Tintin Bersola-Babao confirms talks that she will move to TV5

"Sabi ko nga, life begins at 40. I turned 40 last year. Sabi ko, honestly, iniisip ko magre-retire na ako kasi ang ginagawa ko na lang, radio. Siguro I have other things to do. And then, the offer came from TV5 na ang ganda talaga, na tatlo yung shows, long term yung contract," says Tintin Bersola-Babao about her decision to sign a contract with the Kapatid network.


Bagamat inanunsiyo na ni Boy Abunda na iiwan na niya ang pamamahala sa talent management company na Backroom, Inc., sinabi ni Tintin Bersola-Babao na si Boy pa rin ang kanyang manager at may "final say" sa pagtanggap niya ng product endorsements.

Si Tintin kasi ang napiling maging endorser ng Smart Step, isang bagong brand ng fabric softener at feeding bottle cleanser para babies.

Kuwento pa ng TV personality, noong June lang nagsimula ang negotiation para dito sa ilalim pa rin ng pamamahala ni Boy at ng Backroom.

Nakasaup ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Tintin sa presscon niya para sa Smart Steps kahapon, September 1, sa 55 Events Place sa Tomas Morato, Quezon City.

MOVING TO TV5. Kung may isa mang pagbabago sa career ni Tintin, ito ay paglipat niya sa TV5.

For the longest time ay nakilala si Tintin bilang isang Kapamilya, pero nagdesisyon nga siyang lumipat na ng network

"Basta, this September," banggit niya sa paglabas ng una niyang show sa Kapatid network.

"Matagal ko nang pangarap yung show para sa mga nanay. May pagka-talk show, may pagka-tips."

Dagdag pa ni Tintin, "Isa na akong Kapatid!

"Kahapon ako nag-contract signing, kaya happy ako!"

Three-year contract daw ang pinirmahan niya.

Ano ang dahilan ng kanyang desisyong lumipat?

"E, kasi DZMM ako. DZMM na lang ang ginagawa ko," pagtukoy ni Tintin sa radio station ng ABS-CBN.

"Since eight years na kami ni Julius sa DZMM, aside from that, wala na akong regular TV show, di ba?

"So, ang huli kong regular TV show yung Busog-Lusog at Look Who’s Cooking na Channel 5 din, actually.

"That was 2008 and 2009 pa.

"So, tamang-tama when this came, tinanong nila, ’O, may contract ka pa ba sa ABS? Baka gusto mong gumawa sa Kapatid network?’

"Siyempre, nag-go talaga ako! Nag-yes ako."

Sa pagkakatanda ni Tintin, Magandang Umaga Bayan ang pinakahuling show niya sa ABS-CBN noon pang 2007. At saka siya gumawa ng nabanggit na dalawang shows sa TV5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala raw tampo sa Kapamilya network si Tintin kahit matagal siyang bakante sa TV.

"Wala. Kasi they take care of my husband, Julius. So many shows, he’s a busy person.

"Sa DZMM, I’m practically thankful. Very, very grateful ako kasi I felt so loved and important.

"Kasi lahat ng mga events nila, whether it’s buntis, Congress, breastfeeding, storytelling, tender loving... lagi nila akong tinatawag.

"Kasi I’m always part of these events in DZMM kaya I felt important. So, nare-recognize nila yung talents ko," saad ni Tintin.

Sinabi rin ni Tintin na nag-resign na siya sa DZMM para sa paglipat niya sa TV5.

"Ngayon, sa DZMM, out of parang courtesy and ethics, ganyan, since may radio program rin naman ang TV5... although wala akong radio program doon.

"Parang courtesy na rin nag-resign na rin ako from DZMM.

"Inalok nila ako ng radio program. Sabi ko, maybe after a year na lang."

Eighteen years din daw siyang nanatili sa ABS-CBN.

Sinabi ni Tintin na inalok din daw siya ng GMA-7, pero mas pinili niya ang TV5.

"Siguro yung timing," sambit niya.

"Sabi ko nga, life begins at 40. I turned 40 last year.

"Sabi ko, honestly, iniisip ko magre-retire na ako kasi ang ginagawa ko na lang, radio. Siguro I have other things to do.

"And then, the offer came from TV5 na ang ganda talaga, na tatlo yung shows, long term yung contract.

"Nagawa ko yung uri ng shows na gusto ko talaga, shows para sa mga nanay."

Pero tiniyak ni Tintin na hindi siya gagawa ng news program.

BACK TO ACTING. Nagbiro naman si Tintin na babalik daw siya uli sa pag-aartista.

Binawi niya ito agad, pero ang totoo, kasama pala ito sa posible niyang gawin sa Kapatid network.

"Kasi ang TV5, meron silang partnership with RDM.

"So, tinanong ako kahapon, ’If ever, open ka ba sa possibility?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"E, gumawa naman po ako ng Kung Ako na Lang Sana [2003] with Aga Muhlach and Sharon Cuneta, saka nung Blue Moon [2005].

Anong klaseng role naman ang gusto niyang gampanan?

"Parang ako rin... para lang makita ng tao... Like nung Ako na Lang Sana, para makita naman ng iba yung different facet and personality ko.

"Pero huwag namang drama," saad niya.

Sino ang gusto niyang maging leading man?

"Si Aga [Muhlach]! Si Aga talaga!" mabilis niyang sagot.

Dugtong pa ni Tintin, okay lang naman daw it okay Julius dahil "wala namang kissing scene, e."

MONEY MATTERS. Sinabi rin ni Tintin sa presscon proper na maliban sa kanilang joint account ni Julius, meron din silang kanya-kanyang savings account.

Pero hindi ito nangangahulugang sinasarili lang daw niya ang pera niya.

"Meron rin naman ako," banggit niya tungkol sa gastusin nila sa bahay.

"Yung ibang suweldo sa kasambahay, like si Kat-Kat, yung PA [personal assistant] ko, ako ang nagpapasuweldo.

"Yung yaya, kuryente, katulong, hindi ako ang nagbabayad.

"Pero alam n’yo, yung sinusuweldo ko, nagagamit ko yun para tulungan yung mommy ko na may sakit, yung medicines niya, yung kapatid ko.

"Kasi ako pa rin naman yung nagpu-provide. Tapos yung pag-alaga sa mommy ko, ako ’yan.

"Okey na okey kay Julius. Walang problema at all.

"Walang isyu at all kay Julius kasi ang laki naman ng suweldo niya, di ba?

"Isa naman siya sa mga top anchors talaga [ng ABS-CBN]. Kaya hindi issue sa amin.

"Marunong siyang mag-ano... Pero yung ano niya, hindi naman level ni Noli [de Castro] at ni Ted [Failon], ha!" tumatawa niyang paglilinaw.

PAINTINGS. May mga regalo naman daw si Tintin kay Julius na mula sa kanyang mga kinikita sa endorsements at iba pang projects.

Kuwento niya, "Ayan, paintings... iPad niya. Tapos yung camera niya, yung Lumix niya.

"Nung binili ko yung iPad, P70,000 pa nun, hindi pa siya bumagsak sa P20,000. Kalalabas pa lang ng iPad, P70,000 pa nun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Saka yung paintings. Kasi mahilig siya sa mga paintings.

"Mahal yung mga paintings niya, huh! Six figures! Hundred [thousand] pataas.

"Kasi ito yung mga paintings na talagang Elmer Borlongan, yung mga gawa ng kilalang artist, BenCab [Benedicto Reyes Cabrera].

"Yun kasi ang weakness ni Julius, e. Tapos relo.

"Yung mga paintings, nakalagay lang sa pader, sa sahig. Investments talaga."

Maging ang collection daw ng Japanese toys ni Julius ay tuluy-tuloy pa rin.

Balita nga ni Tintin, nagpatayo na raw ng bagong bahay ang mister niya sa kanilang tinitirhan para lang paglagyan ng mga collection nito.

Hindi ba nila pinag-aawayan o pinagtatalunan ang mga koleksyon ni Julius?

"Hindi," sagot ni Tintin.

Paliwanag niya, "In fact, tama siya, e. Sabi niya, ’Invest mo yung P50,000 na ’yan sa paintings, huwag mong ilagay sa bangko.’

"Kasi one percent lang ’yang 50k in a year, tama?

"Ang ginawa ko, pinag-split ko yung dalawang P50,000, may raket ako.

"Tama, yung P50,000, magkano lang yung one percent nun?

"Yung P50,000 na in-invest ko sa isang mahal na painting, naging P70,000.

"Nandun lang yung painting sa bahay. Pero nagmahal na siya, naging P70,000 na yung value niya. E, di tama.

"Yung Ang Kiukok, ang bili ko dati P75,000 lang. Ngayon, P350,000 na.

"Tama siya. Sabi niya, ’Invest mo diyan sa painting na ’yan.’

"May isa siyang Borlongan, binili niya ng P500,000, ngayon one million [pesos] na yung painting.

"So, tama siya. Galing!" pagmamalaki pa niya sa asawa.

Pero wala pang balak magbenta ng kanilang paintings sina Tintin at Julius. Gagawin lang nila ito pag kailangan na talaga.

ANOTHER BABY? Dalawa na ang anak nina Tintin at Julius—sina Antonia at Antonio.

Gusto pa raw sana nilang magka-baby pa kahit dalawa pa. Kaya lang, nanghihinayang naman si Tintin sa paglipat niya sa TV5 kung magbubuntis siya ngayon.

"Sayang naman, kasi lalaki na naman ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, at least one year na pumayat na uli ako, saka na ulit magka-baby.

"Sayang naman, di ba?"

Apat na endorsements na ang nagagawa ni Tintin. At wala siyang nakikitang posibilidad na magkasama sila ni Julius at ng kanilang mga anak sa isang commercial.

"Bawal siya, e," pagtukoy ni Tintin sa kanyang mister.

"Ay, alam n’yo bang ang dami naming natanggihan dahil gusto ng client, kasama siya?

"Kaya kapag nakikita ko sa TV, ’Ay, sayang, sa amin sana yun.’ Bawal siya.

"Ang strict talaga sa Dos [ABS-CBN] that’s why they compensate it by paying them well."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN