Is there trouble among Nora Aunor’s managers and handlers?

There are rumors that Nora Aunor’s professional team of sub-managers and handlers are in a disagreement in connection to the showbiz career of the Superstar. But both Suzette Ranillo and Boy Palmo denied these reports.


May "gulo" o "awayan" daw among Nora Aunor’s professional team of sub-managers/handlers, na dito’y kabilang sina Suzette Ranillo at Boy Palma. The latter used to be Ate Guy’s lone manager.

Sa pagbabalik sa bansa ni Nora, ang kanyang kaibigang radio-TV host na si German Moreno, o Kuya Germs, ang binabanggit ni Guy na siya niyang manager.

At nababanggit sa mga ulat na, diumano, may alitan sa pagitan nina Suzette at Kuya Germs. Na agad din namang pinabulaanan ng actress-friend ni Ate Guy.

"Lol! Wala! Love and respect ko si Kuya Germs," sagot ni Suzette sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pamamagitan ng text message.

Pati si Lala Aunor, ang first cousin ni Nora, ay nababanggit sa "non-issue."

"Non-issue" because as far as Boy and Suzette are concerned, wala umanong kaguluhan sa pagma-manage kay Nora.

"I made it clear in the first place. No power play. I handle Guy’s schedule," sabi naman ni Boy nang makausap ng PEP at ilan pang taga-media kahapon, August 30, sa lobby ng The Excelsior condominium sa Eastwood, Quezon City.

Ano ba sina Boy at Suzette kay Ate Guy sa ngayon?

Sabi ni Boy, "I am [her] personal manager. She [Suzette] is the business manager. At si Kuya Germs and overall manager."

What about Lala Aunor?

"She’s Guy’s cousin," sagot naman ni Suzette.

May nai-designate din si Boy na aniya’y mga kaibigan din ni Guy para sa showbiz press at para sa fans, at para sa kanila ni Suzette ay malinaw ang bagay na ’yon.

"Nagkausap nga kami ni Kuya Germs," pag-inform pa ni Suzette.

"He [Kuya Germs] said, ’O, Suzette, yung mga naisusulat tungkol sa atin, ’wag mo na lang papansinin.’"

NORA’S LATEST CONCERNS. As to the Superstar’s latest professional concerns, si Boy ang madalas nakikipag-ugnay sa PEP.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tulad nang magkaroon ng two-day break ang Sa Ngalan ng Ina taping si Ate Guy.

Ayon kay Boy, na-pack up ang taping ng mini-serye ng TV5 noong Biyernes, August 26, dahil sa malakas na pag-ulan sa location (Taal, Batangas) na hindi maaari sa mga outdoor scenes na naitakdang kunan.

The following day, August 27, ibinalita ni Boy na nag-pictorial si Nora para sa YES! at Preview magazines ng Summit Media.

"October issue [ng YES!], lalabas mga third week of September. Yung Preview, sa November naman," banggit din niya.

"Ay, ang ganda ng pictorial! Nag-enjoy si Guy sa pagpu-pose-pose niya!"

Tiyempo sa ika-44 taong anniversary ni Ate Guy sa showbiz ang YES! magazine issue.

"Sa Preview naman, high-end [pictorial], mala-Vogue model si Guy!" natutuwang banggit pa ng personal manager ngayon ni Nora.

BOY ABUNDA’S INTERVIEW. Hindi rin nakaligtaang banggitin ni Boy Palma ang ginawang interview ni Boy Abunda kay Nora sa set ng El Presidente kamakailan.

May kaukulang permiso ang The Buzz ng ABS-CBN sa TV5 management para ma-interview ang Superstar.

"Nang mag-interview si Boy, naka-prosthetics pa si Guy kasi kukunan ang eksenang tumanda na siya," pagtukoy pa ni Boy Palma.

"Matagal gawin ang prosthetics, kaya sabi ko, pasensiya na.

"Sagot ni Boy [Abunda], ’I’ve waited for several years, I don’t mind waiting for three hours...’"

During the interview, kuwento ni Boy Palma, "Humagulgol si Boy, iyak siya nang iyak! Hindi maka-take.

"Sobrang touching ang interview. To air this September 4 sa The Buzz.

"It was a no-holds-barred interview about John Rendez, drugs issue, et cetera," banggit pa ni Boy Palma.

Sa interview ay sinabi raw ni Guy kay Boy Abunda, referring to John Rendez, "Sana hayaan na natin yung tao, may sarili na siyang buhay" or something to that effect.

About Guy and John’s "drug issue," isa naman sa naging statement ni Ate Guy: "I’m clean."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Boy Palma, "Ang maganda, pumayag si Guy na magpa-interview nang naka-prosthetics."

He also disclosed na natapos na nga raw lahat ni Nora ang mga eksena niya para sa El Presidente movie ni Direk Tikoy Aguiluz.

Incidentally, nakatakda na ring gawin ni Tikoy ang Nora documentary na malaon nang binalak gawin.

At susundan daw ng premyadong direktor si Ate Guy sa set ng Sa Ngalan ng Ina, na idinidirek ni Mario O’Hara.

NORA’S REGAL-MMFF PROJECT. Kahapon ay kinumpirma na rin ni Boy sa PEP at ilan pang taga-media ang tuloy na paggawa ni Nora ng pelikula para sa Regal Entertainment ni Mother Lily Monteverde

"Para sa Metro Manila Film Festival. Hindi namin puwedeng mahindian sina Kuya Germs at Mother Lily.

"Kailangan lang munang mabasa ni Guy yung script," sabi pa niya.

Last Friday, August 26, nabanggit din ni Boy na nag-tender ng lunch si Mother Lily sa kanyang resthouse sa Taal, Batangas, kung saan naging panauhin sina Nora at ang Vice Mayor ng Taal, Batangas na si Pong Mercado (former Regal production staff).

Sa isang hiwalay na interview naman ng PEP kay Direk Joel Lamangan kamakailan, sinabi nitong "wala namang problema" sa project na gagawin ni Nora sa Regal.

"Nag-meeting na sina Guy, Mother Lily, at Kuya Germs.

"Nagkausap na rin kami, once pa lang, ni Nora," sabi ni Direk Joel.

Ang project ay may pamagat na Mano Po 7 (Hototay), isang comedy movie.

Uumpisahan ni Nora ang shooting nito by October, pagkatapos ng kanyang tapings para sa Sa Ngalan ng Ina na sa buwan ding yun sisimulang itanghal sa TV5.

Kung hindi magkakaroon ng pagbabagong kaganapan, ayon sa nabanggit ni Direk Joel, ang pelikula ni Nora ay tatampukan din nina Christopher de Leon at Tirso Cruz III, bilang leading men ng aktres.

Makakasama rin daw sa cast si Rufa Mae Quinto at Miss Universe 2010 4th runner-up Venus Raj.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN