Erwin Tulfo relates how their late military dad kept the Tulfo brothers from fighting each other

TV5 news anchor Erwin Tulfo (center) says their military dad found a way to stop the Tulfo brothers from fighting each other.

"Yung dalawa, si Mon at yung sumunod yung Felix. Suntukan nang suntukan dahil two years lang ang difference, parehong lalaki, barako. Sabi ng tatay ko, kesa maging kriminal kayo, ang ginawa niya, maghapon, tinali niya


Kilala ang magkakapatid na Mon, Ben, Raffy, at Erwin Tulfo sa pagiging mga agresibo pagdating sa pagresolba ng mga kasong inilalapit sa kanila.

Mga walang sinasanto, mabigyang-lunas lang ang mga problema ng mga maliliit at mga walang lakas para ipagtanggol ang sarili.

Kaya nga sa presscon ng bago nilang public affairs show na T3: Kapatid, Sagot Kita! na ginanap sa Mario’s restaurant sa Tomas Morato kagabi, August 31, buong-pagmamalaking sinabi ni Erwin na ang bago nilang TV5 show ang masasabing "pinakamatapang na public affairs show" sa telebisyon ngayon.

"Walang pinipili. Kahit na anong kaso ang ilapit n’yo, we will try to solve it.

"Ang pagkakaiba po namin sa iba pang programa, dito po, may aksyon. Every day, yung kasong ilalapit sa amin, ilalabas namin, may solusyon.

"Ang ending po lagi ng mga istorya sa T3 ay may solusyon," paniniguro pa ng 39-year-old news anchor ng flagship news program ng Singko na Aksyon at host ng Tutok Tulfo.

Sabi naman ng Wanted host na si Raffy, ang tapang na ipinapakita nila ay dahil na rin sa dedikasyon nilang iresolba ang mga problemang inilalapit sa kanila.

"Kahit sino naman puwedeng maging matapang, e. Anybody... madaling ma-acquire yun, e.

"Pero yung tapang namin is our dedication to our work. Meaning we’re not afraid to take any kind of problem that comes to us, and we’re not afraid to do everything we could to give solution to that kind of problem, whatever it is.

"If you do your job and then you put it in your heart, you do it by heart, plus dedication. I think ang description ko diyan ay tapang.

"Dahil we want to make sure, at the end of the day, kung anuman ang problemang yun, ginawa mong lahat ang magagawa mo, come what may, kailangang ma-solve yun at na-solve mo," pahayag pa ng 51-year-old columnist at TV and radio journalist.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


MOTHER’S COMPASSION. Sa kanilang ina naman ina-attribute ng 56-year-old na si Ben ang "puso o katapatan" sa pagreresolba ng mga problema ng mga nangangailangan.

"Pinalaki kami ng aming ina to be compassionate. Nakita namin noon kung paanong naging takbuhan ng mga asawa ng mga sundalo ang aming ina.

"At kapag may problema, laging nandun siya. Siya ang crying shoulder nila at tumutulong sa mga may problema," sabi pa ng crime-busting host ng Bitag na lumipat na rin sa TV5, mula sa UNTV-37.

Pero sa kabila ng imahe nilang matapang at mga haragan pagdating sa mga abusado at corrupt, aminado naman sina Ben, Raffy, at Erwin na tiklop sila pagdating sa kanilang ina.

"Kapag may disagreement sa level ng magkakapatid, kapag sinabi ng nanay namin na tama na, tigil na, tapos na yun. Stop na," sabi nga ni Erwin.

Humingi naman muna ng pahintulot sa magkakapatid na Tulfo ang News5 chief na si Luchi Cruz-Valdes bago nito ikuwento sa press kung paanong tumatayong "Supreme Court" ang ina ng mga Tulfo kapag may problema ang magkakapatid.

"Alam n’yo nung una naming i-launch yung Tutok Tulfo, aba, e, ihahabla kaya kami ni Mon Tulfo. Kasi daw, copyright niya raw yung ’Tulfo.’

"Naloka ako! Gano’n?

"Tapos namumroblema kami kasi galit na galit si Mon sa akin.

"Ang ginawa ni Erwin, sinumbong niya sa nanay niya.

"Sabi lang ng nanay niya, ’Oy, Mon, tumigil ka na. Matanda ka na. Pagbigyan mo na si Erwin.’

"So, yun. Natapos ang away. So bilib ako sa nanay niya!" natatawang kuwento ng TV5 news chief.

Nabanggit na rin lang ang panganay na Tulfo, sinabi ni Ms. Luchi na gusto rin daw sana nilang kunin ito. Kaya lang ay nakatali ito bilang kolumnista ng isang news daily at komentarista rin sa online version ng news daily.


FATHER’S DISCIPLINE. Ikinuwento rin ni Erwin kung paano sila nadisiplina ng military officer nilang ama na ilabas ang tapang at tigas sa ibang tao at hindi sa kapwa kapatid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Matapang po kami. In a sense na matapang kami na luku-luko.

"Pero amongst ourselves, hindi ganun, e. Because we were brought up by our parents na, ’Magmahalan kayo.’"

Ibang klase raw ang ginawang pagdidisiplina sa kanila ng kanilang ama, kapag nag-aaway o nagsusuntukan silang magkakapatid.

"I’ll tell you a secret, pinapalo kami ng tatay namin pag nag-aaway kami.

"Siyempre, mga bata kami nagsusuntukan, e. Ay, kawawa ka, latigo ang aabutin mo!

"To the point pa nga minsan, kaaway ko ang kapatid ko, pinag-lips-to-lips kami ng tatay ko. Kaya hindi na kami nag-aaway.

"Yung dalawa, si Mon at yung sumunod, yung Felix, suntukan nang suntukan dahil two years lang ang difference, parehong lalaki, barako.

"Sabi ng tatay ko, kesa maging kriminal kayo, ang ginawa niya, maghapon, tinali niya ng face-to-face. Nagyayakapan, palakad-lakad sila. Nagyayakapan sila.

"Because ayaw niya nga ng nag-aaway. Hanggang sa lumaki kami, bawal nga yun. Hanggang sa mamatay na ang tatay ko."

Gano’n lang daw at natanim na sa isipan nila na matutong iresolba ang problema sa kapwa kapatid nang hindi nagkakasakitan.

"Bawal kayong magsakitan. Puwede nyong resolbahin [ang problema].

"Kung di n’yo kayang resolbahin, merong mas matatanda sa inyo," nasabi pa ni Erwin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN