courting, kay Ryan. And never stop understanding, kay Juday.

"Ganun lang naman yun. Kailangan naman mutual support sa isa’t isa.

"Hindi ko naman sila binibigyan ng advice nang madalas. When there’s a need, pag nakita mo lang, then you talk na pahaging lang.

"You can’t talk seriously naman all the time kasi lalabas na napaka-pakialamero mo na, e.

"So, when you sense the need that they need to talk, then you talk.

"Pero kung wala naman, let’s have fun.

"Magaan lang naman ang buhay, hindi dapat pabigatin, e," saad niya.

Wala pa raw tsansang lumapit sa kanila si Juday para magpasaklolo o maglabas ng kanyang sama ng loob o advice sa problema nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Bunso would rather probably seek help hindi sa amin, unless it’s really major argument between them.

"Pero yung maliliit na semi-major things, I think she consults her friends first. Kasi sila ang nakakita ng relasyon, e.

"Malay n’yo, kayo [press] pa ang tawagan ng mga yun, para magtanung-tanong, di ba?

"Especially, kung talagang nambababae si Ryan, for your information, sa inyo talaga tatakbo ’yan, e. Barkada n’yo rin naman si Bunso."

Dagdag niya, "Ang intriga ay intriga. Ang tsismis will remain tsismis.

"Ang kuwento talaga nangyayari. It’s just a matter how you handle it.

"Yung product ba of the kuwento, yun ang importante."

LEAVING HOME. Sinasabing ang pagbukod daw ni Juday ng tirahan para bumuo ng sarili niyang pamilya ang isa umanong kinatatakutan ng ina niyang si Mommy Carol dahil mawawalan na raw ito ng masasandalan sa tuwing magkakaroon ito ng problema.

Hindi umayon sa obserbasyong ganito si Jeffrey.

"Ay, hindi. Kanina magkasama kami ni Mommy dahil yung little girl ko, nasa stage play namang Jose Rizal.

"We were together yung stage play ng little girl ko."

Pabor naman daw sa umpisa pa lang na dapat talagang magsarili sina Juday at Ryan.

"Oo, you really just have to work hard kung ano talaga ang gusto ninyong maging family. I think you really have to work hard for it.

"What more can I say? I have a supportive family, I have a loving wife, kids that I could be proud of. I have friends...

"Life is good. Wala akong kaaway. Marami akong kaibigan.

"Yung kina-cut ko naman sa traffic, hindi naman nila alam kung ano ang kotse ko.

"Mapikon sila sa akin hindi naman nila alam na ako yun," pagbibiro niya.

Masaya raw ang buhay may-asawa kung ibabase niya sa kanyang nararanasan sa kasalukuyan sa sarili niyang pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"There’s nothing to be regretful about. There’s so much to look forward to... maraming blessing diyan," nakangiti niyang sabi.

Fourteen years na raw ang pagsasama ni Jeffrey at ng kanyang misis, pero never pang nabuwag ang pagsasama nila kahit minsang lumabas na rin sa ilang acting project ang kanyang asawa.

"Well, she used to appear sa TV rin before. Kaya lang, nung kinidnap ko, nag-lie low na rin siya...

"Malaking advantage you get to keep what’s private, private.

"Pero beyond that, marami namang nag-succeed na couples both from showbiz; or yung isa showbiz, yung isa hindi.

"Marami namang nag-succeed. Kaya lang kasi mas masarap ikuwento yung mga hindi nagsa-succeed," pahayag ni Jeffrey, na may apat nang anak.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN