Jamilla Obispo overcomes inhibition in lesbian love scene with co-star Paloma

Jamilla Obispo stars in the digital film X-Deal, where she plays a woman who desires her neighbor’s wife, played by Paloma (inset). This is Jamilla’s first movie.


Naiyak daw ang sexy star na si Jamilla Obispo nang kunan ang love scene nila ni Paloma sa indie film na X-Deal.

Paliwanag niya, "Hindi ko po kasi ma-take nung una na makipaghalikan sa kapwa babae ko, e.

"Noong unang love scene namin ni Paloma, nag-cut ni Direk Law [Lawrence Fajardo], kasi nga naiiyak ako.

"Hanggang sa binigyan ako ng motivation ni Paloma na, ’Kaya mo ’yan, girl! Let’s do it. Trabaho lang naman at walang halong personalan.’

"Pinakita sa akin ni Direk Law at Paloma yung support nila, at yun, nagawa ko naman."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Jamilla sa premiere night ng X-Deal sa Robinsons Galleria Movie World noong Miyerkules, August 31.

Ang X-Deal ang kauna-unahang pelikula ni Jamilla. Mula ito sa direksiyon ni Lawrence Fajardo at produced ng Digital Viva at ALV Production.

Kasama rin sa pelikula si Jon Hall bilang ka-love triangle nina Jamilla at Paloma.

Unang nakilala ng publiko si Jamilla nang sumali siya sa first season ng reality show ng ABS-CBN na Pinoy Big Brother Teen Edition noong 2009. Noong panahong ’yon ay inamin na niya sa publiko na isa siyang dalagang ina.

Dahil sa kaseksihan ni Jamilla ay hindi kataka-taka na mapansin siya ng mga publishing company para mag-pose nang sexy sa iba’t ibang magazines, kabilang na rito ang FHM.

Bakit niya tinanggap ang proyektong gaya ng X-Deal, na sexy ang tema?

"Maganda yung istorya," sagot ni Jamilla.

"Sa totoong buhay kasi nangyayari ang mga ganitong bagay. Yun yung isang naging dahilan para tanggapin ko ang pelikulang ito.

"Very challenging yung role ko rito."

Ginagampanan ni Jamilla sa pelikula ang role ni Dana, ang kaptibahay ng mag-asawang Billy (Jon) at Sara (Paloma). Bagamat may pagnanasa rin kay Dana si Billy, ang gusto naman ni Dana ay si Sara.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

In real life, puwede rin ba siyang ma-in love sa kapwa niya babae?

"Siguro kung ako si Sara na makakakilala ng Dana, bakit hindi, di ba? Tao lang naman tayo na nagmamahal," sabi niya.

Pero may mga nanligaw na ba sa kanyang tomboy? Paano niya hinarap ito?

"I take them as my friend, pinararamdam ko naman sa kanila na kaibigan lang.

"Straight pa rin ang gusto ko, ang gusto ko pa rin ay lalaki.

"Mas masarap pa rin ang lalaki!" sabay tawa niya.

Hindi ba siya nagdalawang-isip na tanggapin ang pelikulang ito?

"Hindi naman, kasi maganda nga yung istorya niya. ’Saka gusto ko yung ginagawa ko," sabi ni Jamilla.

Nailang sa mga love scene niya rito—both with Jon and Paloma?

"Siyempre, nailang ako, kasi tao lang naman ako, e," aniya.

Nagtanong ba siya sa namamahala sa kanyang career kung bakit first movie pa lang niya ay ganun ka-daring na agad yung role niya?

"Pagdating sa trabaho, pinagkakatiwalaan ko sila," sabi ni Jamilla.

"Kung alam ko namang makakatulong at sa ikagaganda ng career ko, tatanggapin ko.

"Katulad nga nitong binigyan nila ako ng ganitong klaseng unang movie, sabi ko, ’Sige gawin natin, kasi maganda naman yung istorya.’"

Kumusta namang katrabaho si Jon Hall?

"He is a very good man, he’s very gentleman pag may love scenes kami.

"Ipinakikita niya sa akin yung support niya. Tinatanong niya kung okay lang ba ako.

"Nagso-sorry siya pag may scene kami na nasaktan niya ako.

"May eksena kasi kami na sinampal niya ako, nag-sorry siya after that scene.

"Napaka-gentleman niya," papuri niya sa kanyang leading man.

"READY TO MINGLE." Kumusta naman ang lovelife niya ngayon?

"I’m single and ready to mingle," sagot ng sexy star.

"Magwa-one year na akong single. Yung ex ko ay non-showbiz. Ayoko ng showbiz na boyfriend kasi masyadong ma-showbiz."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta naman ang kanyang anak?

"Okay naman siya. Ayun, malaki na. Ngayon Grade 1 na siya. Very sporty siya!"

Anong pinagkaiba ni Jamilla noong una siyang pumasok sa PBB house at ngayong nagpapaseksi na siya?

"Siyempre, mas maganda ako ngayon!" tawa niya.

"Saka mas marami na akong natutunan sa trabaho ko.

"Mas marami akong nakilala, mas lumawak yung mundo ko ngayon kesa dati.

"Mas nag-level up yung alam ko sa buhay, mas marami akong natutunan."

There was a time na nawala siya sa showbiz. Anong mga pinagkaabalahan niya noong nawala siya sa sirkulasyon?

"Nag-aral po ako. Nag-aral ako ng interior design. Kulang pa ako ng isang year para matapos ko yung course.

"Siyempre kailangan ko naman mag-aral kasi hindi naman habang buhay na nandito tayo sa showbiz, kailangan natin ng stable job," saad niya.

Bakit hindi niya ipinagpatuloy ang pag-aaral niya samantalang isang taon na lang pala ay matatapos na siya?

"Kasi nag-audition ako sa Mara Clara, tapos natanggap ako. Sayang naman yung opportunity, di ba?

"Yung taping namin is three times a week, so kailangan ko munang i-give up yung isa.

"E, na-miss ko rin yung trabaho ko, saka opportunity na yun, di ba?"

Bukod sa X-Deal, abala rin ngayon si Jamilla sa gag show na Banana Split at kasama rin siya sa upcoming soap na Nasaan Ka Elisa?.

Dagdag niya, "Tapos inaayos ko yung salon ko sa San Pedro, Laguna, yung Artista Salon. Five years na yung salon ko na yun.

"Siyempre, hindi nawawala yung pagiging mommy dun sa anak ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN