Carlene Aguilar due to give birth in October to her first child with husband Yo Ocampo

Sherilyn Reyes organized a baby shower for their friend Carlene Aguilar (in photo), who is now pregnant with her first child with husband Yo Ocampo (also in photo). This will be Carlene’s second child; her firstborn, Calix Andreas, is by former boyfriend Dennis Trillo.


Mga close friends lang ng mag-asawang Carlene Aguilar at Yo Ocampo ang dumalo sa baby shower para kay Carlene na ginanap sa isang function room sa Wack Wack Twin Towers noong Miyerkules ng gabi, August 31.

Si Sherilyn Reyes ang bumuo ng party para sa kanyang best friend.

Invited din sa party ang kaibigan nilang si Angelu de Leon, na apat na buwan na ring buntis.

Masayang ikinukuwento ng magkakaibigan na every three months daw sila may pa-baby shower dahil pagkatapos manganak ni Sherilyn, si Carlene nga ang sumunod, at si Angelu ang panghuli.

Sa first week of October ang due ni Carlene at baby boy ang iluluwal nito na papangalanan daw nilang Marcus IƱigo.

Mga malalapit din nilang kaibigan ang magiging ninong at ninang dahil iyun na raw ang napagkasunduan nila.

Ayon kay Carlene, kakaiba itong pagbubuntis niya ngayon kung ikumpara sa panganay niyang si Calix Andreas dahil siya lang daw ang mag-isa sa Amerika, kung saan doon niya iniluwal ang anak nila ng dating kasintahan na si Dennis Trillo.

"Iba siyempre ito ngayon dahil nandiyan ang asawa mo, nandiyan ang mga friends mo na nasa tabi mo.

"Kasi iba yung nanganak sa abroad na parang mag-isa ka lang," pahayag ni Carlene sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Excited din si Yo sa kanyang magiging panganay, pero tiniyak na nila na walang mababago sa pagtingin nila at pag-aalaga kay Calix.

Ani Carlene, mas lalong naging close pa raw ngayon si Calix kay Yo, at natutuwa ang huli dahil parang anak na rin daw talaga ang turing niya sa bata na "Daddy Yo" na nga ang tawag sa kanya.

Kuwento ni Carlene, "Ngayon pa lang ay ini-explain na namin sa kanya [Calix] na magkakaroon na siya ng baby brother.

"Excited naman siya. Lagi niya tinatanong sa akin kung kailan na lalabas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero hindi naman mawawala yung nagselos, siyempre four years old pa lang siya, hindi naman niya naintindihan yun.

"Pero ngayon talaga naka-concentrate kami sa kanya habang wala pa ang baby."

Sabi pa ng beauty queen turned actress, hindi naman daw nagpapabaya si Dennis sa kanyang responsibilidad kay Calix.

Tuwing weekend ay kay Dennis daw ito at natutuwa siya dahil nagkakaroon ng panahon ang aktor sa kanilang anak.

Minsan ay naging isyu pa ang balak ni Carlene na pagpalit ng apelyido ni Calix, na isunod na sa kanilang apelyido para hindi raw ito magtaka bakit iba ang apelyido sa kanila pati sa kanyang magiging kapatid.

Pero kinontra ito ni Dennis kaya hindi na ito itinuloy ni Carlene.

"Siguro depende na yun kay Calix paglaki niya yung nagkaisip na siya," pakli ni Carlene.

Sa ngayon ay tutok si Yo kay Carlene dahil sa malapit na itong manganak.

Bukod kina Sherilyn at Angelu, dumalo rin sa baby shower na yun ang magkasintahang Gab Valenciano at Isabel Oli, na close din sa mag-asawang Yo at Carlene.

Aminado naman sina Isabel at Gab sa kanilang relasyon, pero hindi lang nagpaunlak si Isabel ng interview dahil stressed pa raw ito dahil nasa hospital pa rin ang kanyang ama na medyo malala na ang karamdaman.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN