Former employees of Angelica Jones claim Beth Jones is into trading geckos

Contrary to Beth Jones’s statements that she does not own geckos, two former employees of her daughter Angelica Jones claim that she does own and trade geckos.


Kinontra nina Nikkinita Aquino at Pastor Belen, Jr. ang denial ng ina ni Laguna Board Member Angelica Jones na si Beth Jones na hindi ito nag-aalaga at nagbebenta ng tuko.

Si Nikkita ang ex-personal assistant at si Pastor ang former personal driver ni Angelica na nagrereklamo na hindi sila pinasuweldo ng controversial board member ng Laguna. (Click HERE and HERE for related stories.)

Pinabulaanan ni Evita Alarva aka Beth Jones, ang nanay ni Angelica, na nag-aalaga at nagbebenta siya ng tuko. Itinanggi rin niya ang balita na idedemanda si Lolit Solis ng libel dahil sa report nito na pagbebenta ng tuko ang kanyang negosyo.

Sa interbyu ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sinabi ni Beth na hindi pa siya nakakakita ng tuko na mabilis na kinontra ng mga dating tauhan nila ng kanyang anak. (CLICK HERE to read related story.)

Inamin nina Nikkinita at PJ na sila ang mga nag-aalaga at nagpapakain sa mga tuko na inaangkat daw ni Beth mula sa iba’t ibang probinsiya.

Ang pakainin ang mga tuko raw ang routine ni Pastor tuwing umaga.

Kuwento niya, "Ang pakain po nila sa tuko, e, atay ng manok. Tuwing umaga, tapos po, nag-aano po ako ng vitamins na Tiki-Tiki.

"Yun po ang ginagawa kong tubig para mainom ng tuko. Tapos po yung itlog ng manok, binubutas ko po yon tapos inilalagay ko sa isang pinggan.

"Mga sampu po ang bilang ng mga tuko noong nandoon ako. Kapag namatay, itinatapon na lang po.

"Minsan, nagagalit sila sa akin kapag namamatay ang mga tuko. Sabi nila, pinatay ko yung tuko. Bakit ko naman papatayin yung tuko?

"Delikado rin po kapag nangagat ang tuko. Baka po may rabies o kamandag kaya minsan po binubugaw ko muna. Nagsusuot din ako ng gloves.

"Alam po namin na bawal mag-alaga ng tuko pero sa isip namin, e, trabaho lang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinatotohanan ni Nikkinita ang mga kuwento ni Pastor sa PEP.

Sinabi ng dating personal assistant ni Angelica na nakatoka rin daw sa kanya ang pagpapakain sa mga tuko.

Aniya, "Nagpagawa nga po si Madam Evita ng malaking kulungan para sa mga tuko. May mga magpapatunay po.

"Yung nagtatrabaho sa bottle school. Sila po ang gumawa ng bahay ng mga tuko.

"Alam po ni Bokal Angelica na nag-aalaga ng tuko ang nanay niya. Palaging sinasabi ni bokal na busy lagi sa tuko ang nanay niya.

"Madam Beth, huwag naman ho kayong magsinungaling. Kung totoong tao kayo, huwag kayong magsinungaling.

"Kami ang nag-aalaga ng tuko. Kami ang nagpapakain, kami ang naglilinis.

"Paano ninyo masasabi na hindi n’yo alam kung ano ang tuko?"

Naungkat ang pag-aalaga diumano ng tuko ni Beth dahil sa isyu na ginagamit niya umano sa mga personal na lakad ang government vehicle (Ford Everest SGV 762) na naka-assign sa kanyang anak.

Nang tanungin sina Pastor at Nikkinita kung may nalalalman sila sa paratang laban sa nanay ni Angelica, sinabi ng dalawa na wala silang alam pero madalas daw pumupunta si Beth sa ibang lugar, kasama ang boyfriend nito, para bumili ng mga tuko.

Nalaman din ng PEP sa dalawa na nagkaroon daw ng matinding alitan noong June 2011 ang mag-inang Beth at Angelica.

Ipina-blotter ni Angelica sa barangay ang kanyang ina at inireklamo ng carnapping pero nagkasundo rin sila.

Idinagdag pa nina Pastor at Nikkinita na makikita sa Facebook account ni Beth ang mga litrato ng mga tuko.

Bago sunduin ang mga tuko, ipinapa-email daw ni Beth sa mga contact nito ang mga picture para makatiyak siya kung karapat-dapat puntahan at bilhin ang mga tuko.

Ipinagbabawal sa Pilipinas ang pagbebenta ng mga tuko nang walang kaukulang permiso.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN