Angelica Jones’s mom denies rumors that she plans to sue talk show host Lolit Solis

Ayon kay Evita Alarva, a.k.a. Beth Jones (ang nanay ni Laguna Board Member Angelica Jones), walang dahilan para idemanda niya si Lolit Solis, ang host ng Startalk, dahil magkaibigan sila. Ito ay taliwas sa balita na galit na galit daw siya nang marinig ang report ni Lolit sa dzBB at dzRH na nagbebenta diumano si Beth ng tuko.


Kahit marami ang nagpapatunay na may plano siya na idemanda si Lolit Solis dahil sa radio report nito na pagbebenta ng tuko ang kanyang negosyo, nanindigan ang nanay ni Laguna Board Member Angelica Jones na walang katotohanan ang balitang pagdedemanda.

Ayon kay Evita Alarva a.k.a. Beth Jones, walang dahilan para idemanda niya ang host ng Startalk dahil magkaibigan sila, taliwas sa balita na galit na galit daw siya nang marinig ang report ni Lolit sa dzBB at dzRH.

Sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Tingnan mo, pinalalaki ang isyu. Kay Manay Lolit, sorry po, hindi ako nanonood ng TV dahil busy ako sa pagpa-public servant. At hindi rin ako nakikinig ng radyo o nagbabasa ng diyaryo. Ngayon ko lang nalaman na idedemanda ko si Manay Lolit.

"So, bakit ko naman siya idedemanda? Unang-una, wala naman akong nakikita na ginawa niyang masama sa akin. Kung meron man, hindi ko alam.

"Wala akong plano at saka, bakit ko idedemanda, e, magkaibigan naman kami ni Manay Lolit?

"Talaga naman nauso ang tuko. Ako, natuwa lang ako kasi hindi pa ako nakakita ng tuko. Bumili ako ng maliit, inalagaan ko. So, yun inalpasan ko uli siya. Nandoon lang sa house namin pero gusto kong i-clear, may lumabas na isyu.

"Dyusko, masyado naman akong sikat, na milyon-milyon daw ang kinita ko sa tuko, tapos hindi raw ako makapagbayad sa katulong.

"My God, sorry, wala akong ibinebenta, kahit isang tuko. Swear to God, mamatay na kaming mag-anak pero salamat sa mga writer kasi pinasisikat n’yo ako.

"Sa totoo lang, kung ako’y nakabenta ng tuko at ako’y merong kinita, No. 1 ang mga PRO ko, imbitado ko. Siguradong may pa-despedida ako. E, wala naman, kahit isang pera."

Malinaw ang sinabi ng ina ni Angelica na hindi totoo na kakasuhan niya ng libel si Lolit pero sa kanyang mga sumunod na pahayag, may babala siya sa mga miyembro ng media na nag-report na nagbebenta siya ng tuko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, kinukuha namin isa-isa ang ebidensya na nagbalita sila nang ganoon kasi... hinihiling ko lang sa ating mga media, bago tayo magbalita, kuhanin natin ang magkabilang sides.

"Pangalawa, huwag tayong padala sa mga balita, lalo na kung nabigyan ka, lalo dito sa amin, may namimigay. Kami, hindi kami namimigay ng pera. Lalaban kami sa tamang laban.

"Sabi nga ni bokal [Angelica], nakipaglaban siya noong 14 years old, the truth will prevail. Sixteen years old, nakipaglaban siya sa isang congressman.

"Isa pa, ayaw nitong patulan ni board member kasi naaawa siya sa mga katulong pero kung hindi ito titigil, lalo na ang mga media na nagbabalita ng hindi totoo, actually, inisa-isa na ngayon ng mga staff namin...

"Dadaan kami sa proseso, padadalhan namin sila ng sulat at iimbitahan. Hindi kasi ito showbiz, isa itong political career ng isang tao na handang maglingkod na sinisira ng mga kalaban.

"Kung mapapaimbestigahan namin na ang ang mga taong ito ay naaabutan, hindi ko sinabi na nabayaran sila at baka mapademanda ako ng libel.

"Kung sakali, kasi may mga tao na kami na lumalabas na nag-iimbestiga, humingi si bokal ng tulong sa isang senador. Iniimbestigahan niya ito, kung sinuman ang nasa likod nito. Hindi lang idedemanda, ipakukulong.

"Sa ngayon, kay bokal, ayaw niya magdemanda. Tama na yung mag-public servant siya pero sa aming lawyer, dapat bigyan ng leksyon ang mga taong ganito.

"Si Manay Lolit, sa totoo lang, sinasabi ko sa inyo, wala akong alam na nagbabalita siya nang ganoon.

"Kilala naman kami ni Nanay Lolit, so hindi ko alam ang mga isyu tungkol sa isyung ’yan. So saan nila nakuha ’yan na ako’y magdedemanda sa kanila?

"Yung kay Manay Lolit, wala pa naman akong nakuhang ebidensya na diyaryo o anumang balita so walang katotohanan na idedemanda ko siya.

"Marahil tatawagan ko siya at ’Nay, bigyan mo naman ng panig ang anak ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN