Nadine Samonte admits breakup with Emerson Chua; confirms Leandro Munoz’s statement that they are now exclusively dating

"Parang futuristic yung utak naming dalawa. Yun bang not thinking today but for tomorrow, something like that. So, pag nagkukuwentuhan kami, ’Ay, ganun ka ba? Gano’n din ako. Bakit gano’n?" says Nadine Samonte about Leandro Muñoz.


May kung ilang linggo nang nababalita ang tungkol sa pagiging malapit sa isa’t isa nina Nadine Samonte at Leandro Muñoz, na nagsimula noong kalagitnaan ng taping nila para sa nagwakas na nilang serye sa TV5, The Sisters.

Sa hiwalay na panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), umamin si Leandro na interesado siyang makilala nang husto si Nadine at nasa estado na siya ng pagpaparamdam ng interes niyang maging kasintahan ang aktres. (CLICK HERE to read related story.)

Nanatiling tahimik si Nadine tungkol sa pagiging close nila ni Leandro, at pati na ang tunay na estado ng relasyon nito kay Emerson Chua.

Pero kahapon, September 5, sa taping ng Sa Ngalan ng Ina, ang mini-serye ng TV5 kunsaan bida si Nora Aunor, sa Bosoboso, Rizal, sa kauna-unahang pagkakataon ay umamin sa PEP si Nadine sa kaganapan ng samahan nila ni Leandro.

Inamin ni Nadine na masaya siya kay Leandro, lalo na tuwing magkasama sila nito.

Dagdag pa ng aktres, nagtagpo ang takbo ng kanilang utak ni Leandro. Pareho raw sila ng pananaw sa buhay.

"Parang futuristic yung utak naming dalawa. Yun bang not thinking today but for tomorrow, something like that.

"So, pag nagkukuwentuhan kami, ’Ay, ganun ka ba? Gano’n din ako. Bakit gano’n?

"Something like that."

Natuwa naman si Nadine sa mga nalaman niyang deskripsyon sa kanya ni Leandro bilang isang babaeng "mabuti ang puso, hindi showbiz, at mapagpakumbaba."

"Ahm, parehas kami. Hindi ako ma-artistang effect na...

"Kasi may ibang artista na yun lang yung iniisip, yung fame, ganyan.

"Ako kasi, hindi ’yan ang iniisip ko, e. Ang iniisip ko kung paano ako makakatulong sa family ko.

"Yung pag-aartista ko, ginagawa ko para sa pamilya ko.

"Siyempre, para na rin sa sarili ko. At least kumikita ako.

"Hindi yung dahil sa fame lang," paliwanag niya.

THE BREAKUP. Wala na ring alinlangang umamin si Nadine na hiwalay na sila ng non-showbiz boyfriend niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ahm, last week ng July," pagtatapat niya.

"Isa lang ang sasabihin ko, ayoko na kasing buksan yung..." iwas naman sa umpisa ni Nadine nang tanungin namin ang rason kung bakit sila nag-break ng boyfriend niya.

"Siguro it’s not... Actually, I’m not closing my doors or my windows to anyone, or even to him [Emerson].

"Kasi hindi ko alam later on, baka magkabanggaan kami.

"Hindi ko alam. Hindi ko hawak ang panahon, e.

"We’re friends right now.

"Whatever happens... medyo on the rocks na rin kami, e. Siguro a year.

"Kasi last year, medyo naghiwalay kami, nag-break kami. Tapos, nagkabalikan uli.

"We’re trying to work it out. Actually, nagwu-work out naman siya. Kaya lang, parang gano’n uli.

"Siguro pareho naming... yung pagiging mature namin sa isa’t isa.

"Kasi 17 pa lang ako.... Nineteen siya, 17 ako.

"Six years rin kami. We’ve been together for six years.

"So, parang na-stuck up kami sa gano’n lang.

"Nagma-mature kami sa isa’t isa, pero yung going out, parang... something like that," medyo hirap na paliwanag ni Nadine sa naging takbo ng relasyon nila ng ex-boyfriend.

Hindi lang iniyakan kundi nasaktan din daw si Nadine sa hiwalayan nila ni Emerson

"Kasi six years kami. Saka yun na yung iniisip kong future ko, e.

"Kasi nga futuristic akong mag-isip, di ba?" paliwanag niya.

Umamin din si Nadine na marami siyang isinakripisyo sa career niya para lang mapangalagaan ang relasyon nila ng dating boyfriend niya.

"Actually, siya rin naman, e. Wala akong masasabi sa kanya dahil understanding siya.

"Sino ba naman ang non-showbiz na papayag na nakikita mo ang girlfriend mo na nakikipaghalikan sa TV, di ba?

"So, malaking ano rin sa kanya na intindihin ang work ko.

"Although, wala namang sisihan or sumbatang nangyari.

"Mutual din yung decision namin.

"Ang sabi ko nga sa kanya, I’m now focused sa work.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung dati medyo nasasabay ang lovelife, yung relationship, mas focus na ako ngayon," saad niya.

LEANDRO MUÑOZ. Natawa naman si Nadine sa mga naririnig na speculations na na-develop na raw sila sa isa’t isa ni Leandro.

"Na-develop ako in a way kasi nga, we’re the same.

"Nakita ko siya na siya si Nadine. Nakita ko ang sarili ko sa kanya.

"Pero let’s see. Tingnan natin kung ano ang susunod na kabanata," sabi ng StarStruck alumna.

Hindi ba isyu sa kanya ang pagkakaroon ng anak ni Leandro?

"No, wala namang isyu sa akin yun, e," mabilis niyang sagot.

Hindi rin issue na diborsiyado si Leandro?

"Wala. Hindi rin.

"Kasi hindi naman yung anak, or if ever man, kung anak o kung anuman ang dahilan, or kung sinuman ang makakasama ko.

"And nakilala ko naman siya as siya. Nagpakatotoo siya kung sino siya."

Puwede bang sabihing bukas na bukas na ang puso niya?

"Oo naman, bukas na bukas na.

"Gaya nga ng nasabi ko, I’m not closing my doors and windows to anyone."

Nagulat naman si Nadine sa narinig niyang naging comment ni Leandro nang ma-interview ito kung ano na ang status ng panliligaw nito sa young actress.

Ang isinagot daw kasy ng aktor ay, "It’s getting there."

"Wow, ha! Teka lang, ha? Huwag kang masyadong kampante! Biglang gano’n?" bulalas ni Nadine.

Hindi masabi ni Nadine kung ilang porsiyento na ang posibilidad na matanggap niya ang pag-ibig ng aktor.

"Hindi ko masabi, e. Basta, happy ako.

"Happy ako na masaya ako na magkasama kami palagi.

"Happy ako na... kasi kahit nonsense yung pinag-uusapan namin, nagtatawanan kami."

EXCLUSIVELY DATING. Hindi rin itinanggi ni Nadine ang pahayag ni Leandro sa panayam ng PEP na "exclusively dating" na sila.

"Yes, exclusive dating."

Pero ano nga ba ang pagkakaintindi niya pag sinabing "exclusively dating"?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko rin alam yun," sambit ni Nadine.

"Pero sabi niya [Leandro], ’Hindi ka puwedeng makipag-date sa iba at ako...’ siya rin daw ay hindi.

"’Ay, ganun ba yun? A, o, sige! Puwede na rin yun.’ Okey naman.

"Ang pangit naman kung sinu-sino din. Anong iisipin naman sa akin ng tao, di ba?"

Wala namang nagawa pa si Nadine na itago ang tunay niyang nararamdaman nang kulitin siya kung kailan nagsimula ang pagkagusto niya kay Leandro.

"Gusto ko ba siya?" sabay tawa niya.

"Hindi ko alam kung kailan, e. Basta na lang naramdaman ko na happy ako pag nandiyan siya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN