Denise Laurel finally confesses that she is now a mother

A few months after news came out that Denise Laurel was pregnant, the Kapamilya star finally confirmed the report and that she is now a mother.


Late last year ay pumutok ang balitang nagdadalang-tao ang Kapamilya star na si Denise Laurel.

Nagsimula bilang blind item, hanggang sa diretsahan na siyang pangalanan.

Pero nang subukan ng press na kumpirmahin ito mula sa kampo ni Denise—partikular na ang kinabibilangan niyang talent management na ALV Productions ni Arnold Vegafria—ay itinanggi nila ang balita. (CLICK HERE to read related story.)

Ang nakapagtataka lang, kasabay ng balitang buntis si Denise ay ang bigla nitong pagkawala sa kinabibilangan niyang soap opera noon—ang Kristine. Kasama ni Denise dito sina Cristine Reyes, Zanjoe Marudo, at Rafael Rosell.

Noong Sabado, September 3, ay muling napanood si Denise sa pamamagitan ng pagganap niya sa drama anthology ng ABS-CBN na Maalaala Mo Kaya.

Kahapon, September 4, pagkatapos ng ilang buwang espekulasyon, finally ay inamin na ni Denise sa live interview sa kanya ni Boy Abunda sa The Buzz na isa na siyang ganap na ina.

DEFENDING HER MANAGER. Pinasalamatan muna ni Denise ang kanyang home network at ipinagtanggol din niya ang kanyang manager na si Arnold Vegafria.

"You know, not everybody knows this, but he [Arnold] defended me talaga through the end.

"He didn’t know anything until the middle na of the whole process.

"And he answered for me, through and through, he was solid for me," saad ng nagbabalik-showbiz na aktres.

THE PREGNANCY. Malaking break ang ibinigay sa kanya noon ng ABS-CBN sa Kristine nang mabuntis siya. Pero kinailangan nga niyang iwan ang show dahil sa kanyang maselang kalagayan.

Nang tanungin ni Boy si Denise kung ano ang nangyari nang malaman niyang buntis siya, tinanong muna ng aktres ang TV host if she looks okay.

At saka siya tumayo to show na sexy na siyang muli at wala na ang bakas na siya ay nagbuntis.

Ayon sa actress who will turn 24 years old this month, "The moment I found out, akala ko... Twenty-seven, napaaga. That was my target.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Everybody knows that I love babies. Lahat ng buntis, kinakausap ko, ’How does it feel?’ I always love kids.

"Nang malaman ko, I was nervous.

"The first thing that entered my mind was my family. Yun naman ang palagi kong iniisip—my family.

"I came from a very strict, very conservative family.

"And, you know, I’m already pushing the envelope.

"Being an artista, pushing the role that I choose.

"I was thinking, ’How would they react?’

"Although, I’ve never, ever thought that this was a mistake because it’s a blessing."

Ang mga magulang daw ni Denise ang una niyang sinabihan na siya ay buntis.

Kuwento niya, "I told my parents first. Of course, you know, they were very disappointed.

"Akala ko, I thought they would kick me out of the house. I thought they would be very angry.

"Not once did they raise their voice. They were very disappointed, but they talked to me, they asked me if I love the father. If I’m ready for this.

"They made me..."

At that point, kahit sinabi raw niyang hindi siya iiyak, hindi rin na-control ni Denise ang kanyang sarili at naging emosyunal siya.

Aniya, "Pagbali-baligtarin mo man ang mundo, ang pamilya mo pa rin ang nandiyan para sa ’yo.

"My family has been there for me, never-ending love.

"All I can say is, not even thank you is enough.

"They love my son so much and I’m just so thankful that I have people in my life, like them, because they showed me what it is to love."

Noong April ng taong kasalukuyan ay nagsilang si Denise ng isang baby boy.

NO REGRETS. Wala bang panghihinayang that it happened when she was actually at the peak of her career?

"Well, Tito Boy, let’s put it this way... Ang tagal kong nasa industry. I’ve been in show business for thirteen years.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Everybody was telling me, ’Bakit ang bagal bago ka sumikat? Bakit hindi ka pinapakanta? Bakit ayaw kang bigyan ng lead role?

"People are always asking me and I always say the same thing: ’In God’s time.’

"Now, if God gave me a taste of what I want, I got the taste of it.

"But you know, I really work hard, and I love every part of it, so there’s nothing to regret.

"I’ve worked with different people. I got to work with Direk Cathy [Garcia-Molina], Direk Rory [Quintos], Direk Lauren [Dyogi]... all these wonderful people.

"No regrets," saad ni Denise.

Nilinaw naman ni Denise ang balitang nagpunta raw siya sa U.S. noong nabuntis siya.

"Well, I don’t know where the whole States that came from. But I did travel, I was on vacation.

"I just felt that this was the time that I wanted to enjoy, peaceful... I wanted it to be positive.

"I wanted my child to grow in love and around people that are very positive, so I changed my number. I didn’t open my e-mail.

"I really just want the time for my child and my baby."

THE FATHER OF HER CHILD. Alam daw ng mga magulang ni Denise kung sino ang ama ng anak niya. Pero nang tanungin siya ni Boy kung sino at ano ang tunay na identity ng ama ng ipinagbuntis niya, hindi nito nagawang isiwalat ang lahat.

"All I can say, he’s not an actor. He’s not a personality," sabi ni Denise.

"In respect sa pamilya niya, hindi ko na lang sasabihin ang pangalan niya.

"But we’re still together.

"I can say that he provides for his family. He’s a great father.

"We’re just working on things as they come along.

"I’m not married, I’m not, you know... but we’re taking it..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napag-uusapan na ba nila ang kasal?

"Way before I found out that I was pregnant, he proposed five times," sabi ni Denise.

Pagkatapos ng pananahimik ni Denise, bakit ngayon ay bigla siyang naging open sa pagkakaroon ng anak?

"In order for me... para masagot ko ang mga tanong, to give answer, I have to have answer for myself and I wanted to do it in a time where, you know, hindi magulo. Hindi stressful.

"Where I can face everybody openly, happy, and show them what I really feel without thinking anything, to be completely honest," saad niya.

DENISE IS NOW A MOM. Paano siya nabago ng baby niya, ng pag-ibig?

"Noong una kong nahawakan ang baby ko, na-realize ko, ’Wow, ganito pala ang tunay na pag-ibig!’

"I mean, kung ganito ang pagmamahal ko sa baby ko, wala pa ’yang point para sa pagmamahal ni God and ng parents ko sa akin.

"So, I was just in awe. At the same time, punung-puno ng pag-ibig, very overwhelmed.

"Yung tears na lumalabas sa akin ngayon, wala pa ’yan sa tears na... Well, of course, I didn’t cry in front of everyone.

"But when I held him [her son] in my arms, the world was still and everything was perfect."

Hiningan din si Denise ng mensahe para sa kanyang baby.

"You’re so cute!" sambit niya.

"I love you and you’re gonna grow up to be a very strong man.

"Nandito ako para sa ’yo. Kahit anong mangyari, hindi kita iiwan.

"I will be your best friend. I will be your mother. I will be your maid. I will be your teacher, your labandera...

"Everything. I will be your everything. Tayong dalawa. Always."

Sa huli, nagpasalamat si Denise kay Direk Laurenti Dyogi at sa kanyang mga fans.

"You know, not a lot of people know this, pero bago ako nag-Precious Hearts Romances series, lahat ng mga series na ginawa ko, I wasn’t gonna continue being an artista anymore because it was an awkward stage for me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But, pinulot ako ni Direk Lauren.

"And, you know, binigyan niya ako ng chance when nobody was giving me a chance.

"And, you know, he really trusted me and gave me opportunity to show what I can do when nobody wanted to see it.

"I just wanted to say... for all the troubles that my silence have caused.

"To all the fans who would treat me every day, you know, kahit tahimik ako, I was pregnant and, you know, going through so much emotion every day, I just want to say sorry to everybody who have watched Kristine.

"And Direk Lauren, I just want to say, thank you for all the opportunities, and ABS-CBN for letting me come out here."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN