Carla Abellana says she has more respect now for entertainment writer Mario Bautista after their confrontation

"It’s really nothing to me. I’m past it already, move on na. Back to work," says Carla Abellana about her recent confrontation with veteran writer Mario Bautista.


Sa nakaraang presscon ng My Neighbor’s Wife, naging usap-usapan ang kumprontasyon sa pagitan ng aktres na si Carla Abellana at ng veteran entertainment writer na si Mario Bautista.

Sa presscon ng Marikina Shoe Exchange kagabi, September 5, sa Richmonde Hotel sa Eastwood, may nagtanong kay Carla kung kumusta na sila at kung nagkaroon na ba silang muli ng chance na magkausap ni Mario.

Ayon kay Carla, "Okay naman. Hindi pa kami nagkakausap. Hindi pa kami nagkikita.

"I’m hoping to see him in one of the presscons, but, okay naman ako.

"Actually, akala ko nga, tapos na noong gabing ’yun, pero umpisa pa lang pala.

"But, you know, sabi ko nga, masyado akong maraming pinagkakabaalahan para isipin yun.

"I have a new movie that’s coming out.

"May bago akong soap at first taping namin today at babalik pa ako do’n.

"At eto, bagong endorsement.

"It’s really nothing to me.

"I’m past it already, move on na. Back to work."

Anong leksiyon ang natutunan ni Carla sa nangyari?

"Marami," mabilis niyang tugon.

"Anong klaseng lesson ang gusto mo? Personal? Professional?"

Sabi pa niya, regarding Mario, "Wala namang nagbago. It’s just that I have more respect to him now than before."

Sinubukan din ba nila na kausapin ang beteranong manunulat?

Aniya, "Well, may tina-try kaming meeting with him.

"But I was discouraged by my mom and lola na to pursue that meeting or to push through with the meeting.

"Pero hindi ko alam kung bakit. Ang nasabi lang nila sa akin, kasi nakapag-sorry na ako in public during the presscon.

"And they believe, that’s more than enough.

"Pero depende. I’ll see pa what I can do."

Ano ang naging reaksiyon ng mga magulang niya sa nangyari?

"Wala. Ang daddy ko [Rey "PJ" Abellana], walang reaction.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang mommy ko [Rhea Reyes], ang sabi niya, ’I’m so proud of you. Alam ko na hindi ako nagkamali ng pagpapalaki sa ’yo.’"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN