Carla Abellana inspired by grandma Delia Razon to do sexy scenes in her latest movie

Carla Abellana on how she was motivated to go daring: "’Bakit ang lola ko rin naman, may mga bikini shots?’ Siya nga ang nasa isip ko habang nagsu-shooting kami. Sabi ko sa sarili ko, ’kung kaya niya, kaya ko rin. Gagawin ko rin’."


Isa si Carla Abellana sa limang ALV talents ng talent manager na si Arnold Vegafria na ini-launch bilang ambassador ng MSE (Marikina Shoe Exchange) para sa business side, o sa direct-selling aspect ng naturang brand.

Bukod dito, masaya raw si Carla na masasabing aktibo sa bawat aspeto ng career niya ngayon at may mga bagong proyektong ginagawa.

Sa pakikipag-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Carla kagabi, September 5, sa naturang presscon sa Richmonde Hotel sa Eastwood, isa sa mga naitanong kay Carla ay ang ilang comments base sa mga nakapanood na ng trailer ng pelikulang My Neighbor’s Wife.

Ibang-iba nga raw ang ipinakita ng cast sa movie, lalo na sa pagiging daring. Una na nga raw on her part na marami ang nagulat.

Pero ayon kay Carla, "Lahat naman kami, nag-stand out. Pantay-pantay.

"Honestly, kapag napanood ninyo ang movie, you wouldn’t even say that it’s sexy.

"Magugulat kayong lahat dahil marami kayong napapanood sa trailer na wala sa pelikula.

"Siyempre, hindi naman yun ang overall point ng movie.

"Siyempre, that’s one thing na manu-notice sa movie, na sexy siya.

"But if you watch the movie, bukod doon, marami talaga siyang lesson and very tasteful ang pagkakagawa niya."

NOT FOR GEOFF? Ang boyfriend na si Geoff Eigenmann ay tila walang planong panoorin ang movie nila.

Pero depensa naman ni Carla, "Hindi naman sa wala siyang planong panoorin.

"It’s just that he won’t be here. He’s leaving for the States on Thursday.

"Hindi pa naman niya napapanood at wala pa naman siyang reaction.

Dugtong pa ni Carla, "Alam naman niya na sexy ang tema.

"Ako ang unang nakabasa ng script. Siya ang pangalawa. So, alam niya ang laman ng script.

"At si Geoff ang reason kung bakit tinanggap ko ang pelikula in the first place. He doesn’t mind.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siya nga ang nag-encourage sa akin na, ’Tanggapin mo ’yan para ma-overcome mo ang challenge, ang takot mo. Gawin mo. Huwag mong masyadong isipin. Gawin mo lang.’

"Yun ang sabi niya. So, okay, yun ang nagpa-decide sa akin na gawin ko ’to."

LOLA KNOWS. With regards to her maternal grandma Delia Razon, si Carla mismo ang nagsabi na proud ito sa kanyang ginawa.

Aniya, "Sabi ng lola ko, proud siya sa akin. Naaalala niya raw during her days when she had to take risks also.

"Na kinailangan niyang makinig sa director. Kung ano ang hinihingi ng director.

"Sabi niya sa akin, ’Ako pa of all people ang makakaintindi kung bakit kailangan mong gawin ang mga ’yan. Kung ano ang hiningi sa atin, ibibigay natin,’ sabi niyang ganyan.

"Actually, habang ginagawa namin ang ibang eksena, naaalala ko ang lola ko.

"Sabi ko, ’Ang lola ko, kaya niya nga rin gawin ang mga bagay na ito, magpaseksi.

"’Bakit ang lola ko rin naman, may mga bikini shots?’ Siya nga ang nasa isip ko habang nagsu-shooting kami.

"Sabi ko sa sarili ko, ’Kung kaya niya, kaya ko rin. Gagawin ko rin.’"

Nilinaw rin ni Carla ang isyu na kesyo against daw ang lola niya sa pagpapa-sexy niya sa movie.

"Hindi totoo na hindi approved ng lola ko.

"Pinuntahan ko ang lola ko at sabi niya, ’Ako pa, of all people, ako ang makakaintindi bilang artista rin ako."

MEN’S MAG COVER. Ang co-star niya sa movie na si Lovi Poe ay ang cover girl ng FHM magazine this month.

Tahasan namang sinabi ni Carla na, "Sabi ko nga, si Lovi lang yata ang nakapag-cover sa FHM bilang walang photoshop.

"Bilang ganoon talaga ang katawan niya.

"I remember when she’s about to leave pa lang for Bangkok to shoot for the cover, kausap niya talaga ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kinakabahan siya. Diet siya. Sabi ko, ’ano ka ba, kaya mo ’yan. Ang seksi-seksi mo.’"

On her part naman daw, tahasan nang sinasabi ni Carla na hindi niya kayang gawin ang maging cover girl ng men’s mag.

"Hindi ko kayang gawin yun. It takes a lot of courage and confidence, I guess para makapag-pose ka."

Patalbugan sila ni Lovi sa kaseksihan sa My Neighbor’s Wife?

"Hindi naman. Hindi naman yun ang goal namin. Magkaiba naman ang role namin.

"Jasmine is more of a conservative character than Giselle [Lovi] who is more liberated. So, magkaiba."

NEW TV PROJECT. Nagsisimula na rin maging busy si Carla sa bago niyang serye sa GMA-7, ang Kung Aagawin Mo Ang Langit with Mike Tan as her leading man.

Ayon kay Carla, "Ang maganda rito, parang walang kontrabida.

"Ang public ang huhusga kung saan sila kakampi.

"Ang pag-aagawan ng dalawang ina rito, isang bata. So, yun ang maganda ro’n.

"Tapos, very fresh ang concept kasi, contemporary siya.

"First time na mai-introduce sa TV ang concept na invitro fertilization, pati ang pagiging surrogate mother. So, bagung-bago ’yan."

Ayon sa americanpregnancy.org, ang in vitro fertilization "is the process of fertilization by manually combining an egg and sperm in a laboratory dish."

How’s Mike as her new leading man?

"Si Mike, okay naman, mabilis kaming kumilos kanina.

"Ang daming flashback. Ang bilis ng progress.

"Ang daming nangyayari kaagad first taping day pa lang," saad ni Carla.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN