Max Collins: The actress formerly known as Isabelle Abiera relaunches her career with new manager and network

Isabelle Abiera is now Max Collins. When her contract with ABS-CBN ended last year, she went to the U.S. to figure out what she wanted to do. When she returned, she signed up with PPL Entertainment management, changed her screen name and confirmed plans to join GMA-7.


Pinakabagong talent ng PPL Entertainment, Inc. si Max Collins.

Bagamat baguhan, malaki ang nakikitang potensiyal ng PPL kay Max dahil bukod sa looks, may maipapakita rin itong kakayahan sa acting at hosting.

Although nakagawa na rin ng ilang shows sa ABS-CBN, umalis si Max sa showbiz at ngayon ay bumalik siya para i-re-relaunch ang kanyang career sa pangangalaga ng PPL o ni Perry Lansigan.

Nakilala rin siya noon bilang si Isabelle Abiera, hango sa tunay niyang pangalan, Isabelle Abiera-Collins. Pero sa kanyang pagbabalik, makilala na siya sa bagong pangalan niyang Max Collins.

Nakausap ng PEP.ph (Philippines Entertainment Portal) si Max nang makasama siya sa pictorial ng PPL talents last month sa Hacienda Isabella.

Ayon kay Max, "Bagong start po kasi ito para sa akin. Sa ABS, nakilala ako bilang si Isabelle Abiera. Pero umalis din po ako, pumunta ako ng U.S. Kababalik ko lang. This is a fresh start."

Noong nasa U.S. daw siya, nagtrabaho siya sa company ng tita niya. At that time raw, hindi pa siya sure kung ano talaga ang gusto niyang gawin.

Aniya, "Hindi pa ako sigurado noon. Nang bumalik ako, doon ko lang nalaman na ito [showbiz] talaga, ito talaga ang gusto kong gawin."

Naging bahagi si Max ng Star Magic batch 15. Kasabay raw niya noon sina Jessy Mendiola at Martin del Rosario.

Naging happy naman daw siya during her stay there. Although now, napi-feel daw niya na posibleng mas maraming opportunity for her outside ABS-CBN.

Alam daw niyang maraming talents ang ABS although, hindi raw niya itine-take negatively kung hindi man siya masyadong na-push noon.

Aniya, "Ako kasi, I believe that it was not meant to be. Yung favoritism naman, I guess, kahit saan channel, meron. So, if it’s really not your time..."

AMICABLE. Last year pa raw nag-end ang contract niya sa Star Magic; para kay Max, it was an amicable parting.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi po ako nag-renew. Nag-isip muna po ako and then, yun nga po, naisipan ko pong mag-transfer kay Sir Perry. Kasi po kay Sir Perry, feeling ko po, tututukan niya ’ko.

"Gusto ko rin po ang family bonding ng PPL. Nagtutulungan sila. It’s about caring for each other, not just the work."

Kinumpirma rin ni Max that she will be joining the Kapuso network.

Nagkataon naman na first time ni Maxs na makasama ang ibang PPL talents, sa naturang pictorial, tulad nina Dingdong Dantes, Gabby Eigenmann, Geoff Eigenmann, Jolina Magdangal, Angelika dela Cruz, at iba pa, kaya talagang kinakabahan daw siya.

Pero ayon sa kanya, "Sobrang thankful po akong talaga nang tanggapin ako ni Sir Perry sa management niya. Tapos kanina po, talagang kinakabahan po ako, sobra.

"Pero na-feel ko po ang pag-welcome nila, sobra. Very happy po ako and excited na mag-umpisa."

BIRTHDAY WISHES. Noong August 28 Max turned 19 at kasama na nga siya sa mga August celebrants ng PPL na sinorpresa ng cake at kinantahan ng "Happy Birthday."

Ito naman ang birthday wish ni Max:

"Sana po itong taong ito, dumating na yung swerte na matagal kong hinihintay. Sana makapag-umpisa ako ulit, tapos tuloy-tuloy at dire-diretso ang trabaho ko."

Ready ba siya kung bibigyan siya ng mature or sexy roles?

"Siguro po, depende naman sa management kung ano ang ibibigay nila sa akin.

"Sa sexy po, siguro po. Hindi po ako ganoon kakumportable pero depende rin po kung anong level.

"Open naman po ako. I don’t wanna close the door."

Sa ngayon, gusto raw ni Max na maipakita ang kapasidad niya sa drama.

When asked who among the female stars ang gusto niyang gayahin ang career path, si Anne Curtis ang sagot niya.

"Gusto ko yung lahat ng characters na portray na niya. Gusto ko lang ang takbo ng career niya. Hanggang ngayon, nandoon pa rin siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Claudine Barretto rin, of course."

Mabilis naman ang naging sagot ni Max sa tanong kung sino naman among the Kapuso actors ang gusto niyang makasama o makapareha.

"Si Dingdong Dantes!" ang nakangiti niyang sabi.

Pero biro namin sa kanya, ’di kaya dahil kasama niya lang ito sa PPL?

Ayon kay Max, "As an actor, I admire him. Iba kasi yung aura niya sa TV. Maybe I can learn from him as an actor.

"Pero siyempre, since I’m just starting, I would love to work with different actors, actresses."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN