Bianca Gonzales reacts to talks that co-host Boy Abunda may leave their show SNN

"Whether from management, whether dun sa host, parang ilang years na silang nandiyan. Alam na alam na nila ang business. Alam na nila ang ginagawa nila. Parang hindi siya irresponsible decision, pinag-isipan talaga. May rason," says Bianca Gonzales (in photo) if ever Boy Abunda leaves SNN and the show gets axed.


Nauna nang nabalita na inihabilin na ni Boy Abunda ang pamamahala ng kanyang talent management and production company na Backroom sa kanyang mga tauhan.

Dala raw ito ng pagkakaroon ng dementia ng kanyang pinakakamahal na ina. Nais daw kasi ng magaling na TV host na mas mapagbuhusan ng panahon ang kanyang Nanay Lesing.

Kasunod nito ang naging pahayag ni Kuya Boy na may isa sa tatlong shows niya ang kanyang bibitawan.

BYE SNN? Alin sa The Buzz, Bottomline and SNN ang kanyang iiwanan?

Maugong ang usap-usapan na ang huling nabanggit daw ang maaaring i-give up ni Kuya Boy at malamang mamaalam sa ere.

Kung iisipin, malamang ang SNN nga ang kanyang bitawan. Mas maraming panahon kasi ang nagugugol ng TV host dito considering na gabi-gabi ito during weekdays.

PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) got the chance to interview Bianca Gonzales, Kuya Boy’s co-host in SNN last night, August 31, sa ABS-CBN para tanungin kung nakarating na ba sa kanya ang nasabing balita.

"Siguro, better if Tito Boy will say it kasi parang I am not in the position to say anything about it.

"I can give more concrete answers if it will happen. Kasi, we’re very proud of the show.

"If and why na dumating yung time na siyempre sana, hindi, then I can talk about it," sabi niya.

BIG PART OF ME. Aminado naman si Bianca na naging malaking bahagi na ng buhay niya ang SNN. Kung saka-sakaling matuloy nga ang sinasabing pagkawala nito sa ere, malulungkot daw siya.

"Oo naman. It was a hard adjustment kasi. Dati, over one year ago na.

"Kasi morning person ako talaga and mahirap talaga [magtrabaho] pag gabi.

"May mga nagtatanong nga sa akin, ’Live ba yun? Ha, ganun ka-late nagtatrabaho ka pa rin?’

"’Sabi ko, ’Oo, kaming lahat, ganun talaga.’ Ngayon sanay na ako. Sobrang part na siya ng sistema ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Saka walang isang araw na wala akong nakikitang tao na nagsasabi, either, ’Uy, totoo ba yung ganyan?

"’Ano yung nangyari kay Ganyan?’ Or either, ’Nanood ako gabi-gabi, inaabangan ko yung suot mo.

"Ang pangit ng suot mo kagabi.’ Parang, a mix of all comments.

"Na parang, there’s not one day na wala akong ganun [natatanggap na comments]. So, siyempre nakaka-inspire sila.

"It’s a big, big part of my life. Kahit anong malaking part if ever na mawala, definitely masakit.

"Pero, I don’t know. Di ko kasi alam kung mangyayari ’yan kasi.

"Wala, para kasing daily habit na siya ng mga tao. Sabi nila, bago matulog, yun ang pinapanood nila."

VALID REASON? Hiningan din namin ng reaksiyon si Bianca na isa raw sa malaking pinagbasehan talaga ay ang higit na oras na hiningi ni Tito Boy para sa kanyang ina, kung kaya’t dapat siyang mag-give up ng isa niyang show sa ABS-CBN.

"Ako, in any show, like for example Y-Speak dati, nung nawala, parang whatever decision it may be, whether from management, whether dun sa host, parang ilang years na silang nandiyan.

"Alam na alam na nila ang business. Alam na nila ang ginagawa nila.

"Parang hindi siya irresponsible decision, pinag-isipan talaga. May rason."

Tinanong namin si Bianca kung kinausap na ba siya ng management tungkol dito.

"We talked about plans in general about my career, but nothing particular yet."

HAPPY WITH JC. Open book naman na ang boyfriend ni Bianca ngayon ay ang baskteball player na si JC Intal.

Tahimik at masaya ang itinatakbo ng relasyon ng dalawa, na mukhang mas maganda nga raw yata pag hindi parehong taga-showbiz ang magkarelasyon.

"Masaya naman. Super steady lang. Bago pa lang naman din talaga.

"Hindi ko pa rin naman masabi na secret to success kasi di pa naman kami ganun katagal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I think it does help na hindi masyadong publicized.

"I think any relationship naman na nasa showbiz, mahirap talaga.

"Naku, bilib ako kina Toni [Gonzaga]-Paul [Soriano], kila Mariel [Rodriguez] and Robin [Padilla].

"Dumaan na ako sa ganun, mahirap talaga," saad ni Bianca.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN