Jay-R gives his all to help girlfriend Krista Kleiner produce her dream dance album

"We are both really tired, but just to know that we are working together on one project, nawawala ang pagod ninyo. Tama nga ang sinasabi nila na when you work with the one you love, madali ang lahat," says Jay-R about helping Krista produce her dream album.


Going strong pa rin ang relasyon ng Prince of R&B na si Jay-R at ng 2010 Bb. Pilipinas-International Krista Kleiner.

Sa panayam kay Jay-R sa press launch ng bagong talent search show ng Kapuso network na Protégé recently sa Studio 7 ng GMA-7 Annex Studio, tinanong siya tungkol sa katayuan ng kanilang relasyon.

Nakangiti naman na sinabi ni Jay-R na maganda ang takbo ng relasyon nila ni Krista kahit na pareho silang busy sa kanilang mga trabaho.

"We’re very okay and I must say that things are getting strong between us," nakangiting sabi ni Jay-R.

"Kahit na pareho kaming busy with work, we still have time for one another.

"Lalo na ngayon, we are in the process of producing her dance album.

"We’re working at it together para maganda lumabas.

"Kaya in between my work sa GMA-7 na Protégé and her modelling stints here and abroad, nagagawa pa naming ayusin ng dance album niya.

"This is one of her dreams to have and I am more than willing to help her out in the best way a boyfriend can."

MY GIRLFRIEND, MY "PROTÉGÉ". Punong-abala nga si Jay-R sa pagbuo ng dance album ni Krista na à la Jennifer Lopez, Katy Perry, at Beyonce Knowles ang inspiration ng actress turned beauty queen.

Matiyaga ngang tine-train ni Jay-R ang kanyang girlfriend sa vocals nito bago ito sumabak sa magdamagang recording sa studio. Mistulang protégé niya ang kanyang girlfriend sa pagga-guide sa pagggawa ng dance album.

Kahit nga raw pagod silang dalawa, bale-wala raw iyon dahil nagtatrabaho sila bilang isang tandem sa naturang album.

"The vocal training and recording take us until the wee hours of the morning.

"We are both really tired, but just to know that we are working together on one project, nawawala ang pagod ninyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tama nga ang sinasabi nila na when you work with the one you love, madali ang lahat," sabi pa ni Jay-R.

SHE’S SERIOUS. Bilib nga raw si Jay-R sa pagiging professional ni Krista. Kahit na alam niyang pagod ito from a whole day’s work sa recording, the next day ay okey pa rin ito at handa ulit na pagpuyatan ang kanilang project.

"Krista is always in high spirits. Even if I know how tired she gets from our training the night before, she would still show up the next day to finish another session.

"It only means that she’s very serious with what we are doing.

"Kaya I do my best to come up with the best album for her.

"Ayokong mapahiya sa kanya because she trusts me a lot on this project," sabi niya.

All-original dance music ang laman ng magiging album ni Krista.

Si Jay-R ang namili ng songs at pinagdiinan niyang collaboration nilang dalawa ang album kaya special ito sa kanila.

"We both want an all-original dance album. We want her to not do cover versions. Para naman magkaroon siya ng sariling identity.

"Maraming suggestions si Krista for the album and I welcome that.

"Maganda ang mga inputs niya sa album and that’s good because she can be proud of it and really say na may contribution siya sa album.

"I want her personality to be part of the album. And so far, it’s all working," pahayag niya.

UP AGAINST BIG NAMES. Kahit na abala si Jay-R sa album ni Krista, hindi niya nakakalimutan na isa siya sa mentors ng talent search show ng GMA-7 na Protégé.

May tatlong set of talents nga siya na kanyang inaalagaan para kahit isa sa kanila ay ang mabigyan ng big break.

"Kaming mga mentors, we are sharing what we know and what we have achieved in this business.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It’s time that we give back and we pray that they all make a good impression and make good use of their God-given talent.

"Hindi lang ito labanan ng mga protégés namin, but it’s also a competition between the mentors.

"I am up against big names in the industry such as Janno Gibbs, Jaya, Rey Valera, Imelda Papin, Claire dela Fuente, and Joey Generoso.

"I’m also competing with Aiza Seguerra, Rachelle Ann Go, and Gloc 9 na may mga sariling names na sa music industry.

"Kaya, it’s up to us to make our protégés shine on stage and in the way they perform.

"We can go as far as giving them support and making them realize that their talent is something that people must see and hear.

"I can relate to my protégés kasi nga I also started very raw.

"I didn’t know what to do para makita nila ang talent ko.

"But I had great mentors and I wouldn’t be where I am today if not for the people who believed in me.

"Kaya like what I said, I am just giving it back. And I want my protégés to really make it and get the break that they dream of," pahayag ni Jay-R.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN