Matteo Guidicelli apologizes for brawl with Coco Martin

"I’m very, very sorry for what happened. It was a very unnecessary matter. Sorry talaga sa nangyari. Sa lahat ng fans, mga bosses namin, sorry po talaga," says Matteo Guidicelli about the brawl with Coco Martin.


Humingi ng paumanhin si Matteo Guidicelli dahil sa gulong nangyari sa pagitan nila ni Coco Martin pagkatapos ng Star Magic Ball noong Linggo ng madaling-araw, September 4, sa The Peninsula Manila.

Matatandaang sinuntok ni Coco si Matteo sa loob ng Salon de Ning bar ng naturang hotel, pagkatapos diumanong hablutin at sakalin ni Matteo si Coco. (CLICK HERE to read related story.)

Ginawa ni Matteo ang paumanhin kaninang hapon, September 5, sa live episode ng ABS-CBN noontime show na Happy Yipee Yehey!, kung saan isa sa mainstay ang car racer turned TV host-actor.

Tinawag si Matteo ng kanyang co-host na si John Estrada upang magsalita tungkol sa insidenteng nangyari.

Ayon kay Matteo, "I’m very, very sorry for what happened. It was a very unnecessary matter.

"Sorry talaga sa nangyari. Sa lahat ng fans, mga bosses namin, sorry po talaga."

Partikular na binanggit ni Matteo ang mga pangalan ng ABS-CBN executives na sina Cory Vidanes (channel lead) at Deo Endrinal (business unit head).

Dagdag pa niya, "Sa lahat ng tao na naapektuhan, the biggest sorry. I’m very sad."

Nag-ugat ang pag-aaway nina Matteo at Coco dahil kay Maja Salvador, na parehong nauugnay sa kanilang dalawa.

Kahapon ay inamin ni Maja sa The Buzz na may relasyon sila ni Matteo.

Inamin din ng young actress na siya ang dahilan ng gulong nangyari sa pagitan ng dalawang Kapamilya actors. (CLICK HERE to read related story.)

Samantala, nangako rin si Matteo na aayusin niya ang gusot sa pagitan nila ni Coco.

"Bilang artista, nandito ako para magpasaya ng mga tao, para mag-smile sila.

"Pero we had a problem. Gagawa po ako ng paraan para maging maayos ang lahat.

"I love you guys," pahayag niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN