Eugene Domingo says she has no control over simultaneous showing of her two movies

Eugene Domingo has two movies currently showing in theaters—Wedding Tayo, Wedding Hindi and Zombadings 1: Patayin Sa Shokot Si Remington.

To this, she says, "Yung pagpapalabas ng dalawang pelikula kung saan kasama ako ay hindi ko naman kontrolado. Pareho naman ang tema na magpatawa ng tao, so bahala na lang yung manonood kung ano ang papanoorin nila."


Katatapos lang maipalabas sa mga sinehan ang indie film na Ang Babae Sa Septic Tank, pero heto’t may bago na namang pelikula si Eugene Domingo na ipinapalabas—ang Wedding Tayo, Wedding Hindi ng Star Cinema at OctoArts Films.

Kasama rito ni Eugene sina Toni Gonzaga, Zanjoe Marudo, at Wendell Ramos.

Marami ang nakakapansin na mas nagko-concentrate ngayon si Uge (palayaw ni Eugene) sa paggawa ng pelikula kesa TV shows.

Ang regular show lang ngayon ni Uge ay ang Comedy Bar sa GMA-7, bagamat ginagawa rin niya ang mini-serye ng TV5 na Sa Ngalan Ng Ina kung saan tampok ang Superstar na si Nora Aunor.

Sabi ng komedyana, "Thankful po ako na habang ikaw ay binibigyan ng pagkakataong lumabas sa pelikula, hindi ko dinadalasan ang paglabas ko sa TV para naman masabik din sila pag napanood ka sa big screen.

"Yun din ang hinangaan ko kay Toni, nag-usap din kami. Sabi niya, ’Ate Uge, conscious din ako na hindi ako gumagawa ng soap maya-maya kasi gusto ko hosting at pelikula.’

"So, dun pa lang, compatible na kami sa paniniwala namin. But I’m not saying na never na akong magti-TV.

"Right now, my priority is to make films.

"So, natutuwa ako na inspite of the weather at ang daming Hollywood films, e, pinapasok pa rin ang pelikulang Pilipino at diyan ay nagpapasalamat ako na ako ay naging artista."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Eugene, kahapon, September 1, sa thanksgiving party nila para sa press dahil sa success sa takilya ng Wedding Tayo, Wedding Hindi, na nagbukas sa mga sinehan noon lamang Miyerkules, August 31.

Ginanap ang pagdiriwang sa ELJ Building ng ABS-CBN.

TWO MOVIES. Bago pumunta si Eugene sa victory party ay nanggaling muna siya sa screening ng isa pa niyang pelikula kung saan kasama din siya sa cast—ang Zombadings 1: Patayin sa Shokot si Remington.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noon ding Miyerkules nagbukas ang Zombadings na pinagbibidahan naman ni Martin Escudero.

Hindi ba mahirap kay Eugene na dalawang pelikula niya ang magkasabay na ipinalalabas?

"Yung pagpapalabas ng dalawang pelikula kung saan kasama ako ay hindi ko naman kontrolado.

"Pareho naman ang tema na magpatawa ng tao, so bahala na lang yung manonood kung ano ang papanoorin nila," saad niya.

Walang duda na si Eugene ang pinaka-in demand na komedyana ngayon dahil kabi-kabila talaga ang trabaho niya.

May time pa ba siyang magpahinga?

"Kapag sinu-shooting ko kasi ang isang pelikula, nako-control ko yung kalendaryo ko.

"In fact, right after every film, meron akong isang week o three days na vacation. It’s either I go out of town.

"Every year may vacation ako na 15 days. Kailangan kasi nagpapahinga at kailangan din may quality time ka para sa sarilli mo.

"Yung pagkakasabay ng pelikula, hindi ko nako-control at nakakatuwa lang na nangyayari yung ganun."

WORKING WITH TONI. Going back sa pelikula nila ni Toni, puring-puri siya nito. At sa feedback ng mga nakapanood na ng nasabing pelikula, halatang nagbigayan daw sila sa mga eksena at hindi nagpasawan.

Ano ang reaksiyon niya rito?

"Mahusay din kasi si Toni and I can say Toni Gonzaga is a thinking actress," sabi ni Uge.

"May eksena kami na may continuity na tatakbo kami galing sa kuwarto ng bahay, tapos kukunan yung galing na kami sa loob ng bahay at tatakbo kami sa kalye.

"E, nag-break pagkatapos tumakbo galing sa bahay. Tapos sabi niya, nung nag-resume, na kailangan daw hinihingal kami kasi galing kami sa pagtakbo.

"Natutuwa ako sa effort niya na binibigyan niya ako ng technique.

"Gustung-gusto ko talaga yung variation na nakakasama ko si Toni. Hindi naman sa dahil matagal na ako sa showbiz.

"In fact, Toni Gonzaga is an extra-ordinary artist na alam kong mahaba ang itatagal sa industriyang ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung malasakit niya sa trabaho niya, sa mga kasamahan, nakita ko sa kanya yun."

LOVE SCENE WITH WENDELL. Si Wendell Ramos ang gumaganap na asawa ni Eugene sa Wedding Tayo, Wedding Hindi.

Nagkaroon sila ng love scene rito ni Wendell, pero naputol ito dahil sa pagpasok sa kuwarto ng kanilang mga anak.

Hindi ba "nabitin" si Uge dahil sa naputol na eksena?

"Hindi," sagot niya.

"Solved na solved ako dun. Kasi, pangatlo na namin ito together, pero ngayon lang kami nagkaeksena ng ganun.

"Comfortable naman. Bilang babae, ang dali niyang nalabas yung wala kang inhibitions. Bigay na bigay ako.

"But more than that, cut na."

Nagkasama na noon sina Uge at Wendell sa Ako Si Kim Samsoon at Jejemom ng GMA-7.

Single din si Wendell tulad ni Uge. Wala bang posibilidad na maging sila o hindi ba nagpapalipad-hangin sa kanya ang guwapong aktor?

"Hindi naman, pero may pagka-naughty. Pabulong-bulong lang, pero wala namang kagat.

"Seseryosohin mo ba yun?" natatawang sabi ni Eugene.

For the longest time ay single si Eugene. Kaya naman sa mga lumalabas na write-ups sa kanya, sinasabing "atat na atat" na raw siya na magkaroon ng lovelife at magpakasal.

Ano ang masasabi niya rito?

"Hindi naman sa ganun kaatat na sobrang wini-wish ko na magkaroon. Kung ibibigay, ibibigay," sabi niya.

Ano ba ang ideal guy niya?

"Mahirap na kasing magsabi ng qualities, pero pusuan na lang ito.

"Mararamdaman mo naman kung genuinely mahal ka ng lalaking haharap sa ’yo.

"Gugustuhin ka not because you’re rich, famous, and beautiful but because the heart is connected and you listen to the same music."

NO MANAGER. Walang tumatayong manager si Eugene. Mas may advantage ba sa isang artista ang walang manager?

"Right now, sa takbo ng career ko, naa-appreciate ko na wala talaga akong manager na tumatayo.

"Although before may manager ako, si Ricky Gallarado, and a friend also.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Iba rin yung sitwasyon ko ngayon, pero mas nagwo-work sa akin yung walang manager because most of the people that I work with ay nakatrabaho ko na for the longest time. Kaya nakakapag-request ako at nakakapag-hindi.

"But I have my team to coordinate with my calendar, for the creative side, stylist.

"Pero hindi ko sinasabing yun ang gawin ng lahat ng artista, baka sa akin it works yung ganun.

"Maybe after two or three years, I will be needing a manager."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN