Nova Villa says she won’t retire anytime soon: "Mukhang tatagal pa ako rito sa showbiz. Sabi ko nga, it’s a mission."

Nova Villa shares her conversation with die-hard fans of the ’80s sitcom, Chicks to Chicks.

"Sinasabi nila, ’Nova, kapag napapanood kita sa TV, nakakalimutan ko ang rayuma ko, ang arthritis ko. Kasi, tawa ako nang tawa. Puwede ba, ibalik na ang Home Along da Riles, puwede ba, ibalik na ang Chicks to Chicks?’" she says. "E, ’yan na ang mga gusto ng mga l




Masayang-masaya ang veteran actress na si Nova Villa sa pagta-trabaho niya sa Kapuso pre-primetime show na Futbolilits.

Kahapon sa press visit sa set ng serye sa may Parañaque, nakangiti niyang ikinuwento ang mga projects niya.

Hindi pa man tapos ang Fubolilits ay may lagare na siya agad sa bagong primetime series, tentatively titled Sundo. Ito ay pagtatambalan muli nina Dingdong Dantes at Rhian Ramos.

Posible raw na next week na ang start ng taping nila for Sundo after their storycon. Tuesday-Thursday-Saturday ang taping niya for Futbolilits at sa remaining days naman niya ay para sa Sundo.

However, twice a month ay posible raw magsabay ang taping ng dalawang serye.

Hindi ba siya napapagod sa dami ng kanyang trabaho?

"Alam niyo hindi," nakangiti niyang sinabi sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Naranasan na rin daw niyang magpahinga like two years na guesting-guesting lang. Sa taping naman, may cut-off time siya na 2:00 A.M.

"Meron akong cut-off, alas-dos. Pero minsan hindi naman nasusunod, so, kinalimutan ko na yun," natatawa niyang sabi.

"Noon kasi, nagbe-vertigo ako, sa sobrang puyat. Tapos, noong bandang-huli, nawala. Siguro napahinga. Kasi noon talaga, walang tulugan like sa Nita Negrita namin. Pero ngayon, umokey.

"Actually, alam naman nila na hanggang 2:00 AM [lang ako]. Pero minsan, may mga eksena na talagang napaka-importanteng kunan. Nahihiya naman ako na, para bang mapuputol yung momentum mo.

"E, dramang-drama na ang kasama mo tapos, bigla kang uuwi. Pero kapag talagang hindi ko na kaya, kapag nagsunod-sunod na, ako na mismo ang nagsasabi, ’Direk, hindi ko na po kaya.’ Tapos, tawang-tawa sila sa akin. Kasi, I’m honest [enough] to tell them.

"At saka, nakikita na rin sa camera na pungay-pungay na ang mata ko."

Sa Futbolilits, puro mga bata ang karamihan sa cast at kasama niya. Pero ayon sa veteran actress, lahat naman daw ay masasabi niyang behave.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Magagaling ang mga PA namin dito, mga staff, napapa-behave naman."

Natatawang ibinuko rin nito na among the kids, si Yogo Singh daw talaga ang pinaka-makulit.

"But I think, they like what they are doing. Mahirap kapag pinatulog mo ng 12 midnight. Para kang nasa nursery. Ang mga bata, mahirap gisingin. "

Aminado naman siya na there are times, iniisip din daw niya ang panahon na gusto na rin niyang mag-retire from acting or from showbiz pero tila may pumipigil sa kanya na gawin ito.

Aniya, "I guess, all artists, ’yan ang iniisip. Hindi madali ang maging artista talaga. Akala lang ng tao puro glamour, which is not. Siyempre, may mga iba ka pang ambition. Something like ako, mahilig akong magtanim, mahilig akong manahi.

"Nagagawa ko pa rin naman yun. Basta wala akong taping, takbo na ako sa Tagaytay, sa Amadeo. Pero nakikita ko, mukhang tatagal pa ako rito sa showbiz. Sabi ko nga, it’s a mission. Merong kang mission sa mga tao."

Nai-inspire pa nga raw siya kapag nakakausap niya ang mga televiewers.

"It’s because karamihan sa mga nakakausap ko, mga lola at mga nanay.

"Yung mga fans ng Chicks to Chicks [’80s sitcom]. Sinasabi nila, ’Nova, kapag napapanood kita sa TV, nakakalimutan ko ang rayuma ko, ang arthritis ko. Kasi, tawa ako nang tawa.

"’Puwede ba, ibalik na ang Home Along da Riles, puwede ba ibalik na ang Chicks to Chicks?’ Kasi, ito ang mga old type of sitcoms.

"E, ’yan na ang mga gusto ng mga lola, nakaka-relate sila sa ganoon. Hindi katulad ng ibang sitcom ngayon, iba na rin."

Dugtong pa niya, "Plus the producer, gusto ka pa rin ng mga producer. Tinitingnan ko rin ang stamina ko. E, nandoon pa rin ang energy. Nagagawa ko pa."

Ang nag-iisang anak nilang mag-asawa ay naninirahan na sa U.S. kasama ang mga apo nila. Pero kahit ilang beses na raw siyang nag-travel abroad, hindi raw niya nagugustuhan manirahan doon ng permanente or matagal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, "Dati pa akong nag-a-abroad. Pero, hindi ko naman magustuhan doon. Yung kaisa-isang anak ko, nandoon, apat ang apo ko ro’n. Dinadalaw-dalaw ko.

"Siyempre, gusto nila ko ro’n. Ako ang cook, yaya. Tuwang-tuwa naman kapag nandoon ako at nagluluto ako. Makakatikim na naman daw ng sinigang, lutong-bahay."

Pero ayon sa kanya, iba pa rin daw kasi ang manirahan sa sariling bansa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN