Hearing on "serious physical injuries" and "malicious mischief" cases vs. Richard and Rocky Gutierrez rescheduled for November 10, 2011

The court hearing for the cases of serious physical injuries and malicious mischief filed against siblings Richard (right) and Rocky Gutierrez (left) was moved to November 10. Atty. Javier Flores, lawyer of complainants Arnel Cruz and Ram de Vera (inset), explained: "It means that, hindi pa kasi sinama yung malicious mischief nung una. But right now since the judge issued an order saying that the cases should be tried jointly, we are going to have documents f


Sa ikalawang pagkakataon ay hindi natuloy ang nakatakdang court hearing sa kasong isinampa laban sa aktor na si Richard Gutierrez at sa kapatid niyang si Eduardo "Rocky" Gutierrez.

Kinasuhan ang magkapatid nina Arnel Cruz at Ram de Vera ng kasong serious physical injuries at malicious mischief.

Ito’y matapos sila diumanong bugbugin ng magkapatid at ng iba pang mga kasama nila sa birthday party ni Richard noong January 30, 2005, sa parking lot ng The Fort, Taguig City. (CLICK HERE for related article,)

Hindi natuloy ang pagdinig sa naturang kaso ngayong araw, September 1, sa Taguig Metropolitan Trial Court, Taguig City dahil na rin sa hiling ng kampo ng mga complainant.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Atty. Javier Flores, ang legal counsel ng complainants, sinabi niyang ang consolidation ng kanilang isinampang mga kaso ang dahilan ng paghiling nilang i-reset ng naturang hearing.

Aniya, "So, what the court said on its order of July 19, pagsamahin na yung physical injuries, yung trial ng physical injuries... Serious ’yan, physical injuries at malicious mischief.

"So, pinagsama na siya under the regular procedures. The case for serious physical injuries is now going to be tried at the same time with the malicious mischief.

"The malicious mischief concerns the damage to the automobile of the private complainant."

MARKING OF ADDITIONAL EVIDENCE. Sa September 13 nakatakdang mangyari ang marking ng additional evidence ng magkabilang kampo.

Ang mga ebidensya lang kasi para sa serious physical injuries ang naihanda nina Atty. Flores, dahil dati’y magkahiwalay na hearing dapat ang magaganap sa naturang mga kaso.

Aniya, "September 13, that will be the marking, additional marking of documents for both the complainants and Richard Gutierrez.

"So, now they are going to be tried at the same time, but on the initial marking of evidence we were only able to mark documents for serious physical injuries.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It means that, hindi pa kasi sinama yung malicious mischief nung una. But right now, since the judge issued an order saying that the cases should be tried jointly, we are going to have documents for the other case also marked."

Kaugnay nito, ipinaliwanag din ni Atty. Flores kung papaano ang magiging takbo ng kaso bunga ng consolidation na ito.

"Kasi dun sa order ng korte nakalagay lang kasi serious physical injuries.

"Tapos, ang malicious mischief kasi, ito medyo technical na issue ito, ’no, ang malicious mischief kasi, sometimes it is tried summarily.

"Pag sinabing summarily, under the summary procedure, ibig sabihin hindi na ako mag-uupo ng witness, hindi na siya iko-cross examine ng kabilang abogado.

"Gagawin lang, magsa-submit lang siya ng affidavit, tapos yung kabila naman mag-submit ng affidavit, tapos na.

"But, since may isang mabigat na kaso ’to na kasabay, ang gagawin ng korte regular procedure na, nasa korte naman yun, e. Discretion na ng court whether or not to try the case under regular procedures.

"So, sabi niya [lawyer of the Gutierrezes], may additional documents siya. Kami naman may additional documents din kami, ma-markan namin on the 13th.

"On the 13th, sabay kami magma-marking ng additional documents for the malicious mischief, on the 10th kami lang magpe-present ng evidence.

"Tapos kung kaya pa nila, [kung] may oras pa sila, magko-cross examine sila."

Sa naturang marking ng additional evidences, nilinaw rin ni Atty. Flores na hindi na kailangan ang appearance ng mga akusado at ng mga nag-aakusa.

"Lawyers na lang sa 13th kasi marking lang naman ’yan.

"Tapos correction ng pre-trial order, kasi may mga typographical errors, so yun lang," pagtatapos niya.

Sinubukan ng PEP na kunin ng pahayag ang kampo ng magkapatid na Richard at Rocky Gutierrez sa pamamagitan ni Atty. Paul Manalo, pero tumanggi silang magbigay ng anumang pahayag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN