Nora Aunor defends Suzette Ranillo in reported squabble among the Superstar’s team of managers and handlers

On the possibility na may naiinggit kay Nora Aunor at sa mga malalapit niyang kaibigan na may kinalaman sa pagma-manage sa kanyang career, ito ang pahayag ng Superstar.


"Hindi inggit. Mabuti kung ibang tao, e, hindi, e. Kung sino pa yung kamag-anak," says Nora (in photo, with Suzette Ranillo), without naming names.


Superstar Nora Aunor has come to the defense of actress Suzette Ranillo who was involved in a reported squabble among Ate Guy’s team of managers and handlers.

PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) spoke with the Superstar sa set ng kasalukuyang tini-tape na mini-series ni Ate Guy, ang Sa Ngalan Ng Ina para sa TV5 kahapon, September 2.

Muling bumisita ang PEP sa location ng taping sa Taal, Batangas, and had an informal interview with the actress during taping breaks.

Noong Martes, August 30, ay nakausap mismo ng PEP si Suzette, at nilinaw niya at ni Boy Palma ang naglabasang ulat ng diumano’y "kaguluhan sa pagma-manage" daw kay Nora. (CLICK HERE to read related story.)

It turns out, ang issue ay between Suzette and Nora’s cousin, Maribel "Lala" Aunor, who reportedly disapproved of Suzette as Nora’s business manager.

Lumilitaw na "biktima" ng mga maling paratang at intriga si Suzette, matapos maklaro na siya pa rin ang pinagkakatiwalaan ni Ate Guy pagdating sa kanyang mga professional business deals.

Nagsimula ito sa pagbabalik ni Nora sa bansa noong August 2, na may mahalagang bahagi ni Suzette, along with German "Kuya Germs" Moreno, sa major offers ni Nora Aunor sa Scenema Concepts, Inc.para sa pelikulang El Presidente with Laguna Governor ER Ejercito, at sa TV5 Kapatid network para sa bubuksang mini-series na Sa Ngalan Ng Ina, na kasalukuyang itini-tape ni Nora sa direksiyon ni Mario O’Hara.

Tila ayaw tantanan ng malisyosong pag-uulat si Suzette.

Nabanggit ni Boy Palma, personal manager who handles Ate Guy’s schedules, na aniya’y "depressed si Suzette. Iniintriga na naman kasi siya, may malaking pera daw siyang nakuha kay Guy kaya sila nag-away ni Kuya Germs."

On Suzette’s part, sa naunang interview ng PEP sa kanya ay nilinaw na niya ang tungkol sa "non-issue" sa pagitan nila ni Kuya Germs.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Na aniya’y nagkausap na sila ng tumatayong over-all manager ni Nora, at si Kuya Germs pa ang nagsabi sa kanya na "huwag pansinin" ang mga lumalabas na ulat.

Pero ang tungkol sa usapin hinggil sa salapi at pagtanggap nito, at the expense of her long-time friendship with Nora Aunor, is something that Suzette couldn’t take. Lalo’t apektado rin sa intriga ang kanyang ina, the respected veteran actress Gloria Sevilla.

IN DEFENSE OF A FRIEND. Mismong si Ate Guy na ngayon ang nagtatanggol sa kanyang kaibigang aktres.

"Hindi naman totoo ’yon," sabi ni Nora.

Ang paglilinaw ni Guy about Suzette ay minsan lang daw niyang gagawin. So, once and for all...

"Wala ’yon. May mga hindi lang pagkakaunawaan. Kung minsan, kahit naman sa magkakapatid, merong hindi pagkakaunawaan," rason ni Ate Guy, pointing out na ang sinasabing "away" nina Suzette at Kuya Germs ay maliit na bagay at hindi sangkot ang malaking halaga.

Kung ang pinsang buo ni Nora na si Lala Aunor ay wala na ngayon sa kanyang poder, si Suzette ay nananatiling kagrupo nina Nora, Boy Palma, at Kuya Germs.

"Oo naman. Siyempre naman.

"Natural lang na... nagkakatampuhan [ang magkakaibigan].

"Ang naiisip ko kina Suzette at Kuya Germs, may mga hindi [sila] pagkakaintindihan na natural lang ’yon. Kasi, di ba?

"Ano’ng balita na ganu’ng kalaking [halaga] daw ang kinuha ni Suzette? Unfair naman sa tao ’yon," sabi pa ni Ate Guy, without going into much detail.

CONFRONTATION. Sa mga sumunod na pahayag ni Aunor ay lumitaw na ang isyu ay nagmula sa naging alitan, hindi nina Suzette at Kuya Germs, kundi between Suzette and Lala.

On the possibility na may naiinggit kay Nora at sa mga malalapit niyang kaibigan ngayon, na may kinalaman sa pagma-manage sa kanyang career, ito naman ang naging palagay ng Superstar:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi inggit. Mabuti kung ibang tao, e, hindi, e. Kung sino pa yung kamag-anak," sabi ni Nora, na wala namang tinukoy na pangalan.

Pero sa mga nakakaalam, batid nilang si Lala ay dating kabilang sa grupo ni Nora, bilang katuwang (kundi man self-appointed) na co-manager ni Kuya Germs.

At si Lala ay mayroon ding pakikipag-ugnay sa ilang taga-media na naglalabas ng mga "kasiraang ulat" laban sa superstar-actress. Kakampi diumano ngayon ni Lala ang detractors ni Ate Guy.

Ayon kay Nora, "Ang alam ko, si Suzette talaga ang unang pinaalis nila, e. Kinunfront si Suzette. Yun ’yon, e. Naawa nga ako sa tao."

Naganap daw ’yon nang may pinuntahang meeting with advertisers si Nora. May ilang alok kasi ang aktres para mag-endorso ng produkto.

"Lahat ng mga nakapaligid na naman sa akin, talagang gusto nilang... pinapaalis na naman. E, nagtatrabaho lang naman yung [mga] tao," sabi ni Ate Guy.

Base sa kasalukuyang kaganapan with Kuya Germs, Boy Palma, and Suzette, tila kampante at masaya naman si Nora sa ginagawa, na may focus siya sa kanyang tuluy-tuloy na pagtatrabaho.

CASINO ISSUE. At bago matapos ang interview ng PEP, malaya ring sinagot ni Nora ang naglabasang ulat lately tungkol sa mga ispekulasyon at blind items na tumutukoy sa kanya na diumano’y muling nakitang naglaro sa casino.

In her statement ay may pagkuwestiyon si Nora hinggil sa napaulat.

"Nagpatalo pa daw ako ng 300 thousand [pesos]? Yun yung naka-blind item!" natatawang sabi ni Ate Guy.

"Wala na nga akong oras, e!" sabi pa niya.

Si Boy Palma ang sumunod na nag-react. "Hindi nga kami makaalis, dahil sa schedule, e," sabi niya.

Sa mga araw na nakabisita ang PEP sa taping ni Nora para sa Sa Ngalan ng Ina, napatunayang ang taping ni Nora ay tuluy-tuloy, mula umaga hanggang sa cut-off time ng pagtatrabaho ni Nora—hanggang 12 midnight, o kung may kailangang tapusing malaking eksena up to around 3 a.m.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kinabukasan, maliwanag na pag-uwi niya at isang araw lang ang ipagpapahinga ni Ate Guy at kailangan na naman siyang matulog nang maaga for an early morning call time.

Halos ganito raw ang daily schedule ni Nora, thereby proving na wala siyang panahon sa ibinibintang na pagdi-dibersiyon sa casino.

Hangga’t maaari ay ayaw nang sagutin o bigyang-komento ni Nora ang itinuturing na pag-atake mula sa kanyang detractors.



"Para tayong mga batang sagutan nang sagutan. Lalabas din naman ang totoo niyan, e," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN