Boy Abunda’s long-time partner Bong Quintana gives his take on why the TV host is leaving Backroom and SNN

Bong Quintana (main photo) on why Boy Abunda (inset) is said to be leaving Backroom and SNN: "Hindi na ba siya magma-manage? Ahm, we started there, ’no? So, hindi gano’n kadaling iwan. Pero sometimes, may mga pagkakataong hindi mo gustong gawin, may ibang nagdedesisyon for you. For now, ganun ang nangyayari kay Boy. Pero, hindi naman siya nagsisisi kasi he’s spending more time with nanay now."


Bukas, September 3, Saturday, ang kauna-unahang beauty pageant ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor ), ang Miss Casino Filipino 2011, na gaganapin sa Grand theater ng Pagcor Airport Road, Parañaque City.

Dalawampu’t siyam na kandidata mula sa iba’t ibang panig ng bansa ang maglalaban-laban para sa titulo at cash prizes.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Bong Quintana, VP for Entertainment ng Pagcor at long-time partner ni Boy Abunda, sa launching mga candidates last Tuesday, maaaring hindi raw ito ang una at huling beauty pageant na gagawin ng Pagcor.

Ginanap ang launching sa Heritage Hotel sa Pasay City.

"As much as possible, I’m praying na magkaroon ng second, third, fourth, fifth, and so forth and so on hanggang nandito [ako].

"Naniniwala ako na marami tayong matutulungan na kakabaihan.

"Kasi, after this, what happens, the 29 official candidates were given already a career opportunity.

"Gusto ba nilang maging miyembro ng pamilya ng Pagcor at Casino Filipino?

"Kung paano? Employement, wether in the entertainment or gaming department. Wether at the corporate department of Pagcor.

"Kung gusto nila, they will decide. Nakahain na ’yan sa kanila," paliwanag ni Bong.

Matatandaang si Bong din ang unang nagdala ng OPM@Pagcor. Ito ay isang malawakang singing contest na sinuportahan ng Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit (OPM) sa pangunguna ng presidente nitong si Ogie Alcasid.

Natutuwa rin si Bong dahil marami siyang natatanggap na suggestion sa kung anong klaseng entertainment, o contest, ang maaaring gawin ng Pagcor.

"Pagcor is open to all the projects, basta makakatulong tayo sa sambayanang Pilipino," saad niya.

LEAVING BACKROOM. Bago pa napunta sa Pagcor si Bong, katuwang siya sa pamamalakad ni Boy sa talent management company ng TV host—ang Backroom, Inc.

Talent management company ito na humahawak sa career nina Gretchen Barretto, Ariel Rivera, Rufa Mae Quinto, Erik Santos, Mariel Rodriguez, Tintin Bersola, at marami pang iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nabalita ngang iiwanan na ni Boy sa kanyang loyal employees ang pagpapatakbo ng kanyang kumpanya. (CLICK HERE to read related story.)

Nang usisain ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bong tungkol dito, naging matipid muna siya sa pagbibigay niya ng detalye sa balitang magreretiro na bilang talent manager ni Boy.

"In as much as I would want to answer that, siyempre, pagagalitan ako ni Boy kasi pinangunahan ko naman siya," nangingiting bungad niyan.

"Hindi na ba siya magma-manage? Ahm, we started there, ’no? So, hindi gano’n kadaling iwan.

"Pero sometimes, may mga pagkakataong hindi mo gustong gawin, may ibang nagdedesisyon for you.

"For now, ganun ang nangyayari kay Boy.

"Pero, hindi naman siya nagsisisi kasi he’s spending more time with nanay now.

Ang tinutukoy ni Bong ay ang ina ni Boy na si Nanay Lesing.

"Papagpahingahin na natin si Boy," tugon pa ni Bong sa mga tanong kung inuunti-unti na ba ni Boy ang pag-iwan sa kanyang kumpanya.

HE KNOWS. Alam na raw ito ni Bong. Katunayan, kinukonsulta rin daw siya ni Boy tungkol sa desisyon nito.

"Yeah, he did. I mean, the few times we see each other. Oo, kinukonsulta pa rin niya ako.

"Sabi ko, ’Baby, whatever you feel would be helpful to the staff, to you, to me, to us. Let’s go for it!’" sabi niya.

Ibig sabihin, official na ang pagre-retire ni Boy sa opisina niya?

"Ahm, oo. Yung mga staff na ang nagha-handle," kumpirma niya.

Marami ang naniniwalang malaki ang naging epekto ng pag-alis ni Bong sa Backroom para i-give up na rin ni Boy ang pamamalakad dito. Pero, itinanggi ito ni Bong.

"Hindi. When I left Backroom, talagang nahirapan din siya.

"Kasi medyo maski ganito lang ako, e, nakakatulong din ako," nangingiti niyang sabi.

ON MY OWN? May mga nagsasabing kaya nilisan ni Bong ang opisina ni Boy ay para makapagsimula ng sarili niyang career. Totoo ba ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"No naman. Whether if I start on my own in Pagcor, I’ll be attached to Boy, hindi, di ba? Emotionally or otherwise," pahayag niya.

Ikinagulat lang ni Bong ang nalamang iiwan na rin ni Boy ang late-nigh showbiz news program nito sa ABS-CBN na SNN.

Hindi makapagbigay ng comment dito si Bong.

"A, talaga? Iiwan na niya? Let’s see. Let’s see," ngiti pa niya.

Uumamin din si Bong na ikinonsulta na rin sa kanya ni Boy ang tungkol sa nabanggit na nightly 30-minute show nito.

Lumalabas din sa mga bali-balita na ang ititira na lang ni Boy na shows niya ay ang The Buzz at ang Bottom Line.

"Naku, si Sir Boy na lang ang tanungin natin. Pero parang... I’m not confirming anything, buti tingnan natin," sabi niya.

Sa pagkakaalam ni Bong, ang pinaka-main reason kung bakit magbabawas ng trabaho niya si Boy ay para sa ina nito.

"Kahit naman ako, gagawin ko rin yun," sambit niya.

REASON FOR LEAVING BACKROOM. Para hindi magkaroon ng samu’t saring issue, ipinaliwanag ni Bong kung bakit iniwan niya ang isang talent management para sa isang trabaho sa Pagcor na may plano ring mag-handle ng talents.

"Hindi ba it’s about time that we don’t think of ourselves anymore?

"It’s about time we think of touching more lives of the Filipino people.

"Kasi, whether we like it or not, ang Backroom private ’yan, di ba?

"So when we go to government office, mas marami kang [matutulungan].

"Tingnan mo ngayon ito, Luzon, Visayas, at Mindanao, naiiba namin yung takbo ng buhay. Mas maganda yun.

"It is not that I’m earning a lot, ’no? I’m thankful for what Pagcor is giving me.

"Pero, it’s more on the service. My service to my country and to the Filipino people.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"That’s what matters now," eksplika niya.

28 YEARS. On the lighter side, kahit raw abala sila sa kani-kanilang careers ni Boy, naisisingit pa rin nila ang kanilang romantic moments na dalawa.

Sabi nga ni Bong, hindi na raw importante sa kanila ang sex ni Boy.

"Magti-thirty anyos [as lovers-partners] na kaming magkasama ni Boy.

"Hindi na importante yun. Ang importante, yung pagmamahalan namin sa isa’t isa.

"No... Pero may mga nakaw na sandali rin kami ni Boy sa bahay siyempre," pagsisiwalat niya.

Officially, nasa 28 years na raw ang kanilang relasyon ni Boy, ayon kay Bong.

"We’re on our 28th [year] actually this November 3. That’s our anniversary.

"October 29 siya, e."

Wala pa raw silang plano para sa detalye ng kanilang anniversary.

"Sa ngayon wala, e. We take it one day at time. Pero, exciting, di ba?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN