Amy Perez feels it’s time for her to have another baby; gives details of her two new shows

"Siguro kung papayagan ako ng TV5, next year. Puwede pa naman. Actually, hanggang 45 puwede pa. Kailangan lang payat na payat ako before ako mag-start na magbuntis," says Amy Perez, who is celebrating her 42nd birthday today, on her plan to have a baby girl with present live-in partner Carlo Castillo.


Ngayong araw na ito, September 5, ang 42nd birthday ng isa sa mga itinuturing na top-rating hosts ng TV5 na si Amy Perez.

Kaya sinasabing top-rater dahil consistent sa pamamayagpag sa ratings ng kanyang talakserye na Face To Face.

QUIET CELEBRATION. Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Amy matapos ang live guesting niya sa Paparazzi kahapon, September 4, inihayag niyang walang magaganap na malaking birthday party para sa pagdidiriwang ng kanyang kaarawan.

"Wala naman, sa bahay lang ako, magluluto lang. At sana kayanin ko pang magluto," nangingiti niyang sabi.

Banggit pa niya, "Tapos, abangan nila si Martin [Nievera] lalabas sa Face to Face."

Matagal na raw nagsi-celebrate nang simple lang si Amy sa tuwing sasapit ang kanyang kaarawan.

"Siguro, mga five years nang ganito. Pero minsan naman, we go to a charitable institution.

"Tapos, nagbibigay lang kami doon. Nagpa-party lang kami dun.

"So, hindi ko na masyadong inaano yun, tini-televise. Kami-kami na lang yun."

HER WISHES. Maliban sa good health para sa kanyang dalawang anak, ang ma-annul na ang kasal sa asawa niyang si Brix Ferraris at ang pagkakaroon daw ng isa pang anak na isang "baby girl" ang wishes ni Amy.

"Siguro kung papayagan ako ng TV5, next year," banggit nito.

Wala naman daw problema sa edad niya ang pagbubuntis kung sakali.

"Puwede pa naman. Actually, hanggang 45 puwede pa.

"Kailangan lang payat na payat ako before ako mag-start na magbuntis.

"Now kasi, I’m 127 [lbs]. So, dapat mga 125 [lbs]. Gano’n," sabi niya.

ANOTHER BABY? Kung susundin daw ni Amy ang kanyang kapritso, puwede na siyang magbuntis kahit wala nang approval ng TV5.

"Puwede naman actually, siyempre, in respect lang sa mga blessings na ibinibigay sa akin [ng TV5].

"Siyempre, parang ipi-prepare ko rin naman [sila].

"Mahihirapan din naman ang transition sa Face To Face," sabi ni Amy, na ang gusto nitong tukuyin ay ang magiging hitsura niya kapag nagbuntis siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, "Hindi naman magiging mahirap sa akin. Nakakayanan ko namang magtrabaho hanggang eight months."

Malabo pa rin ang posibilidad na maibibigay kay Amy ang pangarap niyang mapawalang-bisa ang kasal nila ng kanyang asawa na dating lead vocalist ng South Border na si Brix Ferraris.

"Dyusko! Ewan ko ba! Hindi ko na nga alam.

"Parang lahat na lang ng mga estudyanteng nag-aabogasya, ako ang case study palagi.

"So, nag-aantay pa rin ako for whatever na mag-iba ang decision ng Solicitor General or ng Department of Justice.

"Yun pa rin, naghihintay pa rin kami."

Ang isang pag-asa na lang ni Amy ay ang "divorce law" na pinag-aaralan na isusulong na batas.

"Unless magkaka-divorce, or I think, unless ire-reanggulo sa iba ang kaso. Waiting game ang lola mo," nangingiti niyang sabi.

14-YEAR CASE. Hindi itinatanggi ni Amy na matagal na siyang nabubuhay sa trauma dahil sa walang linaw na annulment case niya.

"Oo naman, sobra akong na-trauma. Kasi, parang ang feeling ko, hindi nila alam kung gaano kahirap ang pinagdaanan ko for the judge to even say, just like that na, ’hindi namin iga-grant.’

"And Adi [panganay niyang anak] is now 14 years old. And fourteen years nang pinag-uusapan ’yan, di ba?

"Yung nangyayari na wala lang pakialam yung tatay. So, it’s very clear abandonment," diin niya.

Kilala naman daw ng anak niya ang ama nito.

"Oo naman. Nasa YouTube. Nakikita naman ng anak ko sa YouTube.

"Nasa Las Vegas raw. Kumakanta-kanta raw," pagbabalita ni Amy tungkol kay Brix.

SEEING DAD. Hindi itinanggi ni Amy na sumuko na ang anak niyang si Adi sa pagnanais nitong makita nang personal ang ama niya.

"Mas mahal... hindi ko naman masasabing mas mahal niya si Carlo, pero mahal talaga niya si Carlo bilang tatay," pagpapatunay ni Amy.

Si Carlo Castillo ang live-in partner ni Amy at ama rin ng kanyang bunsong si Sean Kyle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mag-aanim na taon na raw ang relasyon nina Amy at Carlo.

"Ang bilis, no?"

Sumang-ayon din si Amy sa comment naming kulang na lang pala talaga ang kasal sa kanilang dalawa ng boyfriend niya.

"Oo, yun na lang talaga," sambit niya.

Naiisip din daw ni Amy na baka blessing in disguise din na hindi pa naa-annul ang kanyang kasal para magtuluy-tuloy ang masaya nilang pagsasama ng kasintahan.

"Actually, parang gano’n na lang. Ang kailangan mo lang naman yung kasal [for] the legality of things.

"Para din naman for Adi’s sake. Para kasi gusto rin naman niyang palitan yung apelyido niya ng Castillo. Gusto siya i-adopt ni Carlo.

"Tapos yung legality na para hindi sila illegitimate child. Yung mga ganun.

"Yung legality sa mga bagay-bagay. Pero other than that, okey kami," paliwanag niya.

NO TO ACTING? Mabilis ang sagot ni Amy sa tanong namin kung hindi ba niya nami-miss ang pag-arte.

"I think hosting talaga yung forte ko. So, talagang mas masaya ako doon.

"Kasi, parang feeling ko pag nagpuyat pa ako, tutumba na ako anytime," paliwanag niya.

Maliban sa kanyang show na Face To Face, may bagong show na naman si Amy sa Kapatid network. Ito raw ay pinamagatang Kumare Club.

"Sa Kumare Club, 7 to 8 in the morning ’yan.

"So, maraming tsikahan para sa mga misis at angels nating kasambahay.

"Tapos, yung sa Pulso Singko, mas maiinit na mga balita.

"Para bago sila umalis ng bahay, alam na nila ang mga pangyayari," pagbibigay niya ng ilang detalye sa dalawa niyang show.

Hindi na nagawang itago ni Amy ang katotohanang kasama niya sa Kumare Club si Tintin Bersola-Babao.

"Ang bilis, ha? Huli na kaagad!" tumatawa niyang sabi.

"Tatlo kami rito. Si Tintin at saka si Chiqui Roa-Puno.

"So, tatlong klaseng mukha ng mga ina sa Kumare Club na magtsitsikahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Para itong The Talk na The View na tsikahan ng mga nanay," pagsasalarawan niya sa bago niyang programa.

Hindi masagot ni Amy ang tanong namin kung bakit kailangan pa niya ng isa pang talk show samantalang mero’n na siyang Face To Face.

Hindi rin niya masagot ang isa pa naming tanong kung bakit kailangan pa niyang sumama sa trio of hosts, samantalang kaya naman niyang magdala ng isang show gaya nga ng Face to Face.

Aniya, "Hindi ko rin alam. Sumusunod lang ako sa management ng TV5.

"Ako, okey lang naman. Wala naman na akong mairereklamo sa career ko. Sobrang thankful na ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN