Vilma Santos named one of the richest celebs in Philippine showbiz

"Basta ang talent fee ko, e, worth it naman. Ganun lang ang hiling ko. E, hindi ako sumusobra. Basta kung anong hinihingi ko, e, sulit naman sila. Ganun lang ang deal ko—huwag naman patalo at hindi naman ako aabuso. I will definitely deliver at wala namang nagsasabing lugi sila sa akin," says Batangas governor and Star for All Seasons Vilma Santos.


Noong September 1 ay ginanap ang Alay Lakad 2011 sa Batangas City. Ito ay pinangunahan siyempre ng governor ng Batangas na si Vilma Santos-Recto.

Halos present ang lahat ng local officials ng Batangas. Pati na ang board members ng probinsiya ay kasama rin ni Governor Vi noong araw na yun.

Pero hinahanap ng lahat ang presence ng aktor at board member ng Batangas na si Christopher de Leon.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ate Vi kung bakit "nowhere to be found" ang kanyang favorite leading man sa naturang event. May katotohanan ba ang balitang may tampuhan silang dalawa?

Ayon sa actress-politician, "Sabi hahabol siya. Lahat naman ng Alay Lakad namin kasama si Boyet [palayaw ng aktor], kanina lang siya wala.

"Pero nung tinanong ko yung mga kasama niyang bokal, sabi hahabol."

Ano naman ang masasabi ni Governor Vi sa balitang hindi na raw ganun kaaktibo si Boyet sa gawain nito bilang board member ng probinsiya ng Batangas?

"Kung suporta ang pag-uusapan natin, e, hindi naman, yun, e.

"Kasi nasa legislative si Boyet kasama niya sina Vice Gov. [Leviste]. Ako dito, ako sa executive, ito ang opisina ko.

"Kung meron man silang napapansin, e, hindi ko alam ’yan.

"Kasi hinahanap ko lang siya ngayon, e, kasi nga wala siya talaga," saad ni Ate Vi.

ONE OF THE RICHEST CELEBS. Sa isang survey, pang-apat si Vilma Santos sa "richest celebrities in Philippine showbiz." Nasa number one list si Manny Pacquiao, na sinundan naman nina Sharon Cuneta at Willie Revillame.

Ano ang komento ni Ate Vi tungkol dito?

"Ayaw ng BIR!" natatawang sagot niya.

"Pero I won’t deny it.

"Hindi naman ako ang pinakamayaman. Basta I am living comfortably...

"Kung anumang meron ako ngayon, pinaghirapan ko ’yan."

CONTENTMENT. Sobrang kuntento na raw si Ate Vi sa buhay niya ngayon at wala na raw siyang mahihiling pa sa Itaas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Good health" na lang daw ang lagi niyang dasal para sa kanya at sa mga anak at mga mahal niya sa buhay.

"So far so good, sa klase ng trabaho meron ako ngayon.

"Hindi ganun kadali, asawa ng isang senador, ina ng dalawang anak na dapat gabayan ko, isang gobernador, at gusto ko pa rin ang pagiging artista ko.

"Ang nababawasan ako, e, yung social life. Maraming nagagalit at nagtatampo sa akin, kasi hindi ko napupuntahan ang affairs, hindi ko napupuntahan ang mga birthdays.

"Sa totoo lang, e, hindi na kasi kaya ng katawan ko.

"Magbiyahe dito sa Batangas everyday, bawat bayan na pupuntahan ko, e, physically pagod ako.

"Kaya kung merong nag-iimbita at alam kong pagod ako, e, gustuhin ko mang pumunta, e, hindi ko kakayanin.

"Gustuhin ko mang pumunta, pero pagod ako at mukhang drained na, so ako naman ang masisira.

"Kumbaga, ’Ano ba itong hitsura ni Vilma Santos, bakit ano ba itong hitsura niya?’

"Ibig kong sabihin, kaya ko bang ipaliwanag na pagod ako at galing akong nag-iikot sa Batangas?

"So, sana lang maintindihan nila na yung social life ko talaga, e, nasaskripisyo talaga. But, wala akong choice.

"As far as I know," patuloy niya, "I am living a very comfortable life.

"Awa ng Panginoong Diyos, my family intact. Yung lang naman ang lagi kong dasal.

"Pagiging gobernador ko, e... palagay ko, e, mahal naman ako ng mga constituents ko.

"At ang showbiz career ko, e, marami pa ring offers at hindi pa rin naman ako nakakalimutan.

"Hindi ko man napagbibigyan lahat ng offers, e, hindi ko na hinangad ang sobra-sobra."

TALENT FEE. Through the years, balitang isa pa rin si Ate Vi sa mga artistang may pinakamataas na talent fee. Ano ang masasabi niya rito?

"Basta ang talent fee ko, e, worth it naman.

"Ganun lang ang hiling ko. E, hindi ako sumusobra.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Basta kung anong hinihingi ko, e, sulit naman sila. Ganun lang ang deal ko—huwag naman patalo at hindi naman ako aabuso.

"I will definitely deliver at wala namang nagsasabing lugi sila sa akin," sabi ng Star for All Seasons.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN