Rufa Mae Quinto clarifies rumored affair with Boy2 Quizon

"Single naman ako, di ba? Single din naman siya.

"Wala naman actually masama, di ba?

"Pero siyempre, masyado pang maaga, tapos naging busy ako sa lola, siyempre I’m picking up the pieces again, di ba? Parang... hindi naman dapat agad-agad, di ba? Wala munang ganun-ganun na rela-relasyon. And ang relasyon namin is friendship."


Nagsimula sa blind item hanggang sa pinangalanan na sina Rufa Mae Quinto at ang kanyang Bubble Gang co-star na si Boy2 Quizon na diumano’y may relasyon na sila.

Earlier this week, nakita rin sila diumanong magkasama habang hinihintay ang kanilang eroplano papuntang Hong Kong.

Last Sunday, September 4, ay nagsalita na si Rufa Mae tungkol dito sa panayam sa kanya ng kanyang co-host sa Showbiz Central na si Pia Guanio.

Una muna ay binanggit ni Pia na she can personally attest na nakita niya sa Hong Kong immigration si Rufa Mae kaya sigurado ito na pumunta nga ang sexy comedienne sa Hong Kong.

At nakita rin daw ni Pia na magkasama sina Rufa Mae at Boy2.

Paliwanag naman ni Rufa Mae, "Ang hindi po alam ng lahat, na kami ni Boy2 kasi, bukod sa magkasama kami sa Bubble Gang, matagal na kaming magkaibigan, sampung taon nang mahigit, at saka meron din kaming company.

"We have an advertising company, may production din kami. Mag-business partner kami.

"Nagpunta kami dun... Una kasi, ganito ’yan.

"Niyaya ako ni Ruffa Gutierrez [to go to Hong Kong], nagyaya lang, parang ganyan.

"Tapos biglang hindi natuloy kasi si Tita Annabelle [Rama], umalis.

"Tapos, bukod dun, meron din kaming business meeting doon.

"Kasi may producer kami, so pumunta kami to meet the producers.

"Hindi lang Hong Kong ang pupuntahan namin, kasi yung production namin is international din.

"Bukod dun [Hong Kong], may pupuntahan pa kaming iba’t ibang bansa.

"Kasi hindi nila alam... Di ba, ako, producer na talaga ako? So ngayon, siya [Boy2], producer din."

So, nagpunta sila sa Hong Kong para sa business?

"Double purpose na din, at the same time," sabi ni Rufa Mae, na ang tinutukoy ay naging bakasyon na rin yun for her.

"Di ba nga, nawala na si Lola? She’s ’upstairs,’ siyempre napagod ako, e, kailan lang ba yun? Two weeks pa lang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang tinutukoy naman dito ni Rufa Mae ay ang pagkamatay ng kanyang Lola Lucing. (CLICK HERE to read related story.)

"So, bukod dun sa mga shows, business, siyempre gusto kong magpahinga."

The whole time, Boy2 never left her side?

"Well, he’s been there naman ever since na nag-Bubble Gang kami, hindi lang naman siya... buong Bubble Gang.

"Kasi sa Bubble Gan, para kaming pamilya niyan. So, ayun, ganun."

Dagdag pa niya, "Meron din naman kaming kasama. Actually, ano rin kasi siya, parang company meeting nga, so hindi naman kaming dalawa lang.

"Kaya lang, kaming dalawa lang ang artista.

"In fact, yung sa business namin na Brown Sugar Production, may office kami sa Makati, lima kaming magkaka-partner, may congressman."

So, kasama niya ang lahat ng ka-partners niya sa kanilang trip?

"Yes," sagot niya.

NOT HER BOYFRIEND. Iginiit ni Ruffa Mae na hindi niya boyfriend si Boy2.

"Hindi! Basta magka-partner kami," sabi niya.

Nakikita ba niya na someday ay posibleng magka-develop-an sila?

"Single naman ako, di ba? Single din naman siya.

"Wala naman actually masama, di ba?

"Pero siyempre, masyado pang maaga, tapos naging busy ako sa lola, siyempre I’m picking up the pieces again, di ba?

"Parang... hindi naman dapat agad-agad, di ba?

"Wala munang ganun-ganun na rela-relasyon. And ang relasyon namin is friendship."

Pero open-ended?

"Iyon, ganun naman siyempre," sabi niya.

Sa huli, sinabi pa ni Rufa Mae, "Iyon lang naman talaga ang naganap, we’re partners [sa business]."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN