Carl Guevara teams up anew with Jennica Garcia in upcoming series

Carl Guevara (top photo) had an intimate birthday dinner with his closest friends and fans, who call themselves Carlnatics (bottom photo), at Papa John’s Pizza on September 3. Carl’s real birthday is on September 2.


Yesterday, September 3, Carl Guevara had an intimate birthday dinner with his closest friends and fans, who call themselves Carlnatics, at Papa John’s Pizza.

Carl’s real birthday was on September 2 which he spent with his family.

"Actually, may iba pa sana [kaming kasama na] close ako, na kilala ko, kaso nasa ibang bansa. Pero kanina, nakausap ko rin sila by phone," ang kwento ni Carl sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"Tapos ngayon, masaya ako at naragdagan na sila — yung mga sumoporta sa akin noon pa sa Be Bench Model Search at hanggang ngayon ay nandiyan pa rin sila.

"Ngayon naman, since birthday ko, parang pasasalamat ko na rin sa mga suportang ibinibigay nila sa akin," aniya.

He had earlier celebrated his 22nd birthday with his family.


"Nag-celebrate kami ng birthday ko. Sa bahay sana ng kuya ko sa Angono para kumpleto kami. May pamangkin na kasi ako, dalawa. Kaso, hindi natuloy kaya ginawa na lang namin sa bahay [ko]."


Last year, nagkaroon talaga ng big party si Carl dahil 21st birthday niya. Pero this year, mas pinili raw niyang talaga mag-celebrate with family and close friends niya from Carlnatics.


His birthday wish?


"Ano lang, good health. Kasi ’di ba, yun ang importante, good health. Tapos tuloy-tuloy lang sana ang mga projects para makapag-ipon, dahil dream ko rin na magkaroon ng sariling bahay."


Masaya naman si Carl dahil halos hindi siya nababakante sa projects. After ng Blusang Itim, may follow-up project siya agad sa GMA-7, ang primetime series na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes, tentatively called Sundo.


"Nagkaroon na kami ng storycon noong September 1. Noong malaman ko na kasama ako rito, masaya talaga ko. First time ko to work with Dingdong Dantes, kahit na pareho kami ng management, sa PPL Entertainment, Inc.

Carl is nervous but looks forward to working with Dingdong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi siya ang kuya namin sa PPL. First time ko siyang maka-trabaho. Alam ko na may matututunan ako sa kanya ... paano umarte, paano mas maging professional. At the same time, mas makaka-bonding ko pa siya ro’n. Tapos, kasama ko rin muli si Jennica Garcia, so, masaya talaga."


Balik-tambalan nga silang muli ni Jennica.


"Noong malaman ko yun, talagang natuwa ako. Excited. Kasi, dati, siya ang palagi kong nakakasama. Tapos, nagkaroon kami ng Blusang Itim, siya ulit ang nakaka-partner ko. Tapos dito, siya ulit. Masaya dahil kahit papaano, kabisado na namin ang isa’t-isa."


New look si Carl ngayon sa bago niyang gupit. Hindi raw siya agad nakilala ni Jennica nang dumating siya sa storycon.

"Tapos na yung storycon nang lumapit siya sa akin. Hindi raw niya ako nakilala kasi bago raw ang gupit ko. Nagkamustahan kami and yun nga, masaya naman kami na magkakasama na naman kami."

Excited din si Carl sa role niya sa Sundo kunsaan, ang character niya ang magiging twist sa kuwento. May pagka-Patrick Swayze sa pelikulang Ghost ang gagampanan niya. Ang role naman ni Dingdong ay mala-Angel of Death.

On the other hand, ilang series na rin ang pinagtambalan nila ni Jennica. Puwedeng bang sabihin na may nakikita talagang chemistry sa kanila ang GMA-7?

"Sa palagay ko, oo. Kasi, kung wala naman kaming chemistry, bakit kami ang pinagsasama sa show. At saka, kahit papaano, may mga fans na rin talaga ang loveteam namin ni Jennica," ani Carl.

"Kapag may nakakakita sa akin, halimbawa sa show, tinatanong talaga nila kung kailan kami magkakasama ni Jennica. Kahit yung mga fans ko na kasama ko ngayon, si Jennica rin ang gusto nila."

Silang dalawa kaya ang magkagustuhan in the end?

"Siyempre, ’yan ang bagay na hindi ko masasabi ’di ba? Kung sa maganda, mabait — maganda at mabait si Jennica," nakangiti niyang sagot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Consistent naman si Carl sa pagsasabing loveless pa daw siya.

"Loveless pa rin, pero okay lang. Hindi ko puwedeng sabihin na hindi ako inspired dahil inspired naman ako sa trabaho ko. Very thankful ako sa lahat ng mga nangyayari sa career ko. So, doon muna talaga ang focus ko.

Dugtong pa niya, "Kapag meron naman akong lovelife, sasabihin ko sa inyo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN