Valerie Concepcion arrives with boyfriend Dondon Hontiveros at the Star Magic Ball

"Kumbaga, katulad nga ng sinasabi ko, parang may Dondon life, may Valerie life, and may life together. So, hindi kami pressured na magkita everyday," says Valerie Concepcion about her relationship with basketball player boyfriend Dondon Hontiveros.


Sa unang pagkakataon, nakitang kasama ni Valerie Concepcion ang boyfriend niyang si Dondon Hontiveros.

Sa halip na kanyang anak na si Fiona, isinama ni Valerie bilang escort ang kanyang basketball player na boyfriend sa Star Magic Ball noong Sabado, Setyembre 3, sa The Peninsula Manila, Makati City.

Halatang naiilang at hindi pa sanay ang PBA player sa mga interview dahil nang tanungin siya ng media kung paano siya napapayag ni Valerie, napangiti lang siya at sinabing, "Huh? Hindi ko alam."

Pabiro naman sumingit si Valerie, "Pinilit ko. Sabi ko sa kanya, papatayin ko siya kapag hindi siya sumama."

Tatlong taon na sina Valerie at Dondon bilang magkasintahan, at para sa huli ay nanatiling masaya ang kanilang relasyon.

"Matagal na ring magkasama. We’re still enjoying each other’s company," sabi pa ni Dondon, na naglalaro para sa koponan ng Petron Blaze Boosters.

Bagamat magkaibang industriya ang kanilang pinanggalingan, kampante naman si Valerie na hindi ito magiging problema sa kanilang relasyon.

Paliwanag niya, "Actually, ang maganda sa amin, may kanya-kanya kaming priorities.

"Kumbaga, katulad nga ng sinasabi ko, parang may Dondon life, may Valerie life, and may life together. So, hindi kami pressured na magkita everyday.

"Siguro it works for both of us kasi I have my daughter and siya naman, may son din. So, kumbaga ’yon ang priorities namin.

"Parang nagkakasundo kami na hindi kami kailangang magkita everyday, hindi ako masyadong nagde-demand ng time.

"I think, it’s one of the best things sa relationship namin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN